Thirteenth Entry: Happiness

1.5K 38 0
                                    

Everybody deserve to be happy. But why? Of all the people, I'm the only one who suffers too much pain. I don't know why'd it happen to me. I don't remember na I've done something wrong sa past life ko. Naging mabait naman ako sa lahat. Is this my karma? Karma dahil ba sa pagiging mabait ko hindi ko magawang gumanti sa ginagawa nila sa akin? O masyado lang nila itong inaabuso. Iniwan ako ng boyfriend ko at tinaraydor ako ng kaibigan ko. Pero may isang tao talaga ang hindi ako iiwan bukod sa pamilya kong sumakabilang buhay na, at ito ay ang pinaka matalik kong kaibigan na si Sandy. Si Sandy na lagi nandyan pag nalulungkot ako, si Sandy na hindi ka iiwan sa ere kahit ano pang kabigat ng problema mo. Ngunit ang isang problema ko lang kay Sandy ay ang aking nararamdaman sa kanya. Isa din ito sa mga dahilan kung bakit ako nasasaktan bukod sa pag-iwan ng boyfriend ko. Mas masakit pa nga. Nasasaktan lang ako sa pag-iwan sa akin dahil tinangay niya ang lahat ng binigay ko sa kanya pati ang kaibigan ko isinabwat niya. Pero yung kay Sandy ibang sakit. Yung sakit na parang nadurog ang puso ko tuwing nakikita ko siyang kasama ang kanyang nobyo o mas kilala na bilang asawa niya. Hindi ko na kaya. Masyadong masakit isipin na hindi ako lumaban man lang kaya ako nahuli. Oo, bakla ako. Isa akong baklang nagmahal ng babae ngunit sa maling pagkakataon. Sobrang sakit at siya ang dahilan why I'm feeling this so much pain at siya din ang kailangan ko para maging masaya at maghilom ang sugat sa puso kong ito. Hindi ko na kinakaya ito. Pero sa ikakasasaya ko gagawa ako ng paraan para hindi ko na muli ito maramdaman. Itong sakit na ito. Susunod na ako sa aking pamilya kung saan makakamtan ko ang tunay kong kasiyahan. Paalam na. Paalam sa'yo.

Nagmamahal,
Mark Jill

Nakatitig ako ngayon sa malamig na mukha ni Mark Jill sa loob ng kabao. Hindi ko inaasahan na mag su-suicide siya. Hindi niya sinabi ang lahat ng naramramdaman niya. Kung sana sinabi niya lang lahat-lahat hindi hahantong sa ganito. Minahal ko siya higit sa pagiging kaibigan, ngunit binalewala ko na lang ito sa pag-iisip na wala kaming pag-asa dahil nga sa bakla siya. Kaya kinalimutan ko itong nararamdaman ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa iba.

"Sandy, bukas mag-eulogy ka."

"Sige po."

Hinanda ko ang sarili ko. Hindi na ako nagsulat o ano man. Basta kung ano man ang lumabas ang sa bibig ko.

"Mark Jill is a good friend. Never kong naisip na magpapakamatay siya. Alam ko naman lahat ng problema niya ngunit ang problemang kinahaharap niya bago siya mamatay ang ikinagulat ko. Hindi ko naman alam na minahal niya ako higit sa pagiging kaibigan. Kung may nakakalam man sa inyo, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin para man lang masolusyonan ito. MJ, hindi lahat ng problema ay idinadaan sa dahas, ito ay dinadaan sa tamang paraan. Alam naman natin na hindi kailanman ay matatakasan ang problema sa maling paraan kailangan itong harapin at solusyonan sa tamang paraan. Nakakainis lang kasi sakanya mismo nanggaling yang mga salitang yan. Pero sana MJ kung nasaan ka man ngayon sana matagumpayan mo na ang tunay mong kasiyahan." naiiyak kong binaba ang mikropono at umalis na sa unahan at dumiretso sa aking inuupuan. Saka naman ako inabutan ng panyo ni Peter na aking asawa.

"Don't cry na Sandy, maybe he's smiling na. Kasi nakamit na niya ang tunay na makakapagpasaya sa kanya. Let's just pray for him na sana mapunta siya sa heaven."

"Pagdasal na lang natin siya."

Hindi lahat ng problema ay dapat kimkimin, dapat mo itong ilabas at ipaalam para ito ay masolusyonan at hindi umabot sa pagsisi.

:-)

Wonderland (ViceRylle OS Compilations)Where stories live. Discover now