CHAPTER 34

2.2K 104 14
                                    

Maco POV

Napawow ako sa ganda ng lugar talagang pinaghandaan nya. Halata rin sa kanya na mayaman sya, yung bahay nila ay napakalaki.

Nasa isang restaurant kami na may roof top pero second floor lang. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako papasok.

Marami ring tao sa loob dahil restaurant nga eto puro couple siguro sila.

At yon pumasok kami sa isang pinto sa loob non ay may hagdan. Hinila nya nanaman ako paakyat. Pag akyat namin para yung garden tapos ay may tumugtog ng violin. Kaya niyaya nya muna akong sumayaw.

"Maco sayaw tayo" sabi nya kaya inabot ko naman yung kamay ko kasi nakakahiya eh.

Nilagay nya yung dalawang  kamay ko sa may bewang nya. Tatanggalin ko sana pero hinawakan nya yung kamay ko at inilagay sa bewang nya.

"Hayaan mo lang yan dyan"sabi nya kaya nilagay ko lang yun don.

Nilagay nya naman yung kamay nya sa may batok ko halos magkasingtangkad lang sila ni Leah.

Yun na nga sumayaw na nga kami.

"Bat mo ba ginagawa to?"sabi ko.

"Kasi gusto kita at mahal na mahal kita!"sabi nya.

"Pero alam mo naman ata namay gf ako diba?!"sabi ko.

"Oo, wala naman akong pake don! Ayos lang sa akin kahit itimer mo ako" sabi nya.

"Tara kain muna tayo!" sabi ko medyo naloko ako sa sinabi nya. Gusto ko na sanang umalis at mag paalam kaso nakakahiya e.

Tinawag nya yung isang waiter at binulungan nya.

Pumunta na kami sa table at inalalayan ko sya sa pagupo at umupo narin ako.

Nagdatingan ang mga waiter may dalang mga pagkain. Inihain nila yon sa lamesa at nilagyan ng soft drinks yung baso namin.

Tas kumain kami habang nagkokwentuhan kami uli. Pagkatapos naminnkumain ay umupo kami malapit sa gilid ng roof top.

"Nabusog ka ba?" tanong nya.

"Ahh oo salamat ha! Ikaw nabusog kaba?"sabi ko.

"Oo nmn" sabi nya.

"Tungkol sa sinabi ko kanina napagpasyahan mo naba?" dugtong pa nya.

"Trina sorry! Alam mo naman kasi na mahal na mahal ko si Leah" sabi ko. Nakita kong napasimangot sya at tumingin sakin.

"Eh bat ka pa pumunta dito?!" medyo galit nyang sabi.

"Dahil dun sa dare "sabi ko.

"Kaya pala, pero wag mong isipin na titigilan na kita!" sabi nya tas lumakad na sya palabas at nakita ko sya na sumakay sa isang Ferrari.

Kaya bumaba narin ako at sumakay sa motor tas dumeretso ako sa condo namin.

Pagdating ko don wala sila don kaya nag alala ko. Kaso naisip ko bat ako mag aalala eh wala na kaming problema.

Pumunta ako sa tambayan bukad ang ilaw sa court. Napatanong ako kung bakit kaya. Pumunta ako don at nakita ko ang mga 5 tao na nakahiga. Nang makalapit ako ay sina Niño, Eggpie, Bibot, Jeck, Ken lahat sila duguan sa katawan pati sa mukha. Wala si Kiel baka wal talaga sya dito.

"Tulong!!!" sigaw ng isang babae sa malayo. Maya maya pa ay dumating si Kiel na nakamotor.

"Kiel!" sigaw ko habang lumalapit kay Kiel pero isang bagay ang nagpatigil sakin isang putok ng baril. Bigla syang tumumba kaya bigla akong nagtago sa isang puno.

Sino kaya yon? Bakit nila to ginagawa? Ang dami ko pang tanong na di masagot ng may babae nanamang sumigaw sabay ang putok ng baril. Kukunin ko sana ang cellphone ko ng di ko na to makapa.

Masyadong malayo ang lugar nato para marinig ang putok ng baril. Kaya alam kong kami lang ang nakakaalam nito. Kabado talaga ako sa mga nangyayare. Napaupo muna ako at nag isip ng plano habang nakatingin sa ilaw ng court.

____________________________________

A/N: Sorry sa mga wrong typos. Salamat sa mga patuloy na bumabasa at nagvovote pati narin sa comment. Sana guys nagugustuhan nyo parin yung takbo ng sistema ng storya.



Mr.Gangster meets Ms.Sungit 1Where stories live. Discover now