Spring Twenty Two
“Memory”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa. Ewan ko. Nagiging manhid na ba ako? O cruel? Pero nakakaramdam ako ng sakit eh. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa mga nangyayari. Pero at the same time, nakakaramdam ako ng kaunting luwag sa dibdib.
Nasabi ko na ang side ko. Hindi man niya alam kung ano ang buong pangyayari, nasabi ko na ang mahalang bagay na kailangan niyang malaman—ang katotohanang walang namagitan sa amin ni Jethro noon. At inamin ko rin naman ang pagkakamali ko.
Mabilis akong naglakad. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Ayokong humarap kahit na kanino sa ngayon. Ayokong kumausap ng kahit na sino. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makahinga nang malalim.
Pero saan ako pupunta?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa liblib na parte ng hardin kung nasaan ang tree house ni Jet. Umakyat ako sa puno at binuksan ko ang pintuan ng tree house. Amoy na amoy ko pa rin ang halimuyak ng mga talulot ng bulaklak.
Ang bango…
Sana ganito rin ang halimuyak ng kuwento ko…
Umupo ako sa sahig ng tree house at tumingin sa labas ng bintana. Pinanuod ko ang mga bulaklak na tila ba’y mga ilaw sa gitna ng liblib na lugar na ito.
Ang gaganda nila…
Parang katulad ng mga bulaklak sa fairy tales.
Fairy tales. Totoo pa ba ang mga ito? Siguro nga. Kung tutuusin, nasa isang fairy tale nga yata ako. Ayun nga lang, hindi ako ang bidang prinsesa. Sa katunayan, ako nga itong kontrabida.
Matagal-tagal na rin eh. Matagal-tagal na rin noong nasali ako sa kuwentong ito bilang isang kontrabida. Limang taon na ang nakalilipas…
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Home!” masiglang sabi ko.
“Ingay.”
Tiningnan ko nang matalim si Jethro. “Kararating lang natin, nagrereklamo ka na naman. Ba’t ka pa kasi sumama?”
“May magagawa ba ako?”
“Malay ko. Alis nga diyan. Harang ka sa daan eh,” mataray kong sabi.
“Pagmamay-ari mo ang daan?”
“Hindi. Pero hindi mo rin pagmamay-ari ito kaya puwede ba? Lumayas ka,” asar kong sabi sa kanya.
“Nag-aaway na naman kayo,” reklamo ni Jazel. “Huwag kayong mag-away, please?”
Inirapan ko siya. Goody two-shoes. Palagi niya kaming inaawat ni Jet. Peacemaker. Gustung-gusto niya talaga ang role na ‘yun. Eh ‘di siya na ang mabait. Magsama sila ni Jet. Tutal bagay naman sila eh. Isang mabait, isang salbahe. “Fine. Be that way,” sabi ko at saka tinalikuran silang dalawa.
“Teka, Miki!” tawag ni Jazel. “Sasama ako sa’yo!”
“Huwag na. Doon ka na lang kay Jet sumama,” sabi ko. “May pupuntahan pa ako.”
“Saan ka pupunta?” excited niyang tanong.
“Sa hot spring,” sagot ko. Minsan na nga lang ako umuwi sa bansang ito, hindi pa ba ako dadalaw sa hot spring?
“Ha? Hot spring? May ganoon ba kapag spring season? Hindi ba kapag winter lang merong ganoon?” nagtatakang tanong ni Jazel.
Ay, ano ba ‘yan? Nasaan ba si Riki at nang siya na ang magpaliwanag sa babaeng ito? “Ah, basta ‘yun na ‘yun,” masungit kong sabi. “Mauuna na ako. Pakisabi na lang kay Sensei Muse na nagpunta ako sa hot spring. Alam na niya ‘yun. Nagpaalam na ako.”
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
