Fourth Entry: Crazy for You

1.9K 56 10
                                    

"KARYLLE! OMG AKDNAJAIS." Sigaw ko sa aking pinaka idol kong singer! Super pretty niya talaga, tapos ang sexy niya pa, tapos ang talino, tapos ang bait niya as in super, tapos tapos aaahh siya na ang pinagpala!

"My next song is dedicated to my fan who gave me this beautiful ring. Hello sa iyo kung sino ka man. How nice ka naman." OMG! SUOT NIYA YUNG RING! YUNG RING NA IBINIGAY KO SA MANAGER NIYA!! PINAGIPUNAN KO YUN PARA IBIGAY SA KANYA.

"AKO NAGBIGAY NIYAN SA IYO BEBE GIRL!" Sigaw ng isang gay sa tabi ko. Echosera ito ako kaya, di hamak naman na mas maganda ako sa baklang ito.

"Hoy bakla, sinong may sabi na ikaw ang nagbigay nung singsing sa iyo." Kompronta sa katabi kong ka-uri ko.

"Hoy ka rin! Ako naman talaga ang nagbigay niyan kay bebe girl ko no." Sabay irap niya sa akin. Aba aba gusto ata nito ng sabunutan.

"Aabangan kita mamaya!"

--

OMG THIS IS IT! MALAPIT NG MAG PA-SELFIE!

"Hi Karylle, I'm Vice. Idol na idol talaga kita. Lahat ng shows at concerts mo pinupuntahan ko. Sana naman pagbigyan mo naman ako ng isang selfie lang." Sabi ko sa harap ng salamin ng cr. Iba na ang handa 'no, baka mautal ako sa harap niya nakakahiya. May hat pa pala akong ibibigay sa kanya.

"Hi Karylle, I'm Vice. Idol na idol talaga kita. Lahat ng shows at concerts mo pinupuntahan ko. Sana naman pagbigyan mo naman ako ng isang selfie lang. Ako rin pala ang nagbigay sa iyo ng ring. Yung may 'Ana' po sa loob. Sana tanggapin niyo na din po itong hat." Ito na talaga! Makakaharap mo na ang idol mo. Ito na ang tamang panahon. Hihiling na din pala ako ng kiss sa kanya. Eeeiihhh iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Pero sa lahat ng girl sa kanya lang ako kinikilig yung iba eww na. Iba talaga si Karylle lahat na lang ng kalahi kong bakla love siya. Ano kayang gayuma ang ginamit niya 'no?

--

"H-hi Ka-karylle..." Vice bakit ka nagkakaganyan? Ayan na siya nasa harap mo na bakit na-uutal ka. Wag kang ma starstruck sa kanya. Sayang ang opportunity.

"HiKaryllePwedePaSelfie." Ngayon naman Vice ang bilis mo magsalita. Nakakahiya na talaga. Pinagtatawanan ka ng make-up stylist niya oh.

"Sure." OMG! PUMAYAG SIYA! SELFIE DAW OH. FIRST SELFIE WITH HER! AJFJSJSJJ

"Nasaan na phone mo beh." OMG! OMG! BEH DAW OH. BEH AS IN BEH!

"Ahmm okay ka lang ba?" Sabay wave ng hands niya sa tapat ng mukha ko. Nagising ako sa reality. Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag ko.

"Gusto mo ako na lang ang magpipicture?" Tanong niya sa akin! OMYGAS! Dahil siya nag-offer binigay ko rin ang phone ko, sayang din naman ang opportunity.

"Lapit ka pa sa akin, para kasya tayo." Lumapit naman ako. Nakakahiya kasi sa kanya siya na nga ang nagpicture.

"Si-sige." Wag ka na nga umimik Vice. Nakakahiya ka!

Tapos nag pose kami siya naka-pout ako naman nakatingin sa lips niya.

"Bakit hindi ka nakatingin sa camera. Isa pa ha." Nakakahiya! Ayusin mo yan Vice

Next pose naman niya ay simpleng smile lang tapos ako nakanganga na nakatingin sa camera. Yung nakanganga talaga!

"Ay! Bakit ka nakanganga. Dapat smile ka." Last na talaga ito naku Vice umayos ka.

Last pose na ito. Siya nakangiti na labas ang teeth niya ako naman naka smile lang(yung kilig smile niya).

"Ayan ang perfect na!" Perfect daw oh!
"Ano nga pala ang name mo?" Kinakausap niya ako anong isasagot ko? Hello? Hi? Engot ka na naman Vice!

"Va-va-ys." Bakit kaba na uutal! Nakakahiya na talaga ng severe!

"Vice? That's your name? Ang cute naman ng name mo parang ikaw." CUTE DAW AKO! AKDIAJD!

"Ano yan?" Turo niya sa box na nakalaman yung hat na ibibigay ko sa kanya.

"ParaSaInyoPo" Ngayon ang bilis mo naman mag salita.

"Paldon(pardon)?" Ano daw palda? (Ok waley)

"Ano po para sa inyo." Yes! Na sabi ko rin ng buo.

"Aww thank you.. Ano ito?" Tini-tingnan niya ito ng mabuti. Yung para bang hinuhulaan kung ano yung laman.

"Secret." Nagiging comfortable na ako. Nakakapagsalita na ako na hindi nauutal o di kaya ng mabilis.

"Feeling ko cake ito. Pero magaan siya so hat ba ito?" Talagang na intrega siya sa gift ko.

"Buksan niyo na lang para malaman niyo po." Excited niya itong binuksan and I can see her eyes sparkle sa gift ko. I knew it, she will love it.

"Wow! This so beautiful." Sabay suot niya ng hat.

"Tara selfie ulit tayo." OMG SIYA NA ANG NAG AYA!

Kinuha naman niya yung phone niya at nag-selfie kami. Oh my gamit niya yung cellphone case na ibingay ko sa kanya.

--

After that scenario di ko na ulit siya nakikita. Wala na kasi siyang ibang shows, tv guestings, at concerts. Bigla na lang siya nag MIA. Walang nakakaalam kung anong nangyare sa kanya. Hindi na rin siya nag ti-tweet at nag popost sa IG. Pati sa snapchat niya di na siya active. Maraming nag aalala sa kanya.

"Meme, kamusta na? May balita na ba kay Mommy K?" Tanong ng katrabaho kong bakla na si Archie idol niya rin si Karylle pero di kasibg adik ko.

"Wala pa rin eh." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Nako Meme! Balita ko may asawa na yun!" Ha? Asawa wala naman akong nabalitaan na may bf yun.

"Hoy! Buern anong pinagsasabi mo diyan?" Si Buern isa rin sa katrabaho kong bakla din.

"Nako meme puro ka kasi siya ang laman ng news feeds mo. Try mo naman i-check ang ibang site ano."

"Kailan mo ba nalaman yang balitang yang?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Nako Meme check your news feeds. Kalat na yung news." Agad ko namang tiningnan ang twitter app ko at nakita ko ngang confirmed na kasal na nga siya. Chineck ko lahat ng mga pictures ng asawa niya.

Parang familiar ang face nung boy.

OMG SIYA YUNG GAY NA NAKATABI KO SA CONCERT NIYA! BAKIT NAGING LALAKI! WAG MONG SABIHIN NA NAGPAPANGGAP LANG SIYANG GAY PARA HINDI SIYA MAHALATA! MATAGAL KO NA RIN SIYA NAKIKITA EH. SA LAHAT DIN NG SHOWS NI KARYLLE LAGI SIYA NASA BACKSTAGE.

KAYA DIN NIYA BA SINABI NA SA KANYA YUNG SINGSING DAHIL NAG PROPOSE NA SIYA! BAKIT NAMAN KASI PAREHAS PA NG DESIGN YUNG SINGSING. UMASA AKO UMASA AKO. ANG SAKIT SAKIT!

"Meme, bakit ka na-iyak."

"Matagal ko ng kilala itong lalaki. Siya yung naka-away ko sa huling concert niya."

"Omg. Siya ba yung gay na nakaka-imbyerna na sabi na sa kanya yung singsing."

"Akala ko pa naman yung araw na din yung umpisa ng closure namin sa isa't isa." Masakit sa heart! My first ever heart broken at sa girl pa.

--

A/N: Beng! Waley na namang update. Dedicated ito kay annetokinako :))

Happy 4th Anniversary sa ViceRylle!

PASENSYA SA TYPOS AND WRONG GRAMMARS. :)

Wonderland (ViceRylle OS Compilations)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα