The Black Stilletos

97 4 0
                                    

Harry's Point of View

     "Ang lapit na pala ng Acquaintance Party," bungad ni Tracy.

     "I'm sure the fashionistas and wannabes are planning ahead for their gowns. E, ikaw Jenny, anong isusuot mo?" tanong ni Grace.

     "Wala pa e," sagot ko.

     "You know what lately hindi ka na nag-e-english ha. But your accent is still slang." Nagtawanan sila.

     "Was it meant to criticize or encourage me?" tanong ko.

     "Well, it looks cute though. Mabuti na lang maganda ka."

     "Ane be nemen kese nengyeyere seo?" biro ni Tracy.

     "Duh!"

     "I know right?"

     "Grabe, hindi ka na mabiro beshie, Jenny."

     "Grabe sila!" sabi ko na lang.

     Muling nagtawanan ang lahat. Mayamaya ay dumating si Misty.

     "Beshies, sino na sa inyo may gown na?" tanong ni Misty.

     "Ako pa lang. Pinag-uusapan nga namin ang tungkol diyan. Meron ka na ba?" tugon ni Tracy.

     "Actually, my mom will introduce me to a young and neophyte designer she met at the metro. He will have his fashion show next week. Ano gora tayo sa kanyang little pad to check his designs?"

     "I'll pass!" sagot ko.

     "Waley talaga itong si Jenny," kontra ni Tracy.

     "Girl, 'wag ka naman KJ. It's just a visit. Malay natin he'll be the next Michael Cinco or Monique Lhullier in the making. O 'di instant models niya na tayo." Nag-e-emote si Misty na may suot na gown.

     "Pumayag ka na kasi, Bes Jenny. It's not a lose naman. Intresado rin ako makita designs niya. Alam naman natin ang taste ni Misty when it comes to those things," dagdag ni Grace.

     "Tomoh!"

      "Okay! Fine! I'll just check his portfolio. Anyway, afford ko ba yan?" tanong ko.

     "As if naman porito si Papa. Magaling lang mag-manage ng finances si Tita," pilit akong kinukumbinse ni Misty.

     "Oo nga."

     "What if I rent?" tanong ko.

     "Ang cheap ha! The idea itself is not even fab. Like ewww!" pangaalaska ni Misty.

     "Five days na lang, do you think makakahabol pa 'yan kung magpapatahi tayo?" tanong ni Grace.

     "Pang-beauty pageant ba 'yang dress para abutin ng siyam-siyam sa paggawa?" sagot ni Tracy.

     "Okay! Ano pa nga ba magagawa ko?" pumayag na lang ako.

     "Havey! Gora na sa balay!" sabay apir ng tatlo.

     Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa may city. Pinuntahan namin ang hotel ng designer at tiningnan ang kanyang designs. Nag-text ako kay Mama na ma-le-late ako nang uwi. Naging productive naman kami at nagustuhan namin ang mga designs.

     "Little black dress will never go wrong dear," suhesyon ng designer.

     "Isang malaking check."

     "Pak na Pak!"

     "Havey!"

     "My friend is asking kung aabot ba raw ang dress? Kasi five days from now Acquaintance Party na namin," tanong ni Misty.

Finding Harry (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon