“Eh ‘di kuhanin mo!” asar kong sabi.
Hinintay ko siya sa counter at pagbalik niya, kulay puti ang hawak niyang t-shirt.
“Bakit puti ‘yan? Akala ko ba sabi mo itim?”
“Sa babae, itim. Sa lalaki, puti,” nakakibit-balikat niyang sabi.
“What!? Bakit magkaiba!?”
“Ever heard of yin-yang?”
“Malamang! So? Anong kinalaman ng yin-yang dito?”
“Balanced. Isa pa, pareho lang namang sinisimbolo ng puti at itim ang kalinisan. Magkaiba nga lang ng paraan kung paano nila iyon sinisimbolo. White gives you the clear view, hence it is clean. Black is the absence of color, therefore it is also clean.”
“Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo. Sa madaling salita, gusto mo rin ng puti, pero ayaw mo lang na isuot ko ‘yun dahil sabi mo babakat ang panloob ko,” asar kong sabi.
“Ayun nga.”
“Anong ayun nga?”
“Ayun nga ang dahilan ko.”
“See!? May nalalaman ka pang yin-yang diyan!” I snapped. Babayaran ko na dapat ang mga t-shirt, pero bigla na naman siyang umeksena.
“Charge these to the store,” sabi niya sa saleslady.
“Po?” tanong ng saleslady.
“Ryuu Young. Charge these to him,” simpleng sabi ni Jet at may inabot siyang ID sa saleslady. Agad naman itong tiningnan ng saleslady at tumango.
“Noted, Sir,” sabi ng saleslady.
At ako? Nganga. “Jet! Ba’t ini-charge mo pa kay Ryuu ang mga ito!?”
Nagkibit-balikat siya. “The event is actually for a good cuase, so it will benefit the university. I think it’s only right for the admin to donate something.”
‘Yung totoo? Ang weird niya talaga. “Bahala ka na nga. Ubusin mo ‘yang pera niyo kung gusto mo, for all I care.”
“Hindi naman mauubos ‘yun,” mayabang niyang sabi.
“Whatever,” umiirap kong sabi.
“Besides, you should care about our resources.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit? Pakialam ko ba sa kayamanan niyo? Hindi naman ako magtatrabaho sa empire niyo, FYI.”
“Hindi ka nga doon magtatrabaho, pero doon ka naman mapapabilang.”
“Excuse me? At bakit ako mapapabilang sa angkan niyo? Excuse me lang, Jet.”
Tumaas ang dalawang kilay niya. “Hindi pa rin ba malinaw sa’yo, ha, Miki? Ikaw ang pakakasalan ko.”
“What!?” I screamed.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Pagkatapos ng araw na iyon, araw-araw kong kinukulit si Jet na bawiin ang sinabi niya. I mean, ‘di ba okay na? Malaya na ako mula sa mga kamay niya, ‘di ba? Ba’t lumala yata!? I mean, pakakasalan niya ako!?
“Naman, Jet, listen to me,” I pleaded.
“Nakikinig naman ako sa’yo.”
“No! What I mean is… ano ba!? Bakit mo ako pakakasalan?”
“Bakit hindi kita pakakasalan?”
“Don’t answer my question with another question!” I screamed.
Kalmado lang siyang nagkibit-balikat at itinuon ang atensyon sa pinapanuod niya sa telebisyon dito sa boarding house namin. Ako naman eh tumabi sa kanya sa sofa at kinukulit siyang bawiin ang sinabi niya.
“Jet,” sabi ko habang hinihila-hila ang damit niya.
“Stop pulling my shirt or I’ll think you want to do something naughty,” sabi niya habang nakatitig pa rin sa telebisyon.
Agad naman akong lumayo sa kanya at tinakpan ang katawan ko gamit ang dalawang kamay ko. “Pervert!”
“Ikaw itong kanina pa hinihila ang damit ko tapos ako ang sasabihan mo niyan.”
“Eh kasi naman!” reklamo ko. “Bawiin mo ‘yung sinabi mo! I mean, paano kung makarating kina lolo ‘yan?”
“Nakarating na nga.”
“What!?”
Bigla siyang tumingin sa akin. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit naglaho ang tungkol sa inyo ni Kenshin?” seryosong tanong niya.
Napalunok ako. “Hindi. Kasi ‘di ba nga… ano… nakita niya ‘yun, ‘di ba? I mean, ‘yung ginawa ko noon. Kaya he broke off the engagement. Tapos—”
“Tapos ano? Hindi mo ba naisip kung bakit pumayag ang lolo mo? Hindi mo ba naisip kung bakit sa tingin nila ay ayos lang?”
“Eh kasi bata pa ako?”
“Wrong. They all thought that you did what you did on that spring night because there was something going on between the two of us. So they created another engagement and gave you another fiancé.”
“What!?” I screamed. Napatayo ako. Anong nangyayari!? “So… so… all the while… I’m engaged to you!?”
“Precisely.”
“Wait, wait, wait. Iyan ba ang dahilan kung bakit… kung bakit mo ako tinali sa’yo?” medyo nanginginig kong tanong.
“Hindi,” simpleng sagot niya.
“Eh ano? Ano ba, Jet!? Naguguluhan na ako! Paki-explain naman!” asar kong sabi sa kanya.
“Huwag mo na kasing isipin ‘yun. Basta tayo ang magpapakasal. Tapos ang usapan,” sabi niya.
Ano!? As in… ganoon lang ‘yun?
Akala ko nakaligtas na ako mula sa kuwentong minamanipula ng ibang tao, tapos ngayon… malalaman kong hindi pa pala!? Ano ba ‘yan!? “Evil plot. You all plotted against me,” nanlulumong sabi ko.
“Don’t think of this as an evil plot, Miki Yamashina. After all, you started writing this plot once upon a spring.”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Four: "Plot"
Start from the beginning
