"Why? Does the truth hurts?" Sabi ko sa kanya at saka siya tinignan ng masama.

"Hoy ano ba kayo, April wag mo na nga lang yan patulan. Ano pa gawin sayo niyan." Saway sa akin ni Angel pero hindi ako nagpatinag kay Agatha.

"Tama na nga yan. Halika na." Sabi ni Edward.

Ang akala ko ay si Agatha yung hihilahin niya pero nagulat ako nung ako yung hinawakan niya at binuhat niya pa ako ng parang bigas. Feeling ko lahat ng kinain kong cookies ay bumabalik sa bibig ko kaya nagpumilit akong makababa sa kanya.

Kaso dahil sa sobrang likot ko ay natumba kami sa sofa. Buti na lang sa sofa.
Kaso yung muka niya nasa tiyan ko at yung kamay naman niya sa pwet ko kaya natadyakan ko siya. Naramdaman kong nasusuka ako kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa c.r ng kusina.

Kaso hindi naman pala ako nasusuka kaya na bad vibes lang ako. -.- Umakyat ako sa kwarto at saka kinuha yung laptop at cookies saka bumaba ulit. Ilang beses na ba akong nagpapabalik balik dito? -.-

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng chocolate milkshake at saka nag open laptop.

I was scrolling down my news feed when someone I know messaged me kaya hindi ko inisnob yung message. Its my cousin ate Shin. She's Three years older than me and Abby while she's 2 years older than Aira.

Shin Iris Tuazon: Nagyayaya sila kuya laro daw tayo ng One night at the asylum 4v4.

April De Vera Torren: Nasa game na kayong lahat?

Shin Iris Tuazon: Sila pa lang. Kakagising ko lang eh. Antayin niyo ko bago niyo i-start yung game." Sabi niya then she logged out. NATA is a long game at may flight pa kami bukas pero worth it ang puyat ko dahil minsan lang makumpleto na 4 vs 4 ang naglalaro ng NATA kaya nag log out na din ako sa facebook at saka in-open yung NATA app ko.

"Shit yung earphones ko." Tatayo na dapat ako sa upuan kaso tumabi sakin si Edward kaya hindi na ako umalis. Baka mamaya kung ano pa makita neto sa laptop ko mahirap na.

Nagsimula nang magload yung game at nakita ko na yung mga players.

P1: Dangerolf
P2: Fire Ice
P3: Two moons
P4: Black Crown
P5: Red Crown
P6: Red Phoenix
P7: Red Fairy
P8: Red Ice

Nagstart na yung game kaya narinig ko na yung mga sinasabi nila.

"Sino yan April?" Tanong ni Aira sa akin.

"Naglalaro ako. Shut up." Sabi ko at natahimik sila.

"Sungit nito. Hahahahaha" sabi ni Ate Shin kaya nagtawanan silang lahat. Napatawa din naman ako ng kaunti.

"Ano game type Red?" Tanong ni kuya Jin. Sinong Red? Si ate Shin o ako?

"Nightmare bitches! Mwahahahaha." Sagot ni ate Shin sa kanya.

"Ang hyper mo kaagad kakagising mo pa lang! Hahahaha." Sabi ko sa kanila at nagtawanan sila.

"Nakasinghot kaagad April eh hahahaha." Sabi ni kuya Miere. Lahat sila magkakapatid. Ako lang ang pinsan nila pero trato nila sakin kapatid na.

"Alam mo kung ano nasinghot?" Tanong naman ni kuya Min.

"Ano?" Sagot ko sa kanya.

"Baygon! HAHAHAHAHAHA." Sabi niya kaya nagtawanan kaming lahat. Pati nga yung mga kasama ko dito sa kusina nakikitawa na.

"Tongue ina kasi, inis-prayan ng baygon kwarto ko nagising tuloy ako. May nakakatawa ba? Humanda kayo sakin durog kayo ngayon dito."- Ate shin.

"Hirap maging only girl, no Shin? Hahahahaha! Kabanas walang santuhan eh. Kung trip, trip." Kuya Miere.

"Puto tagal mag start nung game." -Kuya Blake.

"Baka may hindi pa nag-aaccept sa inyo." - Kuya Jonas.

"Ay ako di ko pa pala na aaccept. Hahahahahahaha." -kuya Blake.

"Okay divide na tayo into two. Dating gawe." -ate shin

San ba ako? Black o white? Hmmm

Chat box:
RI: Black!
RF: White
TM: White
D: Black
BC: Black
RC: Black
RP: White

"Okay! Let's get it on!" Sigaw ni kuya Trace at nagsimula na yung game.

Nakita ko yung character ng mga kagrupo ko at nagsimula na kaming maglibot sa Asylum. Kada laro may iba't ibang mission na ibibigay sayo kaya hindi ka mabo-bored.

Ang storya ng NATA ay isa kaming reporting crew na nagpunta sa Asylum. Once na nakapasok na kami sa Asylum ay gusto na namin agad lumabas pero someone is stopping us. So kailangan ay masunod namin lahat ng objective sa laro para makalabas kami ng asylum at matapos ang game.

Pero sa situation namin, kami ang pipigil kila ate Shin at ang natatanging objective namin ay pigilan sila at don't die as much as possible.

"What the hell." -Kuya Blake

"Bakit?" -Kami.

"Nag-iba yung laro. Kadiri." - Ako.

"Sanayan lang yan April! Hahahaha." -Kuya Trace.

"Ay puto! May Gang fight bukas diba?! Hoy April! Bat' hindi ka pa tulog?! Aba!!" - Ate Shin

"Eh niyaya mo kasi ako eh." -Ako

"Kasalanan mo naman pala Shin. Hahahahahahaha." - Kuya Miere.

"He! Sa susunod na lang tayo maglaro. I-save niyo yung game. April matulog na kayo!" - ate Shin.

Sinave ko na yung game at nag-exit na ako.

Habang iniintay ko na mapunta sa YouTube yung screen ko (You know what I mean guys!! Hahahaha) ay kumuha ako ng cookies sa tabi ko pero napatingin ako sa lalagyanan ng cookies wala na. Tinignan ko din yung baso ko at nakitang wala na din yung laman. Tinignan ko ng masama yung mga kasama ko.

"Ikuha niyo ko ng bago. Bwisit kayo." Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa kanila ng masama. Pero in a joking way yung tono ko.

Ikinuha naman nila ako kaagad. Dapat lang!!

"Sino yung babae kanina? Bat' niya alam na may Gang fight bukas?" Tanong ni Edward sakin.

"You'll meet her tomorrow." Sabi ko sa kanya saka ngumiti ng matamis. Siyempre dapat pamatay.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now