Chapter 57: TURNING WHEEL OF FATE

109K 2.5K 871
                                    


Flashback

SHIN MEKASHIME


Tapos na ang practice namin at papunta ako sa storage ng soccer club para itabi ang mga bolang ginamit sa practice ng bigla akong matumba sa kinatatayuan ko.


Boom!


Kumalat pa ang mga bola at gumulo dahil sa lakas ng pagsabog, ang isa ay nadagdagan pa ng sunod-sunod na pagsabog.


Shit!


Isang tao lang ang pumasok sa utak ko, si Isly. Kailangan ko syang makita at protektahan... agad akong tumayo at tumakbo. Kailangan ko syang makita at kailangan ko syang mahanap. Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pagsabog sa paligid ko at ang sigaw at iyak ng mga estudyante, ang pagguho ng mga building at ang sunog...


Kailangan kong makita si isly...


Lumiko ako sa isang kanto at halos mapasubsob ako sa bigla kong pagtigil. Isang lalaki ang nakasalubong ko at hindi lang basta ordinaryong tao sya..


Anong ginagawa nya dito? Fuck! Of course, sya lang ang posibleng may gawa nito...


The bomber, Sagittarius...


Hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa utak ko at bigla akong tumakbo papalapit sa kanya. Itinutok nya ang baril nya sa akin pero agad ko naman itong sinipa kaso sa kabilang kamay naman nya bumagsak ang baril kaya nasalo nya ulit ito. Sumuntok ako pero agad nyang nasipa ang tagiliran ko at napaatras ako sa kanya.


Bang!


Napayuko ako sa bigla nyang pagbaril at tumakbo palapit sa kanya pero bigla akong natigilan dahil isang bomba ang nasa may paanan ko.


Ang bilis.


Boom!


Nakaiwas ako sa pagsabog pero nadaplisan ang kanang kamay ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya at binigyan sya ng magkasunod na suntok at sipa. Nasangga nya ito pero hindi ang huling atake ko. Mula sa kanyang baba ay sumipa ako paitaas at tinamaan ang baba nya dahilan para mapaatras sya.


Bahagyang umangat ang maskara nya pero inayos nya din agad ito... Sayang, kaunti pa at matatanggal ko na sana ang maskara nya at malalaman ko kung sino ang tao sa likod ng Apostle na si Sagittarius.


Napaatras na lang ako ng ihagis nya paitaas ang baril nya at saka sumugod sa akin. I know he is a close fighter pero hindi ko alam na ganito sya kabilis. Nagawa nya akong sipain sa sikmura at mapaluhod saka nya sinalo ang baril na hawak.


Pero ang mas ikinagulat ko... hindi nya sa akin itinutok ang baril nya. Napalingon ako at nakita ko si Lyra na tumatakbo din sa direksyon namin, Bigla nyang iniangat ang baril sa harap ni Lyra at ipuputok na ito. Kahit kailan, pahamak talaga ang isang ito...

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon