"Dear Ex"- Ako nga pala yung sinayang mo

99 4 1
                                    

Dear Ex:

Hey ex ! Kumusta ka na ? Naalala mo pa ba ako? Hindi ka na nagpaparamdam sakin,sabi mo Friends ?

Gusto kong ibahagi sa iba ang naging karanasan ko kasama ka.Totoo namang nakalimutan ko na ang nadarama ko mula sa iyo, ngunit hindi ang iyong pagkatao at ang ating mga alaala,ang ating pinagsamahan mapait man o masaya.

Masasabi kong naging masaya din naman ako sa piling mo.Naalala ko pa ang una nating pagkikita.Gabi na nun nang nag text ka na pumunta ka sa aming lugar kasama ang iyong mga tropa. Nakakatawa pa dahil pinaalam ko kina mama at papa na pupuntahan ko lang aking kaklase.Nag nagkita tayo masasabi kong na pogian talaga ako sayo,haha.Pero putek naman tinutulak mo ko sa tropa mo ,ikaw naman ang gusto ko.
Yun ang una nating pagkikita sa ilang buwan na naging mag textmate tayo.Pero bago tayo nagkita simulan muna natin kong paano tayo nagkakilala. Naalala mo pa ba ? nagsimula pa tayo sa clan.Naging mag ka textmate,katawagan,at naging magkaibigan.Sinabi mo sakin na gusto mo kong makita,hindi pa ako pumayag nun dahil nahihiya ako.Sa katunayan hindi lang naman ako ang naging textmate mo pati rin mga tropa ko.Nang napag desisyonan kong magkita tayo ay nasundan pa yon ng ilang pagkikita. Halos dalawang gabi sa isang linggo tayong nagkikita doon sa bahay ng tropa ko.Marami tayo,kasama mo yung tropa mo,kasama ko rin yung tropa ko.Naalala ko pa napalagi nyo kaming nililibre.Lumalim ang pagkakaibigan nating lahat.Pero sa hindi inaasahan pati ang nararamdaman ko sayo ay lumalim na rin.Pagmamahal hindi lang bilang kaibigan ngunit higit pa doon.

Palagi kong hawak ang cellphone ko dahil simula nung naging magkaibigan tayo ay mas napapadalas ang pagtatawagan nating dalawa.Halos lahat ng gawaing bahay isinasantabi ko muna para makausap lang kita.Yung cellphone ko palaging nakadikit sa tenga ko,yung bunganga ng mama ko hindi na rin natigil. Pagnagkikita pa tayo hindi ko maiwasan na magpaganda at magpabango,kasi putek naman ang ayos mong manamit at parang yung pabango nyo ata pinaligo mo na. So ito na nga, hindi ko na maipagkakailang gusto na talaga kita.Hanggang sa inamin mo rin na gusto mo rin ako.Grabe ang saya ko nun.Kasi finally gusto din ako ng crush ko.

Isang araw tinanong mo ako kung sakaling may manligaw sakin may pag-asa ba. Sympre ako naman itong si assumera,umasang nagpaparinig ka.Pero hindi naman ako nabigo dahil sinabi mo na gusto mong manligaw sakin.Ako naman itong si naghihintay lang,pumayag naman.Pero sympre pakipot din ako,kaya nagpaligaw muna ako sayo,kasi ganun naman dapat diba? .

Sa mga araw at oras na nag uusap tayo sa phone at kahit sa personal ay nagiging sweet ka sakin.kinikilig ako I won't deny,gusto kita eh. Nang tinanong mo ako na pwede na ba kitang sagutin ay napag-isipan ko na ring sagutin ka.Gusto naman kita eh,gusto mo rin ako.Nang naging tayo mas lalo kitang ginusto.Napaka maalaga mo.Sayo ko naranasan na magkaroon ng jowang parang kuya ko na rin at the same time.Pinapagalitan mo pa nga ako pag di ako tumutulong sa gawaing bahay.Minsan inaaway kita kasi hindi ka nag tetext habang ako naghihintay sayo at hindi magkapag concentrate sa klase.Pero nung narinig ko ang rason mo ay natuwa ako,dahil ayaw mo lang pala akong maistorbo sa klase ko.Nasanay ako na pagkagising ko may text na mula sayo,magandang pangbungad sa umaga.Nasanay ako na pagkausap kita lagi,hindi ka lang puro sweet,makulit at mapagbiro ka rin at yun ang nagustuhan ko sayo.

Sayo ko naranasan kung paano maging pasaway na girlfriend dahil gusto ko na pinagsasabihan mo ako dahil iba kong pagalitan mo ako. Ang lambing ng boses mo, yung parang kinakausap ko lang ay isang anghel ? Feeling ko ang swerte ko na naging tayo. Sa tuwing na iisip ko na mag bebreak tayo ay nanghihina ako.Kasi hindi ko kaya.Hindi ko kayang walang ikaw sa buhay ko.

Ang corny mang isipin na sa edad kong ito ay naiisip ko na ang future kasama ka.Hindi ko kayang mahiwalay sayo,hindi ko kayang mawala ka sakin.

Pero laking pagsisisi ko na sinanay ko yung sarili ko sayo.Dapat pala hinanda ko na yung sarili ko sa ano mang pwedeng mangyari sa relasyon natin.Dahil lahat ng bagay nagbabago,walang permanente sa buhay,sa mundo.Parang bang profile picture lang sa facebook?pwedeng temporary.

"Dear Ex"(oneshot)Where stories live. Discover now