"Great! Atleast, may kakilala na ko." sabay kaming pumasok sa room namin. Iilan pa lang ang tao. Napili naming umupo sa may bandang gitna.

"Monday na monday, biology ang una. Tsk." iiling iling na sabi ni Adam.

"Biology is good!" natatawa kong sabi.

"Para sayo. Eh para sakin?" sumandal sya sa upuan nya. Wala na akong maisip na dapat pag usapan kaya pinagmasdan ko na lang ang paligid. May mangilan ngilang napapatingin samin. I wonder if there's something wrong with my outfit. Maganda naman ah? Or maybe, kay Adam talaga sila nakatingin. Baka nag assume lang ako.

"Ivan! Trisha!" tawag ni Adam. Sinundan ko ang tingin nya. Sa may pintuan ay may isang lalaki at babae na nakatayo. Kumaway din sila kay Adam.

"Dude! Wala ka kahapon!" tiningnan ko yung lalaking kausap ni Adam. Ivan right? Kung tama nga ang pagkakarinig ko.

Napakamot sa ulo yung Ivan. "Tinamad ako dre. Dota tayo mamaya!"

"Nah. May schedule ako sa dentist mamaya. Masakit ngipin ko." tinuro nya ang parte ng pisngi nya kung saan nakalagy yung ngipin."Yang si Trisha isama mo." tinuro nya yung babae. Hanggang balikat ang buhok nya at may kulay na burgundy. "Hasler yan sa Dota." nagtawanan sila at nag high five. Boys.

"Wag nyo nga akong isali sa kalokohan nyo!" natatawang sabi nung Trisha. Umupo sya sa upuan sa unahan ko. Tinabihan naman sya nung Ivan na nakaupo sa tapat naman ni Adam.

"Nga pala. Guys, si Cream. Cream, si Ivan at Trisha." pakilala nya. Ngumiti at kumaway ako sa kanila.

"Naknang! Girlfriend mo Adam?" tanong ni Ivan.

"Di ah! Asa!" napakamit sya sa ulo at mukhang napahiya sa tanong ng kaibigan nya.

"Hello! Im Trisha Castillo." kinamayan naman ako ni Trisha. Well, she looks adorbs sa malaking ribbon sa ulo nya.

"Cream Sandoval." pakilala ko sa kanila. Sunod sunod na pumasok ang mga estudyante sa room. May isang kakilala si Trisha na umupo sa tabi nya. Ilang minuto na lang at simula na ng klase. Since first day naman, traditional na ang gagawin. Introduction yan. Panigurado.

"Good Morning class." pumasok ang isang lalaki na medyo nasa middle age na. May pinindot syang maliit na remote at may bumaba na isang screen.

"My name is Terrence Lim." unti unting may lumabas na salitang Terrence Lim sa screen. Sinilip ko sya sa unahan. May hawak syang tab at isang parang lapis. Nice!

"Nandito kayo sa biology class." tumingin sya sa buong klase. I estimated na nasa 60 kaming magkakaklase. Malaki ang room na ito. Maaari pang magkasya kahit 120 dito.

"Since today is your first day, introduction tayo." Yung iba naman ay nagreklamo. Kesyo matagal daw iyon at napaka boring makinig.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now