“Teka, Jet—”
“Tapos na ba ang monthly period mo?” bulong niya.
I felt my face go hot. “B-bakit mo tinatanong?” I snapped.
“I guess not. Masungit pa rin eh,” he muttered.
“Hindi ako masungit,” sabi ko. “Jet, bitiwan mo nga ako. ‘Di ako makahinga eh.”
Agad naman niya akong binitiwan, pero bigla naman niya akong ninakawan ng halik sa labi.
“You!” I almost screamed. “Stop harassing me!”
Tumaas ang dalawang kilay niya. “Kailan ko ginawa ‘yun? Hinalikan lang naman kita.”
Nagpamewang ako. “Just… well, what’s happening? Bakit nandito ka? Bakit mo ako sinusundo? Anong meron? At anong girlfriend ang sinasabi mo? Sinong girlfriend? Ako? Hindi mo ako girlfriend. Anong—”
“Daldal. Ang dami mong sinasabi,” umiiling niyang reklamo.
“Eh sa nagtatanong lang naman a—”
“One, I’m here because I’m fetching you. Two, it’s within the normal course of nature for a boyfriend to fetch his girlfriend. Three, anong hindi girlfriend? The last time I checked, girlfriend kita. So shut up and come with me.”
Nalaglag ang panga ko. Literally. I mean, ano na namang kalokohan ito!? I folded my arms. “Well, the last time I checked, hindi mo na ako girlfriend.”
“Kailan ‘yan?”
“Noong dumating si Jazel.”
Inaasahan kong magagalit o maiinis siya katulad ng dati sa tuwing bini-bring up ko sa usapan si Jazel, pero nagulat na lang ako noong bigla siyang ngumisi. “So this was it’s all about,” he muttered. Kinurot niya ang pisngi ko. “I don’t know why I find it cute when you’re acting like that.”
“Acting like what?” I demanded.
“Jealous.”
“Jealous!?” I snapped. “Hindi ako nagseselos! Ano ba naman ‘yan, Jet!? Tabi nga diyan! Aalis na ako. At hindi mo na ako girlfriend, utang na loob. We made a deal.”
“Sa pagkakatanda ko, Miki, hindi ganoon ang usapan natin. Wala tayong usapan na kapag bumalik siya ay maghihiwalay na tayo,” seryosong sabi niya.
“Wala ba?” nakakunot-noong tanong ko. “Pero sabi mo—”
“Until I find her. Did I say anybody in particular? Minsan, Miki, pakigamit ang utak na tumatakbo bilang Magna Cum Laude,” nakangising sabi niya.
OMG. “Are you insulting my brain!?” I snapped.
“No, I’m merely reminding you of our deal. So shut up or do you want me to shut your mouth?”
Leche, alam ko na kung saan hahantong ito kaya tumahimik na lang ako.
“Good girl,” bulong niya sa akin at saka hinalikan ako sa pisngi. He slid his hand next to mine and held my hand tightly. “Tara na.”
Naguguluhan talaga ako sa sitwasyon. I mean… ‘di ba okay na sila? Nag-usap na sila panigurado. At palagi ko nga silang nakikitang magkasama eh. Ba’t nandito ‘tong halimaw na ‘to ngayon sa tabi ko? Don’t tell me… nagiging playboy na naman siya? Oh, no.
Wait. Hindi siya puwedeng maging playboy ulit. I mean, wala nang dahilan, right? Kaya lang naman siya nag-eentertain ng girls before eh dahil he was still searching for the girl he wants to be with talaga eh. Pero ngayon? Wala nang reason para hanapin niya iyon dahil ‘yung babae na mismo ang dumating.
VOUS LISEZ
Once Upon A Spring
Roman pour Adolescents“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
Spring Twenty Four: "Plot"
Depuis le début
