" Kabanata III "

1.1K 37 1
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


( Samahan )

Alas sais ng hapon nang magising si Bettina. Hindi niya inakala ang haba ng oras na itinulog dala ng labis na pagkapagod. Saka lang siya nakaramdam ng matinding pagkalam ng sikmura nang bahagyang igalaw ang katawan, Matatandaang nakatulog siya sa paglilinis kung kaya't nakalimutan niyang mananghalian. Muling gumalaw ang dalaga habang sapo ang sariling tiyan. 

" Mukhang nakalimutan ko yatang kumain haizzt makaluto na nga ".

Bumangon si Bettina at mabilis na inayos ang sarili maging ang kamang pinaghigaan. Balak niyang magluto ng masarap na hapunan para sa kanila ng kapatid para mamayang gabi. Habang nagliligpit, isang mabangong amoy ang agad na nakaagaw sa kanyang atensyon dahilan upang lumabas siya ng salas. Sinundan niya iyon hanggang dinala siya nito sa may bandang kusinahan. Laking gulat niya nang madatnan doon ang kapatid na abalang nagluluto. Naalala niya na ito pala ang oras ng uwi nito sa trabaho. Tulad niya'y may sapat ding kaalaman sa pagluluto kahit papano ang lalaki sapagkat kapwa silang tinuruan ng ina noong nasa puder pa ng mga magulang sa probinsya.

" Kuya !! Naku ako na nga diyan, sorry po huh , hindi tuloy ako nakapagluto . Kakagising ko lang po kasi " Pakamot ulo pa siyang lumapit sa kapatid.

" Ok lang yun , alam ko namang pagod ka eh sige maupo ka lang muna at ako na dito. " Nakangiting tugon ng binata habang patuloy sa ginagawa.

"Ang bait talaga ng kuya ko. Alam mo ikaw na !!! " Palambing niyang kinurot ang pisngi ng lalaki.

" ARAY !! Beth naman !!! " Saway nito sa kapatid.

" Hehehe Sorry po kuya hah ang cute mo kasi habang nagluluto eh. " Pangungulit pa niya.

"At talagang nang-uto ka pa hah. Siya nga pala nakuha mo na ba ang bill natin sa tubig at kuryente? " Tanong ni Bartolome.

" Opo kuya sandali kunin ko lang sa drawer. " Anang dalaga saka tinalikuran ang kapatid.

Mabilis niya tinungo ang kinaroroonan ng drawer na nasa tabi ng kanilang television set sa salas. Doon kasi niya nailagay kanina ang papel ng kanilang bill sa buwang iyon. Nang makabalik si Bettina ay dala-dala ang isang papel at marahang inabot iyon sa kapatid saka binasa.

" OK. Sige babayaran ko na 'to mamaya " Ani Barolome nang matapos basahin ang papel.

" Huwag na kuya , bayad na'yan kanina pa. Ayan o may resibo pa " Tugon ng dalaga habang naglalagay ng pinggan sa mesa.

" Huh ?! Si..Sinong nagbayad ? " Pagtataka ng binata .

" Hay si kuya talaga o.. Sino pa nga ba edi ako alangan naman si Leroy na sira ulo mong kaibigan " Naiinis niyang sambit .

Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa maamong mukha ni Bartome. Batid niya ang dahilan kung bakit aboridong-aborido ang kapatid sa kanyang matalik na kaibigan. Bago matapos sa pagluluto'y sinulyapan niya ang kapatid at naaktuhan niya ito na tila nais basagin ang hawak na pinggan habang nakatayo sa harap ng mesa. Kibit-balikat na lang niyang hinarap muli ang ginagawa sabay nababuga.

TENEMENT ( COMPLETED )Where stories live. Discover now