Chapter 3: Bed of lies ( The Past )

31 3 1
                                    


Nakarating ako sa park kung Saan nagsimula at kung Saan din niya tinapos ang lahat. Ang lugar kung saan pinasaya at sinaktan niya ako ng todo.


Naalala ko pa kung paano niya ako sinuprisa noon. Kung gaano niya ako kamahal noon.


Tumakbo ako papunta sa park dahil sabi nila magpapakamatay daw si sky kaya dali dali akong pumunta doon.



Pagkadating ko sa park hingal na hingal ako, nakakapagod pala. Ang layo ng tinakbo ko hindi ko man lang namalayan. Pagtingin ko sa park at may maraming balloon sa daan. Ano bang meron dito? Asan ba si sky, Baka nakakasagabal lang kami rito. Saan na kaya yong mukong na yon.

Nakita ko si dark, nginitian niya ako tapos may binigay siya sa akin na papel. Binuksan ko iyon tapos binasa ko.

" Paputukin mo ang lahat ng balloon na nakita mo tapos may mahuhulog na papel at basahin mo."

Iyan ang nakalagay na sulat sa papel. Tiningnan ko si dark at nginitian lang ako. Yong ngiting abot langit.

"Dark ano to? Saan si sky? Patay na ba siya ?late na ba ako? Ano? Bakit ko naman puputukin ang mga balloons, kanino ba to? Para saan?" Sunod- sunod Kong tanong sa kanya. Nalilito na kasi ako. Para saan ba ang mga ito?

Still the  ❤neWhere stories live. Discover now