" Kabanata III "

Começar do início
                                    

" Hmmm talaga, Salamat sis di bale ako naman ang magbabayad next month, Siya nga pala mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Leroy hah " Aniyang napangiti ng pilyo.

" KUYA NAMAN EH. Ano ba ?!! " Nahihiyang reaksyon ng dalaga.

" Wala namang problema sa'kin si Leroy eh . Isa pa mabait naman siya, responsable at higit sa lahat magandang lalaki pa oh saan ka pa ? Di ba mo alam na maraming nagkaka-crush sa kanya dun sa opisina " Pilyong kwento niya habang inilalagay sa mesa ang nilutong ulam.

" Pero mahangin. Kuya, wala pa sa isip ko yang mga ganyan , di ba ikaw na rin ang nagsabi na narito tayo upang matulungan sina inay at itay di ba? Wag mong sabihin nakalimutan mo na 'iyon at ano naman ang paki ko kung maraming nagkaka-crush sa kanya. " Sinimangotan pa nito ang kapatid.

" Ano kaba siyempre hindi noh. Sus nagbibiro lang. Kinagat mo naman . " Napatawa na rin siya sa reaksyon ng kapatid.

" Ay ewan ko sayo kuya. Kumain na nga tayo " Napangiti na ring tugon nito.

Kapwa na nakaupo at kumakain sa harap ng mesa ang magkapatid ng biglang may kumatok sa kanilang pinto. Saglit napatigil sa pagkain at nagkatinginang pareho ang dalawa.

" Sige ako na. " Ani Bartolome saka tumayo.

Mabilis na nakarating sa pintuan ang binata upang pagbuksan ang taong nasa labas. Saglit pa'y si Leroy ang taong tumambad sa kanya at may dala-dala itong pagkain. Masayang tinapik ni Bartolome ang balikat ng kaibigan saka ito pinatuloy at nagtungo sa kusina. Nang makarating sa kusina'y pasimple kinindatan ng binata ang kapatid. Tulad ng inaasahan irap lamang ang sinalubong nito sa bisita at di pa nagkasy doon ang dalaga. Inikutan pa niya ito ng mata habang patuloy lang sa pagnguya.

" Hmmm, Speaking of the devil there he is. " Sarkastikong wika ni Bartolome

" Hah ? Anong devil ka diyan ? Pinag-uusapan niyo ba ako HANSEL AND GRETEL ? Sagot ! " Bansag nito sa magkapatid.

" At bakit ka naman namin pag-uusapan?, Bakit artista ka ba? " Nakausmid na sambit ng dalaga.

" Si Gre... este Bettina talaga kahit kailan ang sungit-sungit, heto dinalhan pa nga kita ng fried chicken o ! " Anito ng makita ang dalaga.

" Salamat pare , halika't sumalo sa amin sandali ilalagay ko lang 'to sa plato. " Anang binata sabay talikod sa kaibigan.

Lumapit at naupo si Leroy sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Bettina at pilyong tinitigan ang dalaga habang kumakain nang mga sandaling iyon. Samantala kunot-noo namang napabaling ang dalaga sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan. ? Yan ang plato oh, sorry pero self service ang uso dito noh " Maangas na wika ni Bettina.

" Wala. Kanina ka pa kasi ngumunguya diyan ni hindi ka man lang nang iimbita " Panimula niya sa dalaga.

" Ah ganon ba ? Sorry we'll ulit hah. Sige kain po tayo, Sir Leonardo Esteban !!! " Pamimilosopo ni Bettina rito.

Nasa ganoon silang usapan nang muling bumalik sa hapag si Bartolome. Naupo ito sa tabi ng kapatid saka inilapag sa mesa ang fried chicken na dala ng kaibigan. Bago kumain nagpapalit-palit muna ito ng tingin sa dalawa saka napabuga na lang na hinarap ang plato.

" SHHH.. Tigilan niyo nga yan para kayong mga bata. Siya nga pala pare, ok na ba ang report next week ? " Tungkol sa trabaho ang tinutukoy ni Bartolome.

" A... Oo pare tapos na kanina pa tsaka yung sa finance tapos na rin. " Tugon niya sa kaibigan.

" Mabuti naman kung ganoon. Ang sipag mo talaga pare !!! " Papuri nito sa lalaki saka kumain.

TENEMENT ( COMPLETED )Onde histórias criam vida. Descubra agora