Welcome back

5.6K 47 6
                                    

Daniel's POV

Abs Cbn article: kathryn Bernardo balik Pilipinas na kasama ang rumored boyfriend na si Enrique Gil click here

Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o mainis sa nabasa ko, matuwa dahil sa wakas matapos ang limang taon babalik na siya o mainis dahil kasama niya si quen. Hindi na ko nagdalawang isip at agad na pinindot ang article, kahit man lang sa picture makita kita ulit, kamusta kana kaya, maputi kana ba?

Napatawa nalang ako sa naisip ko, maputi kanaba? Naalala ko iyon ang lagi naming asaran noon, noong nagsisimula pa lang ako, nagsisimula pa lang kami. Nagsisimula, bakit? Ngayon ba tapos na kami?

Nanikip ang dibdib ko sa sarili kong iniisip. Tangina mo kasi daniel.

Posible pala ang pag iyak habang nakangiti, tangina kathryn ikaw lang ang nakakagawa nito sakin. yung ngiti mo ganun parin ang epekto, nakakabaliw. Nakakamiss ang amoy ng buhok mo, alam ba ng sunsilk na ang swerte nila sayo?

Si kathryn lang ang nagpaunlak ng aming interview dahil pumasok na si enrique sa sasakyan ng mga bernardo kasama ang kapatid ni kathryn na si kaye. Nakasulat sa article.

"Yes, I'm back for good," sagot ni kathryn sa tanong kung ang pagbabalik niya ba sa pilipinas ay permanente na.

Alam kong hindi lang ang mga kathniel fans ang nag iintay sa tanong na ito, maging ang mga netizens alam kong inaabangan din nila kaya naman sinulit nanamin ang maikling panayam kay kathryn upang tanungin kung open siyang makatrabaho muli si Daniel "why not?"  Sagot saamin ni kathryn habang nakangiti.

Ako din bal, gusto ulit kitang makatrabaho, miss na kita eh. Miss na miss bal.

Ayaw namang pag usapan ni kathryn ang dahilan kung bakit siya umalis noon sa showbiz, klinaro din niya ang mga balitang may kinalaman si daniel, ang kanyang dating kaloveteam ..

Napahinto ako, tangina mj hindi lang niya ko dating kaloveteam ex fiancé niya ko, alam mo yan!  Tama na daniel, kung ano ano pang ipinaglalaban mo eh, hindi naman nun mababalik si kathryn sayo.

Ang kanyang dating kaloveteam sa pag alis niya sa showbiz, "mj past is past! Siguro i just want to have a clear and peace mind before kaya i went out of the country, ang hiling ko lang po wag nyo pong isisi kay dj ang pag alis ko wala po siyang kasalanan"

Wala na, lalo nang hindi tumigil ang luha ko. Kath, napatawad mo naba ang gagong katulad kong nanakit sayo? Sobrang bait mo talaga, sa laki ng kasalanan ko dapat ay tumatanggi ka, dapat sinasabi mo sa lahat kung bakit ka umalis sa showbiz, pero hindi mo ginawa, dahil prinopotektahan mo ako.

Kinuha ko sa side table ang lumang phone ko, dito nakasave lahat ng snapchat stories namin ni kathryn, pictures, videos lahat.

Sige daniel, panuorin at tingina mo lahat ng mga videos at pictures niyo para malaman mo kung gaano ka katanga dahil sinaktan at pinakawalan mo si kathryn. Tangina kasi daniel ano ba kasing nangyari sayo noon?

September 25, 2016, monthsary natin when i captured this moment of you bal, while you're cooking for us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

September 25, 2016, monthsary natin when i captured this moment of you bal, while you're cooking for us. Mas pinili nating mag celebrate sa inyo. Ganun ka eh, basta magkasama tayo okay kana, ako naman basta ikaw ang kasama ko okay na ko.

Napangiti nalang ako habang inaalala yung araw na yun habang nakatingin sa letrato mo.

"Tangi" niyakap kita mula sa likod, hindi na ko nakatiis, hindi ko yata kayang hindi mahawakan si kathryn kahit isang segundo lang.

Nilingon niya ako, isinangkalan ko ang baba ko sa balikat niya,  "Love, I'm baking oh? Tska i smell mabaho na, wait for me dun" ngumuso siya sa may sala, tanda na pinapapapunta niya ako don.

Agad ko namang hinalikan ang nakanguso niyang labi, "love ang naughty ha" binigyan niya ako ng famous irap niya na dahilan ng pagtawa ko.

"Why? Sinunod ko lang naman ang gusto mo ha? Diba you want a kiss from me?" Pinaliguan ko ng mga halik ang pisngi niya

Hindi rin siya nakatiis at umikot paharap sakin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko "i want a kiss from you? Or you want a kiss from me?" Hindi ko napigilan ang sarili ko, sobrang cute ng fiancé ko!! Tangina akin lang to ha?

Lalapitan ko na sana niya upang maramdaman ang kanyang mga labi ngunit inilayo niya ang mukha ko "iiscore kananaman daniel ford, later na I'm baking nga diba?" Tinulak niya ako papuntang sala.

Tangi.. Ito nalamang ang nasabi ko habang nakapikit ang aking mga mata at inaalala ang mga masasayang alala ala natin ng magkasama.

My only chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon