"So expect that that Japanese will not lay a single finger on you." napalunok ako.

"What? He's just trying to help, nagmamagandang loob lang iyong tao." sabi ko at ngumuso "And besides, I will never let that happen Johansson." sabi ko at naaninag ko agad ang kanyang ngiti

Pinuno ng fifteen na iba naming kasama ang tatlong 4x4 habang si Xena naman ay sumama kina Mrs. Trinidad. Luminga-linga ako, hindi ko alam kung saan ako sasakay. Sa nirentahan ba naming 4x4 o kay Johansson.

"Guys! Sa pick-up tayo ni Kaien!" sigaw ni Nick sa amin. May sinabi sakanya ni Kaien at tumango-tango sya na para bang gagawin nya ang lahat para makasama nya ito sa dalawang oras na byahe patungong bundok

"No... You'll be with me..." napalingon ako kay Johansson. May nirentahan kaming isa pang 4x4 na dapat sasakyan ng mga kaibigan ko at dahil nag-offer si Kaien ng kanyang pick-up ay sa tingin ko ay hindi na namin iyon magagamit.

"May dala akong Jeep, doon tayo sasakay." aniya at hinawakan ang kamay ko para lumapit sa tinutukoy nyang Wrangler.

Ngumisi ako. At talagang hindi sya nagpaalam sa akin, huh? I bet wala syang alam kung anong gagawin namin doon. Teka...

Lumayo ako at tinignan kung ano ang suot nya. White long-sleeves na nakatupi hanggang siko at tanggal ang dalawang butones at black shorts and Sperry.

"You can't go with that outfit." kahit na sobrang hot nya sa suot nya at ipapapalit ko iyon. He can't go with that, masyadong hassle para sakanya at pagpapawisan sya.

"I know kaya sa loob na ako magbibihis." natigilan ako sa sinabi nya. S-sa loob sya magbibihis? Ano? Kasama ba ako sa loob?

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. God, I don't think I can survive the two hours travel time.

Ngumisi sya at tumawa "Not what you're thinking, ako muna ang nasa loob at papasok ka na lang kapag nakabihis na ako or iyong iniisip mo ang gawin ko?"

Ngumuso ako at kaonti na lang ay tumakbo ako kina Maxxine para makalimutan ang sinabi nya. Hindi ko kinumpirma na iyon ang iniisip ko pero sa reaksyon ko ay alam nyang tama sya. Dammit! Why does he have to be so vocal? Hindi naman sya ganito noon ah?

Tawa sya ng tawa habang kinukwento kung ano ang reaksyon ko. Kinurot ko sya sa tagiliran para matigil na sya sa kakatawa pero ngumiwi lang sya at tumatawa ulit. Sinasabihan nya pa akong "pikon" kaya lalo akong nainis. Damn... Why does he have to be this vocal?

Hindi ko alam kung anong mas maganda, iyong Johansson na tahimik at limitado ang galaw o itong si Johansson na nasa harap ko ngayon na panay ang asar sa akin.

"E-ewan ko sayo!" sabi ko at tinulak sya. Naglakad ako ng mabilis patungo kina Maxxine at iniwan syang tumatawa.

Nakataas ang kilay nang binalingan ako ni Maxxine. Umiling ako at nilapitan ang mga gamit namin.

"Saan ka sasakay?" tanong nya at lumingon sa likod ko. Paniguradong nasa likuran ko si Johansson kaya naroon ang atensyon nya

"She'll go with me..." si Johansson na ang sumagot para sa akin, nilagpasan nya kami at kinuha ang gym bag kong nakalapag sa sahig.

"Sayang at hindi ka namin makakasama sa likod ng pick-up, pupwede namang sumama kayo sa amin at iwan nyo na ang Jeep." hinintay ko ang sagot ni Johansson. Parang gusto ko ang ideya ni Maxxine, ang sumakay sa likod ng pick-up at maramdaman ang simoy ng hangin sa probinsya.

Umiling si Johansson "No, it's dangerous. If we're on the mountain, sige..." sabi ni Johansson at hinawakan ang kamay ko para sabay kaming pumunta sakanilang Jeep.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now