Epilogue

31 3 3
                                    

Pagka dating ko sa bodegang tinutukoy nung suspect ay di agad ako pumasok, sa halip pinark ko ang sasakyan ko sa may mapunong  lugar malapit sa bodega at sa likod dumaan.

Hindi ko alam kung makikita nila ako dito. Ilang lakad pa ang ginawa ko bago ako nakarating sa likurang bahagi ng bodega. Hindi ako nag ka mali may daan papunta sa loob galing dito sa likod. Papasok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Agad akong nag tago sa likod ng drums. Pamilyar sila, pero di ko na matandan kung san ko sila nakita.

"Di ka pa ba papasok?"

Tututukan ko na sana ng baril yung nag salita, pero napahinto ako sa kasa na ginawa nya. Humarap ako sa kanya.

"Leche ka Ash! Papatayin mo ba ako sa gulat?"

"Sshhh pare! Baka marinig ka nila. Akala ko nga kalaban eh, ikaw lang pala."

"Pano mo nalaman--"

"Tinawagan din ako pare."

"HOY!! Sino kayo?!!"

Sigaw nung mamang pangit na galing sa pag ihi.

Bigla nya kaming pinaputukan. Binaril ko ang kamay na nakahawak sa baril nya.

"AHHH!!"

Biglang nagsilabasan ang mga kasama nya, matataas na kalibre ng baril ang gamit nila ngayon.

"Zed!! Yuko!!!"

Ginawa ko ang sinabi ni Ash.

"P*ta ka!!" At binaril ko yung may hawak ng granada.

"Zed! Ang dami nila!! Kaunti na lang ang bala ko!!"

Tumakbo ako paunta sa lugar ni Ash.

"May tama ka Ash!!"

"Shit! Pare wala na akong pake alam! Makuha ko lang si Lame ng ligtas, Kahit mamatay ako pag katapos nito."

Sinuntok ko sya sa panga.

"Pare!!"

"Gago ka!!"

"Wala na ring saysay pa ang buhay ko! Kasi alam ko ikaw lang ang mahal nya!"

Bubunutin ko na sana yung baril ko ng may maramdaman akong mainit na bagay sa batok ko.

"Wag kana bumunot pare. Sige KUNIN SILA! Langya mga Bro. 8 agad kinaltas nyo sa tauhan ko, hanep sa galing ah? Sige ipasok sila!"

Dinala nila kami sa loob ng bodega, habang papasok kami ay may naaninag akong pamilyar na mukha, hindi mga mukha.

"Kamusta ZED?"

Ayaw paniwalaan ng isip ko ang nakikita ko. Hindi ito maari.

Susugurin na sana sya ni Ash nang hambalusin sya ng tubo sa tiyan na ikinahimatay ni Ash.

"Bat mo to nagawa?"

"Simple ---"

"BA'T MO TO NAGAWA?! BA'T KAYLANGAN MO PA KAMING TRAYDURIN?! HA?! P*UTANG MANOK CLARISSE!!"

Oo, si Clarisse ang may kagagwan nito hindi ko lubos maisip na gagawin nya ito.

Lumapit sya saakin, hindi ko sya magawang saktan dahil nakatali ako.

"Zed kung ako sana ang pinili mo, hindi ito mangyayari at hindi tayo mag kakagulo, mahal kita Zed pero BINALEWALA MO LANG YON! AT ANG HALIPAROT NA BABAENG YAN ANG NAPILI MO!"

Sa wakas ay nakita ko rin ang mukha ni Lame, pero nakita ko sa mukha nya na pinahirapan sya.

"ZED! KUNG BINIGYAN MO SANA NG PAG KAKATAON ANG NARARAMDAMAN KO SAYO, di na tayo aabot sa ganito, ang mag sasakitan tayo."

CLARITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon