Prologue

161K 5.2K 3K
                                    


Important Note:
Hi there! THIS STORY IS NOT ENTIRELY CONNECTED TO DISPAREO OR ANY OF MY STORIES. Yes, Dondy was a notable fictional character in Dispareo but this is his own story so hindi na kailangan pang basahin ang Dispareo. Super maiintindihan niyo parin ang kwento kahit hindi niyo na babasahin ang Dispareo. On the other hand, to those who have read Dispareo—You only know his name, now this will be his story nyahaha. :)

Shameless self-promo: feel free to read dispareo if you still haven't hihihi.

PS, para sa mga nkapagbasa ng Dispareo at aware na sa "Faceless Dondy", rest assured na hindi ito ang Faceless Dondy story na kinalakihan nina Dana at Cielo. This is an ALL-NEW story, hindi ito ang Faceless Dondy book ni Cielo Snow. With that cleared, lets doodizzz hihihihi


DONDY

PROLOGUE


I've heard about him before...


We were just kids back then...


Everyone was scared of him...


Everyone had their own stories about him...


Before I saw him with my own eyes, I was already afraid of him....


And I was just 7 years old, the first time I saw him...



"Teacher Lou sorry po! Hindi na po ako uulit! Teacher sorry!" Panay ang pagpupumiglas ng batang babae habang umiiyak. Pulang-pula at basang-basa na ang kanyang mukha sa kaiiyak at wala itong humpay sa pagmamakaawa, ngunit sa kabila nito ay patuloy lamang ang matandang guro sa paghila sa kanya patungo sa dulo ng isang madilim na pasilyo.


"Young Lady, you have to learn your lesson." Marahas mang hinihila ang batang babae, taas-noo at kalmado parin ang tono ng pananalita ng guro.


"Teacher ayoko po doon! Teacher natatakot ako!" Humahagulgol na ang batang babae at sa puntong ito'y panay na ang kanyang paghangos. Pilit man siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng guro sa kanyang braso, sadyang napakaliit niya para makawala.


"You know what happens to bad kids Gracie, I already warned you. You have to understand that there are consequences to your actions. You chose this, young lady," Pangangaral pa ng guro hanggang sa tuluyan nilang marating ang isang lumang pinto sa dulo ng pasilyo.


Lalo pang lumakas ang iyak ng batang babae nang mapagtantong isang hakbang na lamang siya mula sa lugar na labis niyang kinakatakutan. Sa huling pagkakataon, sinubukan niyang humingi ng kapatawaran at makiusap ngunit nagbingi-bingihan lamang ang guro.


"Dale! Dale!" Dala nang kawalan ng pag-asa, nagsisisigaw ang batang babae, umaasang darating at sasaklolo sa kanya.


"Isa pa yang kakambal mo," Napabuntong-hininga ang guro at hinugot ang isang susi mula sa kanyang bulsa, "You kids need to learn how to behave. I'm doing this for your own good." Dagdag pa nito.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon