"Chief!" napalingon ako ng may sumigaw sa likod ko. Nakita ko si Flores na halos tumakbo na para kang abutan ako.

"Why?" tanong ko.

"Ah eh, san po kayo pupunta?" tanong niya. 

"Lunch." walang ganang sagot ko at tumalikod na ulit.

"Wait lang Chief! Pasabay, nagugutom na din ako eh." narinig kong sabi niya. 

Hindi na ko sumagot at hinintay na lang siyang sumunod sakin. 5 minutes na pag lalakad lang eh nakarating na kami sa mall. Sumaludo pa ang ilang guards nang makita kami. Nakalimutan kong mag palit. On duty nga pala ko. 

"Chief san ba tayo kakaen?" tanong niya. 

"Call me Chace pag nasa labas na tayo Nadine." sabi ko. 

"Po? Ah, okay po." sagot niya.

"Psh, kahit 'po' ayoko. Ganon na ba ko katanda sayo Nadine?" tanong ko habang papasok kami sa isang fast food chain. Dito kami madalas kumain noon ni Elle dahil favorite niya ang pasta ang pizza.

Hay, si Danielle na naman ang laman ng isip ko. 

"S-sige Chace." sagot niya.

Pinahanap ko na siya ng vacant seat habang umoorder ako. Lunch break kasi kaya ang daming tao. 

Pag balik ko nakita kong nakatingin siya sakin at agad naman nag bawi ng mapansin na palapit na ko. 

"Problema?" tanong ko at umupo sa upuan na kaharap ng kanya. 

"W-wala. Ano kasi, Ahmm ano, na g-gugutom na ko. Oo gutom na ko!" sagot niya. 

"Don't worry, 5 minutes lang daw dadalin na dito." sabi ko. 

"Ah okay sige." mabilis na sagot niya. 

"Bakit nga pala sumabay ka sakin? Sawa ka na ba sa luto ni Aquino?" si PO1 Aquino kasi ang madalas mag luto sa station. Natikman ko na ang luto niya pero nakakasawa kasi, paulit ulit na lang yung kaya niyang lutuin. 

"Oo eh, puro nilaga at paksiw na nga lang ata ang laman ng tyan ko." natatawang sabi niya. 

"Aba, isusumbong kita. At least siya sinusunod niya ang utos ko. Eh ikaw? Dalawa na nga lang kayong babae sa team ko pero parehas namang hindi marunong sa kusina." na tatawang sabi ko.

**

Ellen's POV

"Let's go na teacher Ellen." napatingin ako sa co-teachers ko habang nag aayos ng table ko. 

"Pass muna ko teacher Beth, may gagawin pa ko sa bahay eh." palusot ko. 

Kakatapos lang ng Crhistmas party ng mga bata, nag aaya naman ang buong faculty na sa mall na daw kami mag lunch. Baka wala ng matira sa pera ko dahil nag contribute din ako para sa Christmas party ng advisory class ko. 

"Ang kj talaga ni teacher Ellen, libre naman to ni Principal eh, dali na." sabi ni teacher Beth at hinila ko palapit sa kanya. "Tsaka pag pasko lang mabait yun, lubusin na natin." bulong niya at pareho na kaming tumawa. May pag ka terror kasi yung Principal namin na yun. 

"Oo nga teacher Ellen, para naman may maganda manlang sa grupo naten." napalingon kaming lahat sa may pinto ng pumasok si Hubert. Anak siya ng Principal at kakatanggap lang bilang Science teacher. 

"Psh, ayan na naman ang hangin na tatanggay sayo teacher Ellen, good luck!" bulong ni teacher Anne sakin at nag labasan na sila. Kaming dalawa ni Hubert ang na iwan sa loob. 

Tignan mo tong mga to, kanina aya ng aya sakin ngayon naman iniwan ako kasama ng mayabang na to. Grr. 

"Ano teacher Ellen sama ka? My treat." tanong niya sabay ngiti sakin. 

"根本没有什么" Bulong ko. (Whatever)

"What?" tanong niya. 

"Sabi ko tara na, baka nag hihintay na sila sa labas." sabi ko at kinuha na ang bag ko. 

"Ako na teacher Ellen." sabi niya sabay agaw sa bag ko. 

Tinignan ko siya at inirapan na lang, makakatanggi pa ba ko eh kinuha na niya? 

Pag labas namin tumabi agad ako kay teacher Beth at teacher Anne para makaiwas kay Hubert. Malakas lang naman ang loob niya dahil anak siya ng Principal. 

Inaya ako ni Hubert na sa kotse na niya sumabay pero tumanggi talaga ko. I'm sure pag uusapan na naman namin yung sarili niya. Na experience na namin lahat dito ang kayabangan ni Hubert kaya kami na lang din ang umiiwas. Ewan ko ba kung manhid lang talaga siya o makapal lang talaga ang mukha at hindi niya maramdaman na ayaw namin siyang kasama. 

Pag dating sa mall nag hanap agad kami ng pwedeng kainan. Mag sasalita pa lang sana si Hubert pero inunahan ko na at sa isang fast food chain na lang kami tumuloy. 

"Excuse lang guys, cr lang." sabi ko at tumayo. 

Pag labas ko sa isang cubicle, nag lagay lang ako ng powder at nag suklay. Sa sobrang hangin na dala ni Hubert mukha na pala kong bruha. Err. Kidding. 

Pag labas ko ng cr, tumaas ang isang kilay ko ng makita kung sino ang lalaking nakatingin sakin. Tsk, ano naman kung police siya? Pakielamero pa rin. 

Talagang hindi niya inalis ang pag kakatingin sakin hanggang makarating ako sa table namin. Problema niya saken? 

-------------------------------------------------------

Danielle / Elle ------------------------------>

New cover made by @Bellalona :)

Be my escapeWhere stories live. Discover now