CHAPTER 48

68.9K 1.2K 54
                                    

Unedited.

Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Ian. Siya ang nagmamaneho habang ako naman ay nasa passenger seat. Naalala ko tuloy yung pagkanta niya sa akin ng Passenger Seat. Papunta kami ngayon sa bahay niya. Doon niya raw kasi gustong kumain at as usual, ako ulit ang gusto niyang magluto.

"Nakalimutan ko palang itanong kung okay na yung braso mo. Pinaglaba at pinaggardening pa naman kita nung isang araw." ang sabi ko.

He smiled but didn't turned to look at me. "Okay na, good as new as you can see. Hindi na rin masakit kung yun ang inaalala mo."

Tumango-tango ako sa isinagot niya. Mabuti naman. Kaya pala noong isang araw pa wala yung sling niya sa braso. Bakit ba hindi ko agad napasnin yun?

"Ano nga pala ang nangyari sayo nun? Bakit may injuries ka?" naitanong ko.

He just smiled but didn't answered me. Nagkibit-balikat na lamang ako. Baka hindi namanayaw niyang pag-usapan yung nangyari. Hindi na lang ako mangungulit.

Nakarating kami sa bahay niya nang wala nang nagsasalita. But it was not awkward. Para bang kuntento na kaming magkasama lang kahit hindi nag-uusap. Yung presensya lang namin, sapat na para sa isa't isa.

Pano ba naman, nagkiss na kayo mao-awkward ka pa ba?

Hay, sumingit na naman si Bebe. Siya ang pinakanatuwa nang maghalikan kami ni Ian. And speaking of the kiss, nangingiti na naman ako nang maalala ang pakiramdam na kahalikan si Ian. Shit! Heaven mga bes! Yung tipong labi niya pa lang, sarap na sarap ka na. And it was like his lips were promising something you will definitely like. Landi!

Nang makaparada siya sa garahe ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Nakangiting nagpasalamat ako sa kaniya at nakangiti rin siyang sumagot. Para kaming mga tangang nagngingitian lang. Peg-ebeg nge nemen.

Bago pa kami maglakad papasok, kinuha na niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kaniyang kamay. I saw him looked at me from the corner of his eyes and he was suppressing a smile. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko sa kilig.

Shit! Para naman kaming teenagers nito!

Magkahawak kamay kaming naglakad papasok. Nagulat pa ako ng makitang nakaupo sa sofa sa sala si Nashien at nagbabasa ng magazine na si Zaccheus ang cover. Oo nga pala, dito nga pala tumutuloy si Nashien imbes na sa hotel dahil ayaw paghotel-in ni Ian ito.

And seeing her now, hindi ko na maramdaman ang selos na nararamdaman ko noon tuwing nakikita ko siya. Parang ang nakikita ko na lamang ay isang kaibigan at hindi na karibal. Nawala na rin yung urge ko noon na iluto siya sa nag-iinit na kawali gamit ang kumukulong mantika.

And that feeling made me smile. Ah, alam ko na kasing hindi na siya mahal ni Ian. Although I know she will always have a spot in his heart pero ang buong space naman ay nasa akin na.

"Hi, Shien." bati rito ni Ian.

Nag-angat ng tingin si Nashien mula sa pagbabasa ng magazine. Umaliwalas ang mukha niya ng makita ako sa tabi ni Ian. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin and hugged me tight.

"Schulaika! Oh my gosh! So happy to see you, again!" natutuwang bati niya.

I chuckled and hugged her, too, with my free hand. "Yeah. It was nice to see you again."

She held me at arms length. Pinakatitigan niya ako nang mabuti na para bang may hinahanap. "May kakaiba sayo." Bumaba ang mata niya sa magkahawak naming mga kamay at nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Ian. She stepped back. "Kayo na?"

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon