Ngumiti ako ng malaki ng makita siya at lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko dahil breathtaking ang kagwapuhan niya ngayon sa mala Basti sa TV series na Till i met you, yun ang leveling ng kagwapuhan niya ngayon. Di ako sanay sa ganito niyang pormahan kasi lagi siyang naka T-shirt, varsity shirt basta puro pang football.

"Hi." I greeted smiling.

"Hi." I greeted back. Inabot niya sakin yung bulaklak tsaka bumeso sakin. Shems! Yung butterflies ko sa tyan nagpapakawild na naman.

"You look pretty." He admiringly said.

"Gwapo mo din." Kinikilig kong sabi pero yung konting kilig lang. I cleared my throat. "Pasok ka, tatawagin ko na si Mama."

Hinayaan ko na siyang pumasok tutal di naman na ito ang first time niyang nakapasok dito. Pinaupo ko muna siya sa couch tsaka ko pinuntahan si Mama sa kwarto niya at kumatok.

"Ma, nandyan na po si Damon." Sabi ko pagkabukas niya ng pinto.

"Sige, susunod ako dun." Sabi niya habang taas kilay na nakatingin sa flowers na bigay ni Damon.

"Opo." Pumasok muna ako sa kwarto ko para dun ilagay muna yung bulaklak ni Damon, may pahabol na paamoy muna ako bago ko to nilapag sa side table ko tsaka ako nag madaling balikan ang boyfriend ko sa sala.

"Papunta na si Mama." Sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya. Kahit ang gwapo niya ngayon nakikita ko pa din sa mukha niya yung nerbyos.

Hinawakan ko siya sa kamay baka sakaling makabawas sa kaba niya. "You'll be fine." I reassured.

"Salamat."

Suddenly Mama showed up, tumayo si Damon kaya di ko maiwasang mapatayo din at gayahin ang ginawa niya.

"Magandang hapon po Tita." Bati niya kay Mama tsaka nag mano bilang pag galang.

"Maupo na kayo." Mama said. Tulad ng sabi niya umupo kami, pwesto siya sa tapat namin na walang sinabi na kahit na ano basta tumitig lang siya samin. Unti unti kong nararamdaman ang mahigpit na pag hawak ni Damon sa kamay ko senyales na siguro na mas lalo siyang kinakabahan.

"Nag kiss na kayo?" Tanong ni Mama na ikinabigla ko syempre. Grabe!!

Nagkatingan kaming dalawa ni Damon dahil sa bigla. "Ma naman, yan talaga agad ang tanong?" Pagaangal ko. Hindi ba pwedeng itanong muna kung matagal na ba kayo or seryoso ka ba sakanya? Kiss agad? Grabe!

"I was just being frank sweetheart, and im not talking to you im talking to your boyfriend." She strictly said.

"Yes Tita, nag kiss na kami." He honestly answered. Diyoskolord!

"Just kiss?"

Damon nodded his head. "Yes po."

"Okay, hahayaan ko kayong mag date just make sure alam niyo yung limits niyo, understand?"

"Opo." Sabay naming sabi.

"8pm sharp dapat nandito na siya." She said to Damon.

"Opo." Damon said.

"Sige na baka mas lalo pa kayong gabihin sa date niyo." Ako na ang unang tumayo para mapatayo na din si Damon, dahil kasi sa nerbyos niya tila di na siya makatayo.

"Alis na po kami." Sabay naming sabi. Tumango lang si Mama bilang pag sangayon.

Hinila ko na si Damon palabas para naman makahinga na siya ng maluwag. "Ayos ka na?" Tanong ko pagkalabas namin.

Huminga siya ng malalim. "Nakakatakot pala Mama mo."

I chuckled. "Ang totoo di naman siya nakakatakot close nga sila ni IC eh, siguro di palang talaga siya sanay na may boyfriend na ko."

"I see, alis na tayo?" Tumango lang ako sakanya. Hinawakan niya yung kamay ko at naglakad kami papunta sa pinto ng passenger seat at pinagbuksan niya ko. Hihi!

Sa pag sakay ko ng kotse, siya naman ngayon at naglakad papunta sa driver seat. Nang makasakay siya hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"You look lovely today, my love." He admiringly said. Ano ba yan di pa nga nag sisimula yung date nagpapakilig na siya, paano pa kaya pag nagsimula na.

I bite my lower lip to lessen my kilig. "Thank you."

"Simulan na natin ang date?" He asked smiling.

"Yah, sure! I'm super uber duper excited na sa date na to!" He just grinned at me.

Sinimulan na namin ni Damon ang byahe na may ngiti sa mga labi namin. First date namin kaya hindi namin maitago ang excitement naming dalawa, mas lalo na ko.

Dinala niya ako sa isang Cafe na ang tema ay musical intruments, may mga nakasabit kasing gitara, yukelele at may drumset din, may maliit pa nga na stage para siguro sa mga gustong mag jamming. Nice place.

"Kailan mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko sakanya pagkaupo namin.

"Mmm, nabangit lang dati sakin nung isa kong teamate."

"I see." I said looking around. May lumapit saming waiter at kinuha din naman ang order. Binigay din naman namin ang same order naming dalawa tsaka umalis yung waiter.

"My Love.." He called.

"What?" I asked. Tumayo siya sa silya niya na pinagtaka ko.

"Stay there okay, manuod at makinig ka lang." Ha?!!

Naglakad siya papalapit sa isang waiter na tila may tinanong then nung tingin ko ay makuha nito ang approval ay naglakad na siya paputa sa maliit na stage dito at ngayon gets ko na yung sinasabi niya. Oh my god! Seryoso ba siyang gagawin niya to?

I just watch him sa stage, kumuha siya ng isang gitara at sinabit niya to sa balikat niya. Wait! Marunong ba siyang mag gitara? Bakit di ko alam yun.

"Uh.. hello everyone.." He speaks from the mic. "..sorry medyo magiingay lang ako para sa babaeng mahal ko, sandali lang to kaya sana pagbigyan niyo na ko."

Oh my god!! Teka, eto ba ang plano niya sa date namin kaya dito niya ko dinala?

"My love this is for you." He said as he started to stram the guitar.

Shit! Damon why so sweet?

Ngayong nag sisimula na siyang mag gitara medyo natotonohan ko yung kanta, i mean parang gets ko na yung ginitara niya. Kanta yun ni Jessie MacCartney na Beautiful Soul isa yun sa many songs na favorite ko kaya yung butterflies ko sa tummy parang nakikisabay sa bawat stram nung gitara.

Surprisingly, medyo magaling si Damon kumanta na nagpadadag kilig sakin at sa bawat lyrics na binabangit niya nakatitig lang siya sakin na parang ako lang ang babae sa mundo, na parang ako ang pinaka maganda sa mundo. Diyos ko Lord, thank you sa sweet na boyfriend.

--

Keep voting sweethearts.

King Brothersजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें