"What?!" Napatigil ako sa pagbabasa. Hinarap ko si Gabriel at tumango lang ito.

"But why? paano yung mga girlfriends niya?" Umiling lang ito.

"I don't know about that pero hindi ko rin narinig na nagkaroon ito ng seryosohang karelasyon. I know he was followed and admired by most of the girls here and everywhere, pero ni minsan ay wala akong nalaman o nakilalang naging girlfriend nito." Mahabang kwento niya.

"How about Vivian?" Oo yung babaeng nanakit sa'kin sa may wishing well.

"As I have told you, he was admired by most of the girls Bea and Vivian is just one of those." May pa galit galit pa siyang nalalaman eh wala naman pala silang relasyon ni Sebastien!

"Uhm, He's gay?!" I blurted.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Gabriel na ikinainis ko.

"Why are you laughing!" Hinampas ko ang kaliwang braso niya dahil sa mapang-asar nitong tawa.

"Your face looks funny Beatrice! Para kang nakakita ng kakaibang nilalang. Why? What if he's gay huh?" Panunukso pa niya habang patuloy parin sa pagtawa.

"I don't know. Ewan ko sa'yo!" Ibinalik ko nalang ang mga mata sa librong hawak ko.

I ignored Gab's tease. Napairap ako ng humalakhak siya.

"But seriously, He's not gay. Tutal siya naman ang date mo bukas, bakit hindi mo nalang sakan'ya itanong?"

Oo nga pala. Ilang oras nalang simula ngayon ay grand ball na. Gaganapin 'yon sa malaking event building na nasa dulo ng Campbell.

They call it the palace. That is where they held every important occasions throughout the school year and it is indeed a palace!

Pagkatapos ng walang katapusang mga makakahulugang titig at pang-iinis ni Gabriel sa'kin ay umuwi narin kami.

Hinatid ako nito sa bahay at pagkatapos ay umalis narin ito dahil sasamahan palang nito sa pamimili ng gown ang date niyang si Qhielle.

They were childhood friends na kumukuha rin ng ibang kurso sa Campbell.

"Oh anak maayos na ba ang mga gamit mo? Do you like to go to the salon para sa hair and make-up?" Excited na tanong ni Mama pagpasok na pagpasok ko palang ng bahay namin.

"Ma, I can do it myself. Ako nalang po." Nakangiting sabi ko rito.

Niyakap ko ito at humalik narin sa kanyang pisngi. She looks tired. Parating narin kasi ang final exams nila kaya alam kong busy rin ito sa trabaho.

"Are you sure?" Paniniguro niya.

"Opo Ma. Besides, if I don't look good meron naman pong maskara." Pagbibiro ko rito.

"Sira ka talagang bata ka. Oh siya sige na, Ihahatid ka ba ni France bukas?" Her question makes me bit my lower lip.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay namin ni France. Kahit naman na masama ang ginawa sa'kin nito ay gusto kong sa'kin nalang 'yon. I know he's the worst but I want his image to stay good to Mama.

"Hindi po." Nag-iwas ako ng tingin kay Mama.

"Ma, they broke up already!" Singit ni Camila.

Nanunuod lang ito ng movie sa sala kaya naman naririnig niya rin ang usapan namin. Sinabi ko narin kay Camila ang lahat ng nangyari at ang hindi niya dapat sabihin kay Mama.

The Runaway Virgin (Campbell University Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon