CHAPTER 30

72.5K 1.5K 251
                                    

Unedited.

Naiwan kami ni Nashien sa mesa. Anh dalawang lalaki kasi ang nagpresintang um-order nang kakainin namin.

Tahimik lang akong nakayuko habang nakahalukipkip. Ayokong tingnan si Nashien. Ayokong tingnan ang babaeng mahal ng mahal ko. Ayokong isampal sa mukha ko kung gaano kaperpekto ang mahal niya. Ayokong makita ang dahilan kung bakit sa umpisa pa lang wala na akong laban.

Pero bakit nandito pa rin ako? Bakit nagyaya pa ako? Bakit kahit nasasaktan ako, pinili ko pa ring sumama sa kanila?

Dahil gusto kong maging manhid sa sakit. Dahil habang nakikita ko silang magkasama, masasanay at masasanay ako sa sakit hanggang sa puso ko na mismo ang hihintong makaramdam. Hanggang sa ang puso ko na mismo ang magsasabing okay na, hanggang sa ang puso ko na mismo ang magsabing tama na at oras na para kalimutan siya.

Pwede ko namang gawin yon, di ba?

"Schulaika."

Napaangat ang tingin ko kay Nashien. Tinitingnan niya ako ba para bang isa akong eksperimento. Para bang may pilit siyang hinahanap sa akin.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.

"What's with the shades? I mean, I don't really believe your alibi earlier." ang sabi niya.

Nahigit ko ang aking hininga sa tanong niya. Natigilan ako. Shit! Bakit ganyan siya magtanong?

"Ahm..." tumikhim ako at inayos ang shades sa mga mata. "A-ano... n-nanood kasi ako ng movies kagabi. Ahm, yung Miracle In Cell No.7 tapos . Kaya heto, namamaga ang nga mata ko."

She nodded but looked like not convinced. I swallowed hard under her scrutinizing gaze. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Pakiramdam ko may alam siya sa nararamdaman ko at sa nangyayari ngayon sa akin. No! Hindi pwede!

"Do you like Ian?" tanong niya bigla.

Napalingon ako sa kaniya. Nanlakaki ang mga mata ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlamig bigla ang mga kamay ko at pinagpawisan ng malamig.

"Ha?" pigil hiningang tanong ko.

"I asked you if you like Ian." she repeated. She looks serious.

Napalunok akong muli. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong niya o babalewalain ko na lang.

Shit naman, Nashien! Bakit ngayon ka pa nagtanong ng ganyan?! Nananadya ka ba?

Ibinuka ko ang aking bibig upang sumagot sana ngunit dumating na ang dalawang lalako dala-dala ang tray ng in-order namin.

Nakahinga ako ng maluwag. Natanggal ang kaba sa aking dibdib. Shit! Muntikan na yun! Pasimple kong hinaplos ang tapat ng aking dibdib.

"Here's you order, Miss!" nakangiting sabi ni Martin ng ilapag niya sa mesa ang dala niyang tray. Nginitian ko siya.

Umupo ang dalawa. Sa tabi ko naupo si Martin habang sa tabi naman ni Nashien si Ian. Nasa harapan ko naman si Nashien. Nakaupo kami sa pang-apatang mesa sa may dulo ng fast food restaurant.

"Salamat." Tipid ang ngiting ibinigay ko kay Martin.

"Basta ikaw." nakangiti niyang sagot.

Ibinigay ni Martin sa akin ang pagkain ko: two-piece chicken, large float, large fries, burger, and ice cream. Meron ding isang Happy Meal dahil gusto ko ring maging masaya kahit sa kinakain ko lang.

Bakit ganyan kayo makatingin? May masama sa in-order ko? Ha?

Hindi ko naiwasang mapalingon sa harapan. Ngunit pinagsisihan ko lang din dahil nakita kong asikasong-asikaso ni Ian si Nashien. Binuksan nito ang balot ng kanin bago ilagay sa lalagyan. Pinaghimay pa nito ng manok ang babae kahit na tumatanggi ito.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now