Napairap na lang ako. Ang landi talaga. Sarap bigwasan sa panga.

"Woahhh!!! Ang ganda!" lumuhod si Faizah sa puting buhangin paharap sa payapang dagat nang dumating kami.

I heard someone chuckled beside me. It was Matteo.

"May pagkabaliw pala ang magkapatid na Atwood," komento n'ya.

"Si Faizah alam kong baliw dati pa. Si Lorenzo ang nakakagulat. Nahawa yata ng kapatid n'ya," nakangiti kong sagot.

"I was just trying to make you feel better," nagulat ako sa nagsalita sa may likuran ko.

"Thank you ha. But you don't need to worry about me. I'm fine," nakangiti kong sabi.

"Uy, Matteo, Lorenzo, baka may plano kayong tumulong!" malakas na sigaw ni Nadine na may bitbit na malaking beach umbrella. Sa isang kamay ay isa namang mabigat na box ng beer. Parang balewala naman sa kanya ang bigat. "Ikaw rin, T. Puro kayo lampungan. Ang sakit sa mata."

Natawa kami sa kanya. Nawala kasi 'yung Nadine na lageng poised. Sa halip ay napalitan ng Nadine na ala-kargador.

"Oh, mamaya na tayo magtsismisan. Galit na yata si boss," ani Matteo saka patakbo nang lumapit sa motorhome. Sumunod naman si Lorenzo at nagbuhat na sila ng foldable na plastic table, dalawang kulay blue na ice cooler box, grill, mga basket ng pagkain at mga plastic na upuan.

Tumutulong din si Titus pero as usual may nakabuntot sa kanya.

"Uy, sama ng tingin mo kay Noelle ah," siniko ako ni Faizah na bigla palang tumabi sa akin.

Umirap naman ako. "Bahala sila. Nasaan na ba 'yung mga kapatid ko?"

"Naliligo na sila kasama si Raye."

"Ang dalawang 'yun. Hindi man lang nagpaalam."

"Hayaan mo na. Nasa mababaw na part lang naman sila."

Nakampante naman ako nang nahanap ng paningin ko ang mga kapatid ko.

Tumulong na rin kami sa pag-setup ng aming paglulutuan. Sabi ni Yadira okay lang naman daw. Marami ring ibang tao doon na tulad namin ay gustong mag-relax.

Nagsimula nang mag-barbecue sina Lorenzo at Matteo at kami namang mga babae ay nagtakbuhan na papunta sa dagat.

"Hep, hep, hep. Bikini na 'yan," ani Faizah na ang sexy sa bikini n'ya.

"Bikini. Bikini," cheer naman nina Nadine at Yadira na nakasuot ng Red and black bikinis respectively.

"Tigilan n'yo ako," natatawa kong sagot. Ang shorts ko lang ang hinubad  ko so the three of them groaned in disapproval.

"Gusto mo ba talagang natatalbugan ka ng maharot na 'yan?" bulong sa akin ni Nadine na nakatingin kay Noelle na parang baliw na nakikipaghabulan kay Titus na hindi naman tumatakbo.

"T, habulin mo ako. Habulin mo ako," maarte nitong sigaw saka tumakbo na.

Tahimik kaming natawa nang hindi man lang kumilos ang lalaki.

"Teka, paano ba nagkakilala ang dalawang 'yan?" tanong ni Yaddie.

"Well, n'ong inauguration night ni T bilang new leader ng Hellville, may party n'on. Nandoon si Noelle. Pagkatapos n'on, hindi na niya nilubayan si T. At ang lalaking 'yan hindi man lang pumapalag," sagot ni Nadine.

Ouch ha.

"Kaya hubarin mo na 'yang rashguard mo," pamimilit ni Faizah na siya na talaga ang naghubad ng suot kong rashguard.

Natakpan ko na lang ang sarili ko nang malantad ang aking pink na bikini top. Itim ang haltered strings n'on. At hindi ko maikakailang medyo revealing nga.

She Was BittenWhere stories live. Discover now