Sorry

2.4K 19 1
                                    

Flashback

Dumating si daniel sa bahay ng tito niyang si robin, inimbitahan kasi siya nito dahil nagdididwang si robin ng kanyang kaarawan ayaw mang pumunta ni daniel wala din siyang nagawa dahil nahihiya siyang tumanggi, malaki parin naman ang  respeto niya sa angkan ng mga padilla.

"Oh daniel, andyan kana pala" yumakap si robin kay daniel

"nasa likod sila kylie at ang iba mo pang pinsan nag iinuman, pumunta ka don."

Medyo nagdadalawang isip si daniel dahil kinabukasan ay mamimili sila ni kathryn ng mga pangregalo, malapit na kasi ang pasko at sasalubungin nila ito ng magkasama, magkakasama ang mga fords at ang mga bernardo. Iisang pamilya.

"Hindi na ho siguro, sandali lang din naman ako--"

Sakto namang papasok si kylie sa loob ng bahay para kumuka ng yelo kaya't nadatnan niya si daniel "dj? Omg you came!" Bumeso si kylie sa kanyang pinsan

"Let's go, come with me. Adun sila sa likod"

Napakamot naman ng batok si daniel, "ah kasi --"

Hinawakan ni kylie ang braso ni daniel at hinili papunta sa likod bahay "i will not accept no for an answer let's go!"

Nakita agad ni kevin si kylie at daniel kaya naman sumigaw ito kasabay ng pagtaas ng kamay na may baso ng alak na hawak, "dj!"

Tila may isang babaeng namilog ang mata ng malamang dumating at pumunta nga si daniel, hindi niya kasi ito inaasahan; "omg" mahinang bulong ni jasmine

Si jasmine ay malapit talaga sa mga padilla, ito ang isa sa dahilan kung bakit nawala ang respeto ni daniel sa angkan niya, dahil pinipilit sa kanya ang isang taong hindi naman niya gusto.

Kung bastusin ng mga padilla si kathryn ay ganoon na lamang kaya naman mas lalong lumayo ang loob ni daniel. Kung ipamukha ng mga padilla kay kathryn na hindi nila hindi ito gusto, ang isang bagay na lalong nagpapagalit kay daniel.

Kayang talikuran ni daniel ang lahat para kay kathryn, at ang pagtalikod niya noon sa apelidong padilla ay wala lamang sa kaniya dahil, kahit kailan ay hindi niya nanaising mapasama sa ganoong klase ng angkan.

Wag si kathryn. Wag na wag si kathryn. Dahil kayang isakripisyo ni daniel ang lahat  para lamang kay kathryn.

Agad na yumakap si daniel sa pinsan niyang lalaki at babae, nandoon din si roanna na kapatid ni daniel, ng mapansin ni daniel ang isang pamilyar na babae agad siyang napamura.

Tangina. Bulong niya

Hangga't maari kasi ayaw niyang lumapit kay jasmine, ayaw niyang masaktan si kathryn at maging ang mga fans. Sa kahit anong paraan ayaw na niyang masaktan si Kathryn,natatakot si daniel na gumawa ng mali dahil baka mawala si kathryn sa kanya at ito ay hindi niya kakayanin.

Gumawa ng paraan si kylie upang magkatabi si daniel at jasmine, ng mapansin ito ni roanna agad siyang gumawa ng paraan ngunit pinigilan siya ni kevin "dj dito kana sa upuan ko--"

Akmang tatayo si roanna ngunit hinawakan ni kevin ang braso niya, "manahimik ka ha." Pabulong pero madiin ang pagkakasabi ni kevin

"Upo na dj!" Hinili paupo ni rjay si daniel, wala namang nagawa si daniel kaya't umupo na ito sa tabi ni jasmine

Agad namang kinuha ni daniel ang cellphone dahil gusto niya agad sabihin kay kathryn ang mga nangyayari,

Si jasmine naman ay pinapanuod lang ang mga kilos ni daniel, habang ang iba ay nagtatawanan at nagkwekwentuhan.

Mula sa password ni daniel na 525 hanggang sa wallpaper nitong si kathryn at ang viber name ni kathryn na Tangi, lahat iyon ang nakita ni jasmine.

My only chanceWhere stories live. Discover now