“Pare, may hinahanap ka ba?” tanong ni Migs. Napansin siguro nito si Chard na halos magmukha ng giraffe sa kakahanap.
“Ayun si Abby oh” Si Gab naman ang nagsabi. “Abby!” sumigaw ito at humanga naman si Chard dahil narinig ni Abby ang sigaw nito despite the loud sound in the bar. Lumapit naman si Abby sa kanila. She’s wearing a black lace dress that showed her most of her back. Makapal din ang make up nito at parang feel na feel ang party.
Across the club, he saw a familiar face. Nagtaka siya for awhile dahil higher batch ito pero it’s a party in the first place. Sinundan niya ng tingin kung saan pupunta ang matangkad na lalaki na may hawak na tray of drinks. The guy stopped at a table and set the tray there. Umupo ito at binigyan ng drinks ang isa’t isa sa table. Chard left the group na hindi niya alam kung ano na ang pinaguusapan. He made a few steps to check kung sino nung mga nasa table na inupuan ng lalake. He saw that gay na sikat na sikat sa college nila at si Amie? Katabi naman ng isang lalake ang nakapulang dress sa loob that is covered by cardigan. Naningkit ang kanyang mga mata. It’s dim inside the club and when some of the lights hit the table he’s looking at, nagtaka siya. How can it be?
“UY, pupuntahan ko lang mga blockmates ko, ah!” sabi ni Amie. Naconscious yata ito nang mapansin na puro taga Kalayaan ang mga dumarating sa table nila. Dinala na din nito ang drink nito kaya sigurado itong mamaya na ulit sila magkikita bago umuwi.
Hindi party person si Carla kaya naman medyo na-aawkwardan pa siya sa place. Halos nagsisigawan na sila ni Mae kahit magkatapat lang sila sa table. Drew always lean in closer to her kapag naman may sasabihin ito and she finds his Australian accent amusing. Kaya naman pala may pagka slang ito dahil thirteen years into sa Australia. Medyo natuto na ding magtagalog nung nag-highschool dito.
“I think it’s time for you to mingle.” Utos ni Mae kay Carla at sa tatlo pa nitong running mates na sina Trisha, Martin at Jec. Carla took a last sip of Iced Tea at tsaka tumayo and straightened her dress a bit and fixed her cardigan. She started going from groups to groups saying hello and asking them if they were enjoying the party. There are groups who asked a picture with her. Most of the people said that they didn’t recognize her. Napaisip siya, hindi naman makapal ang make up niya pero parang feeling tuloy niya she’s a fake person. Minutes passed when someone grabbed her elbow. Nagulat siya to see Drew in front of her.
“I think that’s enough for now.” He said as he leaned closer para maintidihan ni Carla.
“Okay, babalik na ako sa table.” Carla said pero hinagip pa din ni Drew nung siko niya.
“Let’s dance. I think this is the part where you are supposed to have fun.” Sabi ni Drew.
“Okay.” Carla said hesitantly. Hindi nga kasi siya party person kaya hindi siya sumasayaw sa gitna ng dancefloor with the other freshmen. Upbeat pa ang tunog at wala siyang kaalam alam na sayaw. Pero si Drew yata nung tipo nang tao na nakakahiyang tanggihan.
“Why do I have the feeling that this is your first time to dance?” tanong ni Drew sa kanya nung nasa gitna na ng dancefloor.
“It is. Nakakahiya ba? Indoor person kasi yata talaga ako.” Carla said as she just move her feet in a step-close-step manner.
“Buti pumayag ka tonight.” Drew said.
“May choice ba ako?” pabirong tanong ni Carla “Pero I’m happy na rin to be here. At least I get to unwind after the campaign. I hope it’s worth it in the end.” Carla said.
“It will, don’t worry, we’ve got your back!” Ngumiti si Drew and although hindi sobrang bright sa place, kitang kita ang ngiti nito. “And by the way, you look different tonight.” Nakangiti pa din ito.
Different? Natanong ni Carla sa sarili. She hoped he meant it in a good way. Buti na lang madilim because she can feel her cheeks burning. Never kasi siya naging comfortable when it comes to complements.
The music suddenly started to be mellow. Tumingin siya kay Drew and he just looked at her as if asking a question she can’t figure out. He stepped closer.
“I’m thirsty. Nakakapagod din pala sumayaw.” Carla manage to say before the both of them got any closer.
“Go to our table, I’ll get you drinks.” Drew said and walked away.
Carla did the same and she walked towards their table until someone whose arms are crossed stopped in front of her. Kumunot ang mukha niya nang makita ang mukha.
HOW CAN IT BE? Paano? Tanong ni Chard sa sarili niya. Hinarangan niya ang daan ni Carla when she and that tall dude stopped dancing. Kung bibigyan niya ng pangalan ang sayaw nila it would be, awkward dance. Halatang halata na wala itong experience when it comes to those moments.
“Ano?” tanong ni Carla. Hindi ba niya alam pero pagdating sa kanya parang nagiging leon ang babae.
“Eto naman, may tatanong lang ako sayo!” ngumiti na lang si Chard.
“So, ano nga?” Tanong ni Carla ulit.
“Paano, paanong nangyari…” bitin ni Chard.
“ang alin?” Tanong ni Carla na parang nawweirduhan sa kausap. Chard leaned closer to examine her face. Tinignan niya ang mga mata nito at buong kaanyuan ng mukha. It felt weird for Carla.
Paanong nangyari na may igaganda ka pa pala? Gustong itanong ni Chard pero iba ang lumabas sa bibig niya.
“Ang totoo, tinatamad kasi ako mag rest room para tignan ang sarili ko sa salamin so naisip ko na lang na since oily face ka naman baka sakaling sa noo mo na lang ako magsasalamin.” Chard pulled himself away from Carla and put his hands inside his pocket.
“Alam mo ikaw..” turo ng daliri ni Carla kay Chard.
“Ano? Gwapo? Wala na bang bago? Medyo nakakasawa na din kasi marinig yun minsan eh.” Chard said habang nakangiti pa din ito at may tingin na nang-aasar.
“Hindi, ang kapal ng mukha mo!” malakas niyang sinabi. Both her and Chard stood frozen when they noticed something different. There was a spotlight on them. Carla’s hand was still hanging in the air.
“Mr. and Ms. Head Turner” sabi ng host ng event na nasa gitna ng dancefloor. Kaya naman pala nakakapag-usap ang dalawa ng hindi nagsisigawan. Ayun pala ay dahil wala nang music at tahimik ang mga tao.
Nagpalakpakan ang humiyaw ang mga batchmates nito.
Chard took Carla’s hand that is hanging in the air at hinila papuntang dancefloor. As soon as narealize ni Carla na hawak ni Chard nung kamay niya, hinila niya ito and glared at him. Ngiti lang naman si Chard sa mga batchmates. Nilagyan ang dalawa ng sash at may isang tao na may hawak ng dalawang shot glass.
“And each one of you needs to take these tequila. Straight!” humiyaw ang mga tao.
Hindi na maipinta ang mukha ni Carla. Hindi siya umiinom. Binigay na kina Carla at Chard ang tig-iisa nilang baso. She felt like a loser. Magiging party-pooper siya pag di niya yun ininom pero masisira naman niya ang prinsipyo niya if she gave in to peer pressure. Chard gestured for a toast and Carla slowly touched her glass to his. Ininom agad ni Chard ang baso niya at hindi pa rin alam ni Carla ang gagawin. She hesitantly moved her hand when Chard grabbed her glass and straightly put its content into his mouth. Humiyaw ang mga tao.
“Sorry, alcoholic.” Sabay turo ni Chard sa sarili. Humiyaw ulit ang mga tao ang another upbeat song came from the speakers. People started making their way to the dancefloor at hinila na ni Chard si Carla to get out of there.
Patuloy sa paglalakad si Carla palayo.
“Hephep.” Chard grabbed her wrist just in time.
“Ano na naman?” Tanong ni Carla.
“You owe me.” He smiled again.
Dumerecho ng tayo si Carla. “So what can I do for you, Sir?” tanong niya.
“Dance with me.” At wala nang panahon pa si Carla para sumabat dahil hinila na siya ni Chard sa gitna ng dancefloor.
“Make way for the head-turners!” sigaw ni Migs nang makita ang dalawa. Patay na, pinalibutan na ang dalawa.
“Ganito lang yan, gagayahin mo lahat ng dancesteps ko!’ sigaw ni Chard kay Carla para marinig. “Okay?”
Nagumpisa si Chard with the Chicken dance. Para itong may invisible wings na ginagalaw habang sinasabayan ang tugtog. Napatulala na lang si Carla. He must be kidding her. Sobrang kahihiyan ito!
“CARLA??” Pang-aasar ni Chard. Wala na siyang ibang choice kaya pumikit siya for a while at dumilat at tsaka nagchicken dance. Nagpalakpakan ang mga audience.
Nilagay ni Chard ang left hand niya sa batok habang ang right hand naman niya ang kinuha ang paa niya sa likod. At gumalaw na parang ewan.
“Carla! Carla! Carla!” kantiyaw ng mga tao. Ginawa niya na din ang parang ewan na sayaw ni Chard. Pero siempre ginaawa niya with poise dahil naka-dress siya. Nagtatawanan na ang mga tao pero hindi sa tawang nagpapahiya. Parang nakikisama sa katuwaan. Sunod sunod pa ang mga sayaw ni Chard at may mga panahong nag-aala Beyonce din ito.
Hindi napansin ni Carla na natatawa na din siya. Natatawa siya kay Chard at sa sarili niya. Her first time partying isn’t that bad afterall at sana hindi siya kalimutan iboto ng mga batchmates niya.
YOU ARE READING
THE ONLY EXCEPTION
Fanfictionplss read this before you read this story http://www.wattpad.com/story/2079706-attention-you-must-read thnx :D =.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.= Masayang masa...
