Kabanata 1.1

26K 376 17
                                    

Yaman

Ilang minuto akong naupo sa harap ng salamin bago nag-ayos ng gamit. Wala naman na kahit anong anggulo ang maaari nilang sambahin sa'kin. Tama lang, katamtaman at simple. No parts are special.

Nagkibit balikat ako tsaka nagtungo sa Walk in Closet ko. Maliwanag dito, bawat ikalawang pares ng sapatos o ikalawang bag may naka pirming ilaw. Sabi kasi ni Mama dapat daw alagaan ang mga iyan dahil Mahal at hindi madaling mahanap, limited edition kung baga. Kaya pagpasok mo pa lang tatambad na sayo ang isang damak-mak na bag at sapatos, naka-hilera ito ng maayos base sa kulay 'Light to Dark Color'. Nasa kaliwang bahagi ko ang mga sapatos, isang damak-mak na sapatos na laging inuuwi ni Mama tuwing umaalis siya kung saan. Sa kanang bahagi ko naman ang iba't ibang klase ng bag na gano'n rin, inuuwi ni Mama o kaya ni Daddy para sa'kin. At sa tapat ko naman doon matatagpuan ang isa pang pinto papunta sa mga damit ko. They are all expensive, na isa sa pinaka-ayaw ko.

Hindi ko na naman alam kung anong isusuot ko. Kung pwede lang sana isang pares lang ng sapatos at isang bag ang meron ako nang hindi na ako nahihirapan araw-araw sa pagpili ng gagamitin ko.

Pagdating naman sa damit na susuotin ko pag pumapasok hindi na ako nahihirapan pa dahil may uniporme kami. Long Sleeves na White, na pinapatungan pa ng Coat na Blue na may maliit na Logo ng Piarra Academy sa kaliwang bahagi ng dibdib, Blue tie ribbon at Blue Skirt na may touch na silver. The Heirs lang ang peg. Sinuggest ko kasi 'yan, I Love the Heirs so much. Gusto kong maging si Julia, simpleng tao na may matatayog na pangarap. Kaya lang naging kabaliktaran, Ryan ang role ko dito. MAYAMAN. Tss.

*Tok* *Tok*

Hinahanap na ako sa baba pero eto naghahanap pa rin ako ng magagamit ko. Mabuti na lang at naka ligo na ako at nakapag-bihis.

*Tok* *Tok*

Hayst! Hinablot ko na lang ang isang pares ng Flat Shoes na binili ni Mama sa Paris noong isang linggo. No choice nagmamadali na sila e. Agad ko itong isinuot at nagtungo sa may Study Table para kunin ang bag. Tsaka na ako magpapalit ng bag.

Dali dali na akong nagtungo sa Dining Room, oras na para kumain.
Naabutan ko doon ang nag-uumagahan ng mga kapatid ko. Wala na doon si Kuya Apollo, maaga siyang umaalis para sa trabaho. Lagi na lang ako nahuhuli. Tss.

"Good Morning." Pinilit kong maging masaya, kulang na naman kami. Wala na nga ang mga magulang namin, kulang pa rin kaming magkakapatid.

"Good Morning, Ate." Nakangising bati ni Frollo habang kumakain. Ginulo ko ang buhok niya habang patungo ako sa upuan ko. Umikot pa ako papunta sa upuan ko para lang magulo 'yon. "Ate naman e." Inis niyang sabi habang kumakamot sa batok. Protective sa Hair. Hmp.

Nadaanan ko si Kuya Claude na busy sa pagkain habang nagbabasa ng dyaryo. Hayst! Hindi man lang ako binati. 

Nagtungo na ako sa upuan ko, inilapag ko ang bag ko sa gilid ng upuan tsaka naupo at kumuha ng pagkain. Isang Pancake with chocolate syrup, bacon and my favorite tinapa. Pinatikim kasi ito sa'kin ni Yaya, ito daw ang madalas nilang kainin sa bahay nila. Hindi naman masama kasi masarap ito at masustansya. Medyo maitim nga lang at naninilaw.

"Good Morning, Tanya." Bati naman ni Tyrone sa'kin. Tumingin ako sakanya na may mapanuring mga mata. Medyo masaya siya. Anong meron? "Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Itinaas niya ang dalawa niyang mga kamay na parang sumusuko.

"Wala lang....." Muli akong humarap sa pagkain ko. Sumubo ako ng konting pancake. "You look so Happy kasi." Nagkibit balikat ako habang kumakain. Patuloy ako sa pagkain. Hindi naman siya nagsasalita e. Kahit konti. Ang tahimik naman.

Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na nasa harap ko, gano'n pa rin sila. Kumakain si Frollo, kumakain rin si Kuya Claude habang nagbabasa. Lumipat naman ang atensyon ko sa katabi ko na busy na rin sa pagkain.

✔ || Mysterious PrincessWhere stories live. Discover now