prologue

1 0 0
                                    

Ang gabing iyon ay malamig, pero hindi ko inintindi iyon. Nakatitig ako sa kanya habang tinutukso siya ng mga kaibigan namin dahil naka-upo na si Amy sa kanyang hita. Ang kanyang kamay ay nasa baywang ni Amy at ang kamay naman ni Amy ay nasa dibdib ni Ax. Mas lalo na silang tinukso.

I wanted to smile and laugh, too. Gusto kong makipagtawanan kasama sila. Ngunit labag iyon sa kalooban ko. Because I'm pretty damn sure I don't like what is happening. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tumikhim ako at dinampot ang cellphone sa bag ko.

Ako:

I'm jealous. Please do something about it?

Yes, he knows about my feelings. Hindi ko iyon itatago sa kanya. At first, I denied the feelings because I know he likes someone else, dahil alam kong hinding hindi niya akong magugustohan. The feelings that I kept on suppressing later grew. I was stoked for what I felt for him. Dumating sa punto na hindi ko na maitago ang naramdaman ko, so I told him. Of course he rejected me, he said he can only offer me friendship. But I am stubborn.

Nakita ko siyang kinuha ang phone sa bulsa at kinunot niya ang kanyang noo. Inalis niya ang kamay sa baywang ni Meg at nag type, alam ko na agad na para sa akin iyon. Tumunog ang phone ko at agad ko namang binasa ang kanyang mensahe.

Jax:

Please, Meg. Not now. Leave me and Amy alone just for tonight, yeah?

Merong nagbara sa lalamunan ko kaya ininom ko agad ang isang shot ng tequila sa harapan ko. Hindi ko ininda ang sakit sa lalamunan at nagtipa.

Ako:

Okay.

Tumingin ako sa kanya gamit ang nagmamaka-awang mata, ngunit bumaling lang siya ulit kay Amy. Kinalbit ako ni Andrea kaya napatingin ako sa kanya. Nagya-ya siyang umuwi na kami kasi inaantok na daw siya. Pumayag naman ako dahil wala nang gaanong tao sa party. Malapit na rin kasing mag alas dos at ayaw ko rin namang mag-stay at saktan ang sarili ko. Saka kami umalis ni Andrea ay nagtipa pa ako ng mensahe.

Ako:

Anything for you, love. Anything. Good night.

I thought the night was cold, but I was wrong. It was you.

**

December 31. Almost midnight. Tonight, sinisigurado ko na ako ang unang tao na makaka-greet sa kanya. Merong party dito sa bahay at inimbitahan ni mommy at daddy ang family nina Ax, plus he promised me he'll come. Hinihintay ko siyang dumating sa terrace. I made sure to doll up. I was wearing an off shoulder red dress na hanggang tuhod ko. I curled my hair, wore fake lashes, and smiled sa lahat ng guests, dahil masaya ako tonight.

Ilang minuto na akong naghihintay sa labas at wala parin siya. Naiinip na ako at naiiyak. Nakita ko si Rafael, ang malapit na kaibigan ni Ax. Tiningnan ko siya at umirap. Humalakhak siya at tinanong ako kung bakit ako nasa labas. "Where is Ax?" tanong ko sa kanya pabalik. Hindi siya umimik kaya inulit ko ang tanong. "Where is he, Raf?"

Tumingin siya sa akin at tinignan ako ng naka-ngisi.

"C'mere" sabay lahad niya ng kamay sa akin. Masama ko itong tinignan ngunit tinanggap. Sumakay kami sa kanyang sasakyan at agad akong nagtanong. "What? Is this where you'll take me star gazing and confess your undying love for me, Rafael?" natatawa kong tanong. Umiling lang siya, na may naglalarong ngiti sa labi.

Naalala ko si Ax. "Where are you taking me?"

"Ax." simpleng sagot niya sa akin.

Tatlong minuto ang lumipas ay tumigil kami sa bahay nina Ax. Tumingin ako kay Rafael na nalilito. Lahat ng ilaw ay patay. Pumasok kami at dinala niya ako sa likod ng bahay nila Ax, kung saan merong garden at pool.

Nakita ko ang likod ni Ax habang ang ulo ni Amy ay nakasandal sa balikat niya. And just as the fireworks sparked up, Amy stole the kiss that should have been mine.

"Happy New Year, Meg." sabi ni Rafael sa likod ko sa napapaos na boses.

Umalis ako sa eksenang iyon na umiiyak.

The supposed to be perfect night turned out to be the worst.

for loveWhere stories live. Discover now