Chapter 2 : Payback

86.7K 3.2K 3.1K
                                    


Yes, I changed the title and descript :)


CHAPTER 2

Payback

Gracie



"Gracie, wala sina Mama at Papa dito kaya kailangan nating pag-usapan 'to."


Madaling araw na at gusto ko nang bumalik sa kwarto ko ngunit hindi ko magawa dahil nakaharang si Dale sa pinto. Hindi ako okay at alam ito ni Dale. Kagagaling lang namin ni Dale mula sa presinto, kung ano-ano ang mga tinanong sa amin ng mga pulis tungkol sa nangyari kay Amy o kung sino man ang may motibo para patayin siya. Hindi pinalad si Amy na makaligtas, namatay siya habang ginagamot sa ospital.


"You chose the wrong time to vandalize my forehead, Dale. Baka akala ng mga pulis, kinapos ako ng katinuan." Natatawa kong sambit sabay turo sa noo kong may blue arrow parin. Naghintay akong tumawa pabalik, o ngumiti man lang si Dale pero wala. Seryoso siya sa pagkakataong 'to.


"Goodnight twin bro," Sabi ko na lamang sabay tapik ng tiyan niyang may mga baby fats pa gaya sakin.


"Gracia," Maotoridad niyang sambit and this time he's no longer calling me Gracie, which means he's really serious this time.


"Quit acting like Papa, you're only 5 minutes older than me." Biro ko na lamang ulit sabay hagikgik. Hindi ako sanay na seryoso siya kaya pilit kong ginagawang biro ang usapan namin. Napabuntong-hininga siya, mistulang napagtantong wala na talagang patutunguhan ang usapan namin.


"Matulog ka na nga lang." Sabi niya saka naglakad patungo sa kanyang kwartong katabi lang ng sa akin.


Dale can be the most immature guy in the world but he can be very mature too. Sa mga ganitong pagkakataon lalo kong nare-realize na kahit wala dito ang mga magulang namin, maswerte parin ako dahil may kakambal akong laging nandito para sa akin.


Bago pa man siya tuluyang pumasok sa kwarto niya, muli akong nagsalita, "Nga pala kambal, pwede bang diyan muna ako matulog sa kwarto mo ngayon? A-aaminin ko... natatakot akong matulog mag-isa..."


"Magdala ka ng sarili mong unan. Bawal mong lawayan ang unan ko." Sabi niya and this time, may ngiti na sa mukha niya.


***


Imbes na pumasok sa 9am class ko, mas pinili kong manatili nalang muna sa cafeteria at umorder ng muffin at pie. Wala masyadong tao sa cafeteria kaya naman hindi pa masyadong maingay ang paligid gaya ng dati.


Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala parin akong natatanggap na tawag o maliit man lang na mensahe mula sa boyfriend kong si Lyon. Nasa ibang bansa siya para sa OJT nila at next week pa ang balik nila kaya naman ito siguro ang dahilan kung ba't hindi pa niya ako kina-kamusta, siguro hindi pa niya alam anong nangyari kagabi.


"Wassup my boy?" Napapitlag ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Richie habang naka dab pose. My friends say I'm crazy, but I think this guy tops the list. Most people call him RK, but I prefer to call him by his real name.

Here comes DondyWhere stories live. Discover now