Nilingon ko ang dalawang 4x4 na pinuno ng fifteen na volunteer, may isang truck kung nasaan ang mga damit at gamit na ipamimigay namin sa lalawigang iyon. Nasa likod kami ni Johansson at ang nag-ddrive ay iyong kasama nya.

Nakapagpalit na sya ng dri fit shorts at sa ngayon ay tinatali na nya ang trintas ng kanyang sapatos. Naka-long sleeves parin sya at hindi ko alam kung bakit hindi sya nagpalit kanina.

Pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas ng gumalaw si Johansson sa aking gilid. May kinuha sya sa likod. Nakapagpalit na sya ng shorts at mas kumportable na syang nakikita kumpara sa suot nya kanina. Naka puting long sleeves parin sya at tingin ko ay ngayon sya magbibihis.

Mabilis nyang tinanggal isa-isa ang butones ng kanyang polo at imbes na nandoon ang atensyon nya at nakatingin sya sa akin tila pinapanuod ang ekspresyon ko.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng mapansin na masyado na akong nakatitig sakanya. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan, he just caught me staring at his body!

Nakakahiya talaga! Kinakagat ko ang labi ko at nagdadasal na sana ay nasa destinasyon na kami kahit na wala pang kalahating oras ang nakakalipas.

I remember it well, he used to be this thin and tall boy who likes to read and stay in one place but he got the girls attention kahit na ganoon ang katawan nya at ugali nya. Paano pa ngayong lumaki at nagkalaman na? Gosh, bakit ko ngayon ko lang ba ito napapansin? Halos araw-araw ko syang nakakasama simula pa noon dahil sa Student Council at magkaklase kami simula bata.

Maybe because of puberty and with the help of gym? Ang sabi nya ay may gym sya at gusto nyang doon na lang ako kesa sa pinag-gi-gym ko.

Bumalik ako sa reyalidad ng hinawakan nya nag balikat ko "Hey..."

"Hmm?" sabi ko ng nilingon sya. Titig na titig sya sa akin at naputol lang iyon ng pinulupot nya ang kanyang kamay sa akin at hinila ako palapit sakanya. Bahagya pa akong napatili sa gulat.

"Come here, ayokong nakikita kitang malayo sa akin." aniya at niyakap ulit ako

"Hmm okay." sabi ko at hinayaan sya sa gusto nya

"How about your work? Hindi ba magagalit ang Mommy at Daddy mo dahil nandito ka?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang kanang kamay nyang nasa kanang braso ko, he's like hugging me from the side and I love how this position makes me feel secure.

"Tinapos ko na lahat ng paperworks kahapon, that's the reason why I'm a bit late." aniya. Lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Napapikit ako, we don't usually cuddle like this. Ang huli ay iyong noong sa dinner party sa kanilang bahay that's why this feeling is foreign to me.

"Am I too clingy?" aniya gamit ang bigong boses. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya kaya siguro naisip nya iyon.

Mabilis akong umiling at tiningala sya. Bahagyang lumuwang ang pagkakayakap nya kaya ako na mismo ang yumakap sakanya, wala akong pakielam kung nakikita at naririnig kami ng driver. Nawala ang hiya ko sa takot na kung anong isipin ni Johansson.

How does these all happen? Paano kami nagsimula at kailan iyon? Madalas kong nakikita ang pagtitig sa akin ni Johansson noon, doon ba? O sa paghatid nya sa akin? I don't know. He's my rival... Sya iyong dahilan kung bakit hindi ako lubusan maappreciate ng mga tao sa paligid ko although both of my parents are proud. Ako lang, ako lang itong hindi pa satisfied.

Come to think of it, ako lang itong nag-iisip ng magpapa-down sa akin pero ang totoo ay lahat ng tao sa paligid ko ay supportive and happy for what I am. Mom, Dad, Xena, Maxxine and Johansson... Ni minsan ay hindi sya naghangad o humingi ng pabor sa akin. I'm too pessimist to think about the bright things.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon