"Ayan kasi. Di nakikinig." natatawang sabi ni Ice.

"Well, Cream okay lang ba sayo na ikaw na lang ang maging representative natin sa Binibining SLU?" napakunot ang noo ko. Ako? Bakit ako? Maganda ako pero I'm sure naman na may mas maganda sakin dito.

"Ako? Why me? Ikaw na lang." sabi ko kay Catherine. Umiling sya. "I cant. Only first year students are allowed to join. Besides, title holder na ko nung first year." sagot nya sakin.

"Well, Im sure may iba pa kayong mahahanap. Bakit ako agad? Bakit walang nomination or something?" tanong ko. Tiningnan ni Catherine si Ice. Si Ice naman, humarap sakin.

"Come on Cream! Sumali ka na."

"Ayoko nga! Bakit ako sasali? Saka lang ako sasali pag nagbotohan sila tas ako ang nanalo." humarap ako sa unahan.

"I guess, we need to do the election. Kapag nanalo si Cream, I will automatically be her partner. If not, hindi na ko sasali." sabi nya as if giving an ultimatum. Kinabahan ako dun. Dahil sinabi ni Ice na di na sya sasali ng di ako ang kapartner nya, malamang lamang, mananalo ako. Everyone wants Ice to do that Ginoo and Binibini thing. Ano ba tong napasok ko?

"I nominate Cream Sandoval." agad na sabi ni Adam. Pinagtutulungan ba ako ng mga ito?

"Any nomination?" tanong ni Catherine. Tiningnan ko ang mga kasama namin sa New Audi. Lahat sila, nakatingin sakin.

"Walang ibang nomination?" tanong ni Catherine. Naghintay pa sya ng ilang sandali. Nagbabaka sakaling may magtataas ng kamay at may magnonominate.

"Well then, kailangang makakuha si Cream ng 2/3 na votes para maging official candidate natin sya. So...who's in favor of..." di pa tapos ang tanong eh nagtaasan na ang kamay nila. Kahit si Catherine at yung katabi nyang chinito na vice president ata ay nagtaas na din ng kamay. Ako lang ata ang di nakataas. Maging si Ice ay nakataas ang kamay habang nakangisi na nakatingin sakin. I got 99% of the votes. I reached 2/3 at ibig sabihin ay ako na rin ang candidate. Could it be worst?

"That settles it then? Si Ice at Cream na ang representative natin." I feel like napagtulungan ako. Tiningnan ko si Ice na ngayon ay malaki ang ngisi sakin. Hinampas ko na.

"Nakakainis ka!!" sabi ko sa kanya.

"Ang gwapo ko kasi eh." natatawa nyang sagot. Bakit ba palagi na lang akong natatali sa lalaking ito? Ugh!

Sinabihan kami ni Catherine na may meeting daw ang representatives bukas sa may Cultural Building ng 9AM. So meaning, I have to attend that one. Kaines!

Two weeks from now din ay may audition para sa Top 8 na makakapasok sa coronation night. Sa dami ng course sa SLU, everyone is battling it out.

Si Adam at isang Twinkie Ramirez ang napili ng batch namin para sa muse at escort ng sports fest. Buti naman at di na kami ni Ice yun. Mahahaggard ako araw araw.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now