Tenth Entry: Why Try

1.6K 41 1
                                    

A/N: Please support my new story entitled "Why Try".
This one shot is not related sa story ko. Ito ay another plot na naisip ko.

Karylle

"Ok bye. Ingat dyan sa gig mo." Napabuntong hininga ako pagkatapos kong kausapin si Yael. Yael is my husband 5 years na kaming magkasama pero wala pa rin kaming anak. Lagi kasi siyang busy, bokalista kasi siya sa isang banda kaya puro mga gigs sila.

Ako, isa akong teacher sa mga preschool. Masaya naman ako sa trabaho ko. Gustong-gusto ko talaga kasi sa mga bata.

-

"Good morning students!"

"Gooood moorniingg Teacher Karylle!"

"Students wala ngayon si Teacher Anne kasi may sakit siya ngayon kaya pag-pray natin siya at ang pagiging behave niyo ang magandang example para mas madaling gumaling si Teacher Anne, understood students?" Si Teacher Anne ay ang aking katulong sa pagdidisiplina ng students ko.

"Ok po Teacher Karylle." Sabay-sabay nilang sagot sa akin.

Nagsimula na aking magturo. Hanggang sa nagtapos na ang klase.

"Goodbye class."

"Goodbye and thank you Teacher Karylle."

"Kain kayo ng lunch pag-uwi ok." Half day lang lagi ang klase ko. Kaya madali lang matapos ang klase ko araw-araw.

On my way sa sakayan ay nakita ko ang isa kong estudyante na naka-upo sa may waiting shed kung saan nila hinihintay ang kanilang mga sundo. Nilapitan ko siya para malaman ang kanyamg kalagayan.

"Hello Kristel. Wala ka pang sundo baby girl?" Tanong ko dito. Mukha kasi siyang paiyak na.

"Teacher Karylle can I borrow your phone?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"I will just contact my Daddy Vice." Pagpapatuloy nito para ipahiram ko sa kanya ang phone ko.

"Sure baby." Sabay bigay ko sa phone ko sa bata. Medyo nagtataka ako, ang alam ko kasing pangalan ng daddy niya ay Emmanuel so san nakuha yung Vice?

"Daddy Vice where are you?" Napatigil ako sa pag-iisip ng napakinggan ko ng umimik si Kristel.

"Ok daddy wait kita dito. Ingat po kayo Yabyu!"

"Thank you Teacher Karylle." Inabot niya na sa akin na ng phone ko.

"Welcome baby girl. Ano palang sabi ng daddy mo?"

"He said daw na on the way na siya. May pinuntahan lang siya kaya na late po siya ng konti."

"Gusto mo samahan muna kita? Baka mapapano ka pa."

"Ok lang po."

Hinantay namin yung Daddy niya, after 30 mins. ay dumating na din ang daddy niya.

"Hi baby girl, nainip ka ba sa paghihintay?" Sabi ng isang lalaki na lumapit kay Kristel. Sa tingin ito yung daddy niya.

"Nope, cos Teacher Karylle is here with me." Sabay turo sa akin ni Kristel para ipakalaa sa kanyang daddy.

Wonderland (ViceRylle OS Compilations)Where stories live. Discover now