Spring Twenty Four
“Plot”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Hindi ako ipokrita para ikailang ang boring lately. Okay, hindi lang boring. Parang…
… parang malungkot.
Ewan. Feeling ko kasi nanlalambot ang buong sistema ko eh. Parang walang energy. Parang mechanical robot lang ang peg ng katawan ko at sumusunod sa naka-schedule na routine. Tapos ayun, wala, boring na. Kaya noong nagkaroon ng literary workshop outside the university, hindi na ako nagdalawang-isip pang mag-sign up para doon.
Okay naman ang workshop, pero parang lumipad lang ang utak ko everytime na nagsasalita ang sensei. Medyo bumalik lang sa Earth noong nagsimula na ang activity.
Papalabas na dapat ako mula sa venue noong bigla akong tinawag ng sensei.
“Miss Yamashina?”
Lumingon ko. “Yes, Sensei?”
“I heard you’re taking up a business course. Are you, by any chance, interested to take up Literature?” tanong niya.
Kumurap ako. “Sensei, as much as I find Literature interesting, I don’t think I’m qualified to take up any Literature related course,” sagot ko.
“I beg to contradict what you just said, Miss Yamashina,” nakangiting sabi ng sensei. “You have a great potential in the field of Literature. I laud the literary piece you submitted earlier.”
Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa sobrang init ng pisngi ko. “Thank you, Sensei.”
Tumango siya. “So… if you change your mind, I believe you know how to contact me. The academy where I work can give you a scholarship if you want.”
Nagpasalamat ako at nagpaalam na siya. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya eh. I mean, ako? Literature? Parang ngayon lang yata nadikit sa pangalan ko ‘yan. Mahilig akong magbasa, pero hindi naman ako mahilig magsulat. Kasi kahit naman gustuhin kong magsulat, wala rin akong sapat na oras dahil I dedicate my time sa Student Government. Mula pa man noong high school ay iyon na ang sinasalihan ko, so hindi ako exposed sa ibang fields.
Oh, well. Siguro kapag nagkaroon ako ng sapat na oras, susubukan ko ulit magsulat katulad ng ginawa ko sa workshop ngayon.
Lumabas na ako mula sa room kung saan ginanap ang workshop. Dinig na dinig ko ang mga babaeng excited na nagbubulungan. Mabuti pa sila at masigla ang awra nila. Kinikilig sila na ewan eh. Parang mga babaeng nakakita ng celebrity.
Paglabas ko mula sa building, nagulat ako noong nakita ko si Jet na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Hay, naku. Kaya naman pala kinikilig ang mga babae eh. Malamang nakita siya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Ang ganda ng bati,” he muttered.
“Ano nga?”
“Sinusundo ka.”
“Bakit?”
“Sungit. Masama na bang sunduin ang girlfriend?”
Kumurap ako. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumilis ng takbo ng puso ko. Agad akong umiling. Anong kakornihan na naman ba itong sumagi sa isip ko!?
Pero…
… I have to admit I really am happy to see him.
Pero wait lang. Girlfriend? Bago pa ako nakapag-react, agad niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit. “I missed you, Miki.”
YOU ARE READING
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
