At may rason ako kung bakit ako naiirita.

Tumingin na lang ako sa labas at sadya talagang iniwasan ang direksyon nina Titus. Ayokong marinig ang paglalampungan nila. Well, si Noelle lang naman dahil halos mawalan na ng malay si Titus dahil sa antok. But still...

"Hey, Savannah, you want some pistachios?" may ibinigay na bag ng nuts si Lorenzo sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Tamang-tama. I'm bored. Magandang pampalipas-oras 'to," sabi ko saka ko inabot ang bag.

Nginitian n'ya ako at in-enjoy ko na nga ang pistachios kasabay ng pagkukwentuhan naming dalawa.

"May joke ako."

Napangisi naman ako sa narinig. Si Lorenzo? May joke? Aba bago 'to ah.

"Sige. Ano 'yun?" nakangisi kong tanong saka ako sumubo ng nuts.

Tumikhim-tikhim pa s'ya. "How does a train eat?"

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mukha n'ya.

Kumakain ba ang train?

"Ah...nilalagyan ng fuel?" nag-aalangan kong sagot.

"Ehhhh! Mali. It goes chew chew," palatak niya saka tumawa nang malakas. Ginaya n'ya pa ang tono ng train.

Ano raw?

"Oh, di ba ang funny?" aniyang tumatawa na rin.

Was it really funny?

Lorenzo's laughter echoed inside the motorhome. Nakita ko pa lahat ng ngipin n'ya. Buti na lang malinis ang mga 'yun at walang nakasabit na pistachio.

Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti. Hindi ako natatawa sa joke n'ya kundi sa hitsura n'ya.

"Meron pa. Meron pa," aniyang tumatawa pa rin.

"Go," natatawa kong sagot.

"How many tickles does it take to make an octopus laugh?"

Alam kong corny nanaman 'to kaya hindi na ako nag-abala pang mag-isip ng sagot.

"How many?" kwela kong sakay sa kabaliwan n'ya.

"Eh di ten-tickles. Hahaha," aniya na halos hindi na makahinga sa kakatawa.

Humagalpak na rin ako ng tawa.

Ang cornyyyy.

"Nice one, dude," tumatawang sigaw ni Matteo mula sa driver's seat. "Simula ngayon, gagawin na kitang apprentice ko."

Isa pa 'tong hari ng mga mababaw.

"Tss," mahina lang 'yun pero dinig na dinig ko eh.

Sinulyapan ko si Titus. Nakasimangot siya habang nakatingin sa labas habang kapit-tuko naman sa braso niya si Paper Girl. At ang bruha, sinimangutan ako pero inignora ko s'ya.

Inirapan ko si Titus kahit hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Ang funny mo pala, Lorenzo," sabi ni Paper Girl na matamis na ngumiti sa katabi ko. At may kasama pang kindat.

Tsk. Flirt.

"Thanks," balewalang sagot ni Lorenzo saka muling ngumiti sa akin.

Isang oras din ang binyahe namin. Ang dami pang jokes si Lorenzo na ewan ko kung jokes ba talaga o sadyang pampa-bad vibes. Pero in fairness sa kanya, nakakatuwa ang effort n'yang pagaanin ang loob ko.

Si Titus naman ay nakatulog yata. Ipinilig niya lang sa glass na bintana ang ulo n'ya samantalang minomolestiya naman siya ng katabi niyang maharot. Panay kasi ang haplos ni Paper Girl sa ma-muscle na braso ni Titus. Minsan dumadako pa 'yun sa may tiyan ng lalaki.

She Was BittenWhere stories live. Discover now