Chapter Six :)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinampas ko na. "Wag mo nga akong isali sa mga ganyan! Ipapatanggal ko ang pangalan ko." tumayo ako at nagsalita.

"I cant accept the nomination." sabi ko. Napakunot ang noo ni Catherine.

"Sorry dear, a nomination is irrevocable."At kelan pa nagkatoon ng ganyang rule?

"What? Why?" tanong ko.

"It's in the by laws." sagot nya sakin. Umupo na lang ako at sinilip si yelong nakangisi habang pinaglalaruan ang phone nya.

Isang Pickle Miranda ang nakalaban ko. I dont know her. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha nya nung tumayo sya. Mabilis din kasi syang naupo.

"Okay! So, we have Ice as the male representative and Cream as the female representative. Palakpakan natin sila." sabi nung president. Peke akong ngumiti sa kanila. I guess, I really have no choice. I was nominated and I won by a landslide votes so, wala na talaga akong kawala.

"Kung mahihirapan ako, dapat mahihirapan ka din." tiningnan ako ni Ice. Nakangisi sya.

"Jerk!" I hissed.

May pinagsasasabi pa yung lalaking nakasalamin sa unahan bago ulit magsalita yung Catherine.

"Okay. So, paguusapan naman natin ang sasali sa Ginoo at Binibini. As you know, nakalagay sa by laws ng competition na only first year students are allowed to join. So ibig sabihin, sa first year manggagaling ang rep natin. Guys, two years na tayong title holder. I want three peat. So, we need to choose our reps wisely. Okay?"

May kung ano ano pa syang pinagsasabi sa unahan. Hindi ko na iyon pinansin at naglaro na lang din sa phone ko. I visited my twitter and instagram account also. I'm glad this whole school is wifi zoned.

Nakita kong may babaeng nag follow sakin sa twitter. Her username is @queenblueee. Ganun din ang username ng bago kong request follower sa IG. Sino ba to?

I opened her profile and I realized na ito pala ang kulay asul na ex ni yelo. Talaga namang inistalk pa ako? Ha! This girl is unbelievable!

"I have a suggestion..." imik ni Ice. Natuon tuloy ang pansin ko sa kanya. Everyone's attention is on him now. Nakaupo pa din sya habang nagsasalita. Still, like a boss.

"Bakit hindi na lang din kami ni Cream ang sumali?" Sumali saan? Napakunot ang noo ko. What the heck is this guy saying?

"Actually, I was also thinking about that too. Panalo na agad tayo sa votes pa lang. Kilala kayo ng lahat. Specially you Ice. Besides, gwapo ka, maganda si Cream. You'd make a perfect combo!" sagot sa kanya ni Catherine.

"Anong pinaguusapan nyo?" tanong ko kay Ice. Tumingin sya sakin.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon