" Kabanata I "

1.5K 44 4
                                    



( Unang Araw  )

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

( Unang Araw )

" Welcome to our new sanctuary , Ano sa tingin mo Beth ?... " Hingal na ibinaba ni Bartolome ang hawak na kahong pinaglalagyan ng iilang gamit sa sahig.

" Uhmmm. Ok naman siya kuya. Maganda at maayos. Ok na'ko dito. Mas maganda pa nga dito kesa sa dati nating inupahan eh. " Tugon ni Bettina habang isa-isang inilalabas ang kabibiling mga de lata mula sa malaking supot.

Nakangiting kinuhang muli ni Bartolome ang kahon sa sahig at ipinatong sa mesang kinaroroonan ng kapatid. Muli niyang iginala ang paningin sa lugar. Tama nga ang kapatid sa tinuran nito sapagkat magandang unit ang napili nila. Nang magsawa'y saka na muling hinarap ng binata ang kapatid. Tagaktak ang pawis na dinampot niya ang isang bote ng mineral water na naroon at mabilis na tinungga..Magkasama silang ngumiti ni Bettina habang inililibot ang tingin sa buong paligid.....

Bagong lipat sa anim na palapag na tenement ang magkapatid na sina Bartolome at Bettina na pagmamay ari ng isang kilalang mayor sa maynila. Tubong Iloilo ang dalawa at kapwa nakipagsapalaran upang makatulong sa pamilya. Galing sa simple ngunit masayang pamilya ang mga ito. Isang tricycle driver ang kanilang ama at tindera naman ng isda at gulay sa palengke naman ang kanilang ina. Kahit hirap man sa buhay ay pilit na iginapang ng mga ito ang pag aaral ng magkapatid. Dahil sa pagsusumikap , parehong naitawid ng mag-asawa ang pag aaral ng mga anak hanggang kolehiyo. Ginawa nilang mag asawa ang lahat ng maaaring gawin upang matustusan lamang ang matrikula ng mga anak maging ang pang-araw-araw na gastusin sa bahay. Bukod sa pamamasada. Nagsa-sideline din si Mang Berting bilang tindero ng kung ano-anong sitserya . kagaya ng chicharon , mani at kahit mga fish cracker na itinitinda pa niya sa mga nagiging pasahero. Gayundin ang asawang si Aleng Abing na naglalabada din minsan sa kapit-bahay. Kapwa naman iyong nakita at nasaksihan ng magkapatid kung kaya't nang makagraduweyt ay ipinangako nila sa magulang na susuklian nila lahat ng paghihirap ng mga ito para sa kanila. Hanggang sa makakuha ng trabaho sa maynila ang panganay na si Bartolome at isinama nito ang bunsong si Bettina upang sa makahanap din ito ng matinong trabaho roon habang nasa puder ng kapatid. Kung tutuusi'y hindi na nila kailagan pang lumayo sapagkat meron naman mga malalapit na mga kompanya o kahit anong trabaho sa kanilang lugar subalit di hamak na mas malaki raw ang sweldo sa maynila ayon sa kaibigan ni Bartolome na si Leroy. Kaklase at kaibigan niya si Leroy ngunit lumuwas lang ito ng maynila noong nasa highschool pa siya pagkat doon na nakadestino ang trabaho ng mga magulang nito kung kaya't kinakailangan nitong lumipat pati ng eskwelahan. Gayunman kailanman ay hindi nawala ang komunikasyon nila ng kaibigan. Paminsa-minsan ay umuuwi ito sa tuwing bakasyon , pasko o todos los santos. Ngunit nitong huli ay di na nakauwi pa ang binata dahil naging abala na rin sa trabaho at bihira nang makakuha ng bakante. At dahil hindi na nga nakakauwi ang kaibigan nagkasya na lamang sila sa pagpapalitan ng mensahe sa cellphone o kahit sa facebook sa tuwing kapwa silang may bakanteng dalawa. Hanggang isang araw ay may iminungkahi nga sa kanya si Leroy bagay na kaagad din naman niya tinanggap ng maluwag sa dibdib.

" Manong sigurado ka nga pwede ko didto ? Indi ko yah dan gusto magpabug-at pa sa imo... "          { Kuya sigurado ka po bang pwede ako dun ? Ayoko sanang maging pabigat pa sayo } Nahihiyang sabi ni Bettina o Beth pa kung tawagin sa kanila.

" Beth . Indi ka magkabalaka. Manong mo ako kag responsibilidad taka. Bal an ko nga makapangita ka didto. Maalam ka bala.. "                                                                                                                  { Beth , Wag kang mag-alala , kuya mo ako at responsibilidad kita . Alam kong makakahanap ka rin ng trabaho doon , matalino ka naman diba? }      Nakangiting wika ni Bartolome sa kapatid habang nagkakape kasama ang mga magulang sa kanilang hapag.

" Tuod ? Salamat gid manong. Indi ka gid magkabalaka kay samtang ato ako nga wala pa sang ubra , ako danay ang mangin housekeeper mo. Ayos man? "                                                                            { Talaga ? Salamat kuya huh. Wag ka pong mag alala habang nandun ako at walang pang trabaho ako muna ang magiging housekeeper mo, ayos po ba? }  Pabirong tugon ng 25 anyos na dalaga.

" Hay ewan I... Ikaw ang bahala !." Tanging nasabi ng binata sabay nilagok ang natitirang kape sa tasa.

" Mas makakabuting andun ka Beth, Alam mo naman yang kuya mo baka maagang magkaasawa " Biro ng kanilang nanay Abing.

" Ano ka ba mahal siyempre lalaking yang anak natin maghahanap at maghahanap rin yan. Di ba anak? " Singit ng tatay Berting nila sabay kindat sa binata.

" Si tatay talaga oh, Yung pag aasawa po saka na muna yan , uunahin ko na muna kayo ni nanay. Magpapatayo muna tayo ng sariling bahay natin bago ang sariili ko. Magalang na sagot ni Bartolome.

Iyon ang tanging pangarap ni Bartolome. Ang magkaroon sila ng sariling bahay at negosyo para sa magulang nang sa ganoo'y hindi na kailanman mangungupahan pa at magpakapagod pa ang mga ito sa labas . Isa sa mga layunin ng binata ang bigyan ng maayos na buhay ang magulang pagka't matatanda na ang mga ito para magbanat pa ng buto. Mabait, masipag at matalinong anak si Bartolome o Tom-Tom pa kung tawagin ng kanilang kaanak. Ganun din naman si Bettina na mapagmahal at masunuring anak. Kahirapan ang nag udyok sa dalawa upang makipagsapalaran sa ibang lugar .Kahit masakit man sa mga kalooban nilang pareho na iwanan ang pinakamamahal na mga magulang , kinakailangan nilang magsakripisyo at pansamantalang lumayo upang magkaroon ang mga ito ng maayos na buhay gayundin sila. Alam ng magkapatid na malalagpasan naman nila kahit malayo sa piling ng mga ito dahil magkasama at sadyang malapit naman sila sa isat-isa. Dalawang linggo makaraan ang pag-uusap na iyon kasama ng mga magulang ay kapwa tumulak na sina Bartolome at Bettina papuntang maynila kung saan ay mamamasukan bilang accountant ang binata sa isang insurance company bagay na maituturing niyang " SWERTE " Pagka't di man niya inasahan ngunit kusang dumating sa kanya at ito ang labis niyang ipinagpapasamat sa maykapal. Inirekumenda siya mismo ni Leroy na matagal nang nagtatrabaho sa maynila at empleyado din ng naturang kompanya. Naging board-mate din ng magkapatid sa dating inuupahang boarding house ang binata. Malaki ang pasalamat rito ni Bartolome dahil kahit papano'y magagamit niya ang pinag-aralan sapagkat nakapagtapos siya sa kursong " Commerce " Samantala graduate naman sa kursong Mass Communication si Bettina na kasalukuyan nang Customer Service Representative sa isang BPO company. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari, Wala pa sila halos dalawang buwan sa maynila pero kapwa na sila may sariling mga trabaho dahil na rin sa kanilang pagtatiyaga at kasipagan. Sa umpisa'y nahihirapan pa si Bettina pagkat hindi pa siya gaanong sanay sa puyatan ngunit kalauna'y nakasanayan na rin niya ang iskedyul ng trabaho at kasalukuyang nasa pang-umaga siya. Mabilis pa na lumipas ang mga araw. Makaraan ang limang buwan na pananatili sa maynila'y kapwang napagdesisyunan ng magkapatid na lisanin ang tinutuluyang boarding house sapagkat sobrang napakalayo nito mula sa kani-kanilang pinapasukan. Humanap sila ng malilipatan kasama ang kaibigang si Leroy . Sa awa ng diyos ay mabilis naman silang nakahanap hanggang sa mapadpad silang tatlo sa isang tenement sa tulong na rin ng isa pang kakilala ni Leroy. Ani Leroy, saktong-sakto lamang ang lokasyon ng lugar dahil isang sakayan lang mula sa pinagtatrabauhan nila. Tamang-tama iyon para sa kanila at upang makatipid na rin kahit papano. Bukod sa mababa ang singil ng renta , tubig at kuryente dito kaysa sa dating inuupahan , maluwang at malinis pa. Bukod doon ay may espasyo rin para sa mga labahin maging sa washing machine. Mayroon ding maliit na terasa na maaring pagtambayan o pahanginan at may isang silid na sakto sa pandalawahan . Nasa ikatlong palapag ng gusali ang kwarto ng magkapatid at katabi lamang ng kwarto ni Leroy. Noong una'y nakakapagod pa para kay Bettina ang paaakyat-baba roon sa kadahilanang madalas maubos ang kanyang lakas sa trabaho pa lamang ngunit di nagtagal ay nasanay na rin siya sa ganoong sistema maging ang kanyang kuya Bartolome.

****

****

****

Anong kapalaran ang naghihintay sa magkapatid sa bagong nilipatan ?....

Tayo na't sumama sa pagtuklas ng hiwaga..... !

TULOY PO KAYO..!!!  

TENEMENT ( COMPLETED )Where stories live. Discover now