Iniiwas ko na lamang ang paningin ko sa dalawang naglalambingan na sa harapan ko. Baka mainggit ako at tawagan ko bigla si Ian my labs. Shemay! Nahahawa na ako sa dalawang ito!

Naagaw ang pansin ko ng dalawang babaeng papasok. Ang isa sa kanila ay tila excited na ipinalibot ang paningin sa buong restaurant na para bang may hinahanap habang ang kasama naman nito ay halatang naiinis sa inaakto ng isa pa. Halata ring masungit yung babae dahil ang aura-ng inilalabas niya ay ganoon.

"Ano ba, Meana. Ganyan ka na kahibang sa lalaki at bumalik ka pa talaga rito?" naiinis na tanong nung masungit sa tinawag niyang Meana.

Naupo kasi sila sa mesang malapit lang nang sa amin kaya naririnig ko ang usapan nila. Ang dalawa sa harapan ko ay walang pakialam dahil alam kong gumawa na sila ng sarili nilang mundo. Mundo ng mga hibang at baliw sa pag-ibig.

"Ano ka ba naman, Saccharine? Kung ano ang ikinatamis ng pangalan mo, siya naman ikinapait niyang ugali mo." nakangusong sabi naman noong Meana sa tinawag niyang Saccharine.

"Bakit ka ba kasi nababaliw sa lalaking yon? Meana, ipinapaalala ko lang sayo na kahapon lang kayo nagkita and you are already claiming you love him!" nakataas ang kilay na sabi ni Saccharine.

"Bakit ba? I felt it, Saccharine. There was spark and everything!" Meana even sighed dreamily. "Siya na talaga ang nakatadhana para sa akin!"

Saccharine rolled her eyes at her friend. "Sa umpisa lang yang sparks-sparks na yan. Makikita mo, mawawala rin yan habang tumatagal. Sparks? Destiny? Soulmate? Pathetic. Imbento lang yan ng mga taong baliw sa pag-ibig. Tapos ano? Aasa lang din ang mga babae sa kahihintay niyang letseng destiny-destiny na yan! Tapos ang masasaktan sa huli, babae lang din! Huh! Kaya sinasabi ko sayo ngayon pa lang, Meana, tigilan mo na yang kabaliwan mo sa lalaking yan at masasaktan ka lang sa huli. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki! Sa una lang magaling!"

Napangiwi ako sa puno ng ka-bitter-ang sabi ni Saccharine. Punumpuno ng galit at inis ang pagkakasabi niya with convictions pa! Kaya siguro nagdadalawang isip na lumapit si Bryan sa kanila para kunin ang order dahil halatang may galit ang babae sa mga lalaki.

"Ano ka ba, Saccharine. Mahiya ka nga! Ang ingay mo naman." mahinang saway dito ni Meana habang pasimpleng ipinapalibot ang tingin sa buong restaurant para ata alamin kung may mga nakarinig. "Wag mo namang lahatin ang mga lalaki. Do not generalize just because some stupid scumbag hurt you. Hindi naman pare-pareho ang mga lalaki. May mga matitino naman diyan, eh."

Saccharine rolled her eyes again. "Sabihin mo mang hindi sila pare-pareho at meron pa diyang matino, nabibilang na lang sila. Kasi yung iba, kung hindi na taken, lalaki na rin ang hanap."

Umingos si Meana rito. "Ewan ko sayo. Basta hindi mo ako madidiscourage kay Chris Evans! I can feel it na siya na talaga ang itinadahana para sa akin! Yeah, baby. I have my own Captain America. And not a man hater like you would change my views about love and destiny."

"Basta wag ka lang iiyak-iyak sa huli dahil sinaktan ka niya. Ako mismo ang mananakit sayo, tandaan mo yan, Meana." masungit na pahayag ng kaibigan.

"Aye, aye, Captain!" Sumaludo pa ito. "Wag kang mag-alala, hindi naman ako magpapakita sayo kung sakali."

Saccharine just rolled her eyes again at her friend but didn't commented. Ah, man hater si ate. Ayaw sa mga lalaki, allergic sa mga gwapo, at nandidiri sa mga playboy. Hmm... bakit pumasok bigla sa isip ko ang babaerong si Zaccheus Villamonte? Mabasa nga ang article niya mamaya. Manghihiram ako sa isang waitress na nangongolekta ng Billionaire Bachelors issue.

Dahan-dahang lumapit sa kanila si Bryan. Halatang ingat na ingat na wag magalit ang masungit na si Saccharine. "M-Ma'am, oorder na po ba kayo?"

Nakapatong na kasi sa bawat mesa ang menu kaya lumalapit na lamang ang mga waiters or waitresses na ang dala ay notepad at ballpen lang.

Masamang tingin ang ipinukol ni Saccharine sa pobreng si Bryan. Napaatras tuloy ng ilang hakbang ang waiter. Tsk, tsk. Kawawang Bryan, nadamay sa pagkainis ni girl sa mga lalaki.

"Layo! Wag kang didikit sa akin, ha? One meter away, please." masungit na sabi ni Saccharine.

"Cha! Ano ba." saway dito ni Meana. Nginitian nito si Bryan na nasisindak sa kasama nito. "Sorry about that, Sir. Man hater kasi tong kaibigan ko kaya ako na lang ang kausapin mo."

Agad namang lumapit sa tabi ni Meana si Bryan. Iniiwasan niyang mapatingin sa gawi ni Saccharine na masama ang tingin sa likuran ni Bryan. Ay, OA teh?

"A-ano pong oder niyo?" nauutal na tanong ni Bryan.

"Si Captain America!" masiglang sagot ni Meana.

"Po?" napamulagat pa si Bryan sa sagot ng babae. Kahit ako ay nagtataka rin.

"Ay, sorry." Tumawa pa ito ng mahina. "I mean, si Chris Evans po. Ahm, Martin Santiago? Err... chef daw siya rito, eh." kinikilig pang sabi nito.

Bahagya akong nagulat sa isinagot ni Meana. Diyata't si Martin pala ang kanina pa nito binabanggit. At nagkita raw sila kahapon, tapos may sparks, tapos... Oh. My. God. Hindi kaya...

"Ahm, nasa kusina po si Chef Martin, Ma'am. At wala po siya sa menu namin." magalang na sagot ni Bryan.

Kinikilig na humagikgik si Meana. "Pwede ba siyang makita? Siya lang talaga ang ipinunta ko rito, eh."

"Eh, Ma'am, hindi ko ho alam kung okay kay Chef na maistorbo sa trabaho. Pero susubukan ko hong sabihin sa kaniya. Ano hong pangalan mo?"

"Rochelle Meana!" kinikilig na sagot nito.

Tumango si Bryan at nag-excuse bago dumiretso sa kusina. Kinikilig naman sa kaniyang upuan si Meana habang hinahatid ng tingin si Bryan papuntang kusina. Nakatanggap tuloy ito ng pukpok (gamit ang menu) mula kay Saccharine.

"Aray! Ano ba, Saccharine Aragon! Puksa naman, o!" nakasimangot na sabi nito habang hinihimas ang napukpok na ulo.

Pinaikot lang ni Saccharine ang kaniyang mga mata sa kaibigan. Wow, unli ikot si Ate. "Magtigil ka nga, Meana. Aalis na nga ako! Ayoko na rito. Nasusuka ako sa pinaggagagawa mo! Bye,"

Tumayo na nga ito at lumabas na ng restaurant. Nakanguso na lamang itong tiningnan ni Meana palabas.

"Haay... Sana makatagpo ka rin ng lalaking mamahalin mo at mamahalin ka. Yung kayang ipalimot sayo ang ginawa ng gago mong ex. Hayop na lalaking yun kasi!" himutok ni Meana.

Okay. What was that?

"Sweetie!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon na tumawag sa akin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ang nakangiti niyang mukha. Nagmamadali siyang lumapit sa akin habang nakabukas pa ang mga braso.

Ian...

Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong niyakap patayo at inatake ang mga labi ko para sa isang malalim at makapugtong hingang halik. Sa harapan ng lahat ng tao sa restaurant!

Shit! Kailangan ko pa bang i-push ang NO PDA POLICY ko kung kami nga ngayon ni Ian ay naghahalikan na akala mo kami lang ang tao sa buong restaurant?

Shit! Kahit magbayad ako ng 5k minu-minuto, okay lang! Basta ba ang init at sarap ng halik ni Ian ang malalasap ko.

HEAVEN NA THIS GUYS!

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon