Isang babae.
Isang babaeng simple, walang arte.
Walang inatupag kundi mag aral. Pati sa paglilingkod sa Diyos nagpapagal.
Naging matapat, masipag at magalang.
Ngunit bakit sa kabila ng kabutihan.. Nagkaroon pa rin ng puwang para masaktan?
Bakit? Tanong ni babae. Bakit kung kailan nandun na siya sa taas, saka pa siya natisod at nasaktan. Nasaktan ng sobra sobra. Tipong pati sarili niya, sinisisi na niya.
Hindi niya maintindihan.
Bakit dadating ang isang lalaki sa buhay niya na sya palang sisira sa pusong matagal ng nag aantay. Sa pusong naging tapat. Sa pusong..
Kay tagal ng naghahanap ng kasiyahan na matatagpuan sa isang lalaking magseseryoso, mag aalaga, mag iingat at magmamahal ng totoo.
Mali. Ika ni babae.
Maling maramdaman ang ganoong motibo, lalo na't sa maling oras. Napakaaga pa ng kanyang maramdaman iyon.
Halos kakasimula palang sa kolehiyo. Ngunit dahil sa nangyari, nagtapos din ang maling damdamin na iyon, sa kolehiyo.
Ano nga ba ang dahilan? Dahilan sa pagkadurog ng pusong nilaro, sinaktan, niloko?
Isang lalaki. Lalaking walang inatupag kundi maglaro sa harapan ng kinababaliwan ng mga taga mundo. Dota. Walang naitutulong na dota.
Para kay babae, mali. Maling maadik dito. Ngunit wala, wala siyang magawa sa lalaking iyon.
Huli na ng malaman niya ang kaadikan nito. Lumalim na ang nararamdaman niya. Sa matatamis, kaakit akit, kapanipaniwalang salita.. na binibitawan sa kanya..
Dahil lang dun. Nahulog na siya.
Napakagaling. Naisip niya. Napakagaling umakto ng lalaking ito.
Napaniwala niya si babaeng seryoso siya. Napaniwala niya si babaeng totoo ang pagmamahal niya. Napaniwala niya si babaeng..
Talagang tapat at totoo sa kanya.
Ngunit hindi.
Isang buwan mahigit. Isang buwang ligawan. Para kay babae, oo. Ligawan nga.
Ngunit para kay lalake. Isang buwan mahigit. Isang buwang lokohan. Isang laro. Na tila ba dota. Kinakaadikan niya.
Dati pa niya gawain pala. Maglaro ng puso ng mga babae. Mangloko. Gawa ng kagandahang pisikal na mayroon siya.
Bumuhos ang luha ng babaeng ito. Bumuhos ng walang kaalam alam ang kung sino. Umiiyak tuwing gabi. Tuwing maaalalang wala na.. Wala na yung lalaking inakala niyang.. Seryoso sa kanya.
Tila ba nawalan siya ng pag asa.
Pag asang may magseseryoso sa kanya. Dahil sa isang lalaking.. Pinag muka na siyang tanga.
Ngunit hindi siya pinabayaan.
Hindi siya pinabayaan ng totoong nagmamahal sa kanya. Inaruga siya. Pinatatahan. At pinalalakas ang loob nung siya'y tila ba pagod na pagod na.
Pagod ng magalit..
Pagod ng lumuha..
Pagod ng masaktan..
Pagod ng.. Umasa.
Umasang may maibabalik pa. Umasang maiaayos pa.
