Love sa Chat
Paano ba umibig?
May mga steps ba na kailangan sundin?
May manual ba na makapagtuturo sa akin ng mga paraan para magmahal?
Hindi ko maintindihan kung bakit nababaliw ang mga tao sa salitag love.
Sabi nila ay para raw drugs ang pag-ibig na masarap sa pakiramdam ngunit mag-ingat ka dahil ito'y nakakaadik.
Kung masaya pala umibig... Bakit ang iba ay umiiyak, nasasaktan at nahihirapan?
Sagutin niyo naman ako. Ano ba ang hiwaga na mayroon sa pag-ibig?
Ang dami ko bang tanong? Sorry, curious lang talaga. Hindi niyo naman ako masisisi kung bakit napaka-inosente ko sa larangan ng love life, NBSB kasi. Siyempre, mas importante sa akin ang studies lalo na dahil ako'y isang fourth year college student. Isa pa, pinapangarap nila mama at papa na maging isang sikat na writer ako. Basta, pangako ko sa aking sarili, "Balang araw ay mababasa rin ng lahat ang libro ng isang Anya Cy".
"Bes, ready ka na ba?" Pambungad na bati sa akin ni Jen.
"Oo, halika na sakay na tayo sa bus." Nakangiti kong sinabi sa kanya. Nga pala, pupunta kami sa Tagaytay. Naimbitahan para sumali sa isang seminar tungkol sa pagsusulat.
Excited na ako dahil bihira lang kami makasama sa mga ganitong event. Hindi ko alam ang puwedeng mangyari kaya kakaiba ang nararamdaman kong saya.
"Anya, tingnan mo ito oh." Sabi ni Jen habang nakaturo sa kanyang cellphone.
Isang exclusive university ng mga lalaki ang makakasama rin pala namin sa seminar.
"Iba ka talaga Jen. Ang lakas ng radar mo sa mga boys" sarkastikong sabi ko sa kanya.
Hindi na umimik ang bruha. Ramdam niya siguro ang pagkabored ko sa biyahe. Halos mag iisang oras na din kaming nakaupo. Naiinip na ako kaya ako'y napaidlip na lang.
"Anyaaaa, gising! Nandito na tayo. Anya...Uy!"
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nandito na nga kami sa mismong lugar. Sinundan ko lang si Jen na nauna nang bumaba sa bus. Bruha talaga ang nilalang na ito. Bakit pa niya kailangang magdala ng maleta? Isang araw lang naman kami doon. Ngayon, ako tuloy ang tagabitbit niya.
Pagkatapos ng napakahabang lakaran, nakaabot na rin kami sa Kampo Raymundo. Sa labas pa lang ang laki na ng lugar pero medyo nakakatakot dahil may pagkaluma na rin ang disenyo. Dumiretso na kami sa receiving area para maka-register at makuha ang susi ng kuwartong gagamitin namin. Si Jen na ang kumuha ng susi at buti na lang dahil malapit sa main hall ang kuwartong nakuha namin.
Tiningnan ko ang schedule ngayong araw. Ilang minuto na lang pala ay magsisimula na ang workshops kaya pumunta na ako sa Roxas Hall. Sumunod na rin naman sa akin si Jen.
Hindi lang pala ako ang excited dahil marami-rami na rin ang mga tao sa loob ng hall. Kating-kati na ako makipag-usap sa ibang tao pero dinadapuan naman ako ng hiya.
Dumating na ang speaker para sa workshop namin. Una siyang nagpakilala at ramdam ko naman na friendly siya. Prinesenta niya sa amin ang lecture niya para sa news writing. Halatang pinaghandaan talaga ang nasabing seminar dahil bongga ang powerpoint presenatation ni sir.
Bilang activity, kailangan naming maginterview ng mga taong nakapalibot sa amin para sa data gathering. Imbis kay Jen ako pumunta, nahagilap ng mata ko yung lalaki sa gilid.
"Kuya, pangalan po?" Awkward kong tanong sa kanya.
"Andrew na lang. Huwag na kuya."
"Sige. Salamat"
BINABASA MO ANG
Love sa Chat
Short StorySa mga simpleng salita sa chat box, kaya nga ba nito magpatibok ng puso?
