Chapter 65: AWAKENING

Magsimula sa umpisa
                                    


Kinuha nya ang baril nya at saka tinutok sa akin...


"Welcome ad infernum... Copycat"



LYRA POV


"Lyra run!"


Napapikit ako habang paulit-ulit ko paring naririnig ang boses ni Christine. Mali ito, hindi ko dapat sya iniwan... hindi sa isang Apostle.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumakbo, hindi naman ako nakakaramdam ng takot o ano paman. Para bang kusang gumalaw ang mga paa ko. Lumiko ako at nag ikot-ikot sa pier, alam ko may magagamit ako dito, alam ko may magagawa ako.


Isang kotse ang nakita ko, siguro kay Quince ito o kung sino pamang naandito ngayon. Isang paraan lang ang dapat kong gawin para malaman kung ok pa ito.


Binasag ko ang bintana at pumasok ako sa loob ng kotse, walang susi kaya naman napilitan akong pagkiskisin ang dalawang wire para magspark at gumana ang sasakyan.


"C'mon... C'mon..."


Biglang umugong ito at umandar, hinawakan ko naman ang steering wheel at kambyo. Hindi ako marunong magdrive... No, that's wrong. I am Bloody Maria at sigurado akong marunong akong magdrive noon.


Ang kailangan ko lang ay ang magconcentrate, maaalala ng katawan ko ang hindi maalala ng utak ko.


Tinapakan ko ang gas at biglang umandar pasulong ang kotse pero tumama ako at medyo malakas ang impact noon. Parang naalog ang utak ko sa lakas ng pagbangga ko. Napailing naman ako saka sinubukan ko ulit at umatras naman ang sasakyan saka tumama ulit sa kung ano.


"Shit!" calm down Lyra, you can do it.


Kailangan kong balikan si Christine...


This time... nakuha ko sya, napatakbo ko ng tama ang sasakyan na ito and something inside me ang parang gustong sumigaw sa tuwa. Well noon pa naman, mahilig na ako sa sasakyan, siguro ganun na talaga ako noon paman, somehow I started to like the feeling of being Bloody Maria, again...


Diniinan ko ang tapak sa accelerator at derederetsyong nagmaneho. Umikot ako at bumalik kung saan iniwan ko si best at doon, nakita ko si Quince na nakatutok ang baril kay Christine.


Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo pabangga kay Quince.


"Welcome ad infernum... Copycat"


Agad kong tinapakan ang break, at nakita ko pa ng tumilapon si Quince dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya.


Binuksan ko ang pintuan sa tabi ko kung saan katapat nito si Christine. Halata sa mukha nya ang labis na pagkagulat ng makita ulit ako.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon