Chapter 4

30 2 4
                                    

Clarisse's POV

"Zed." Gising ko sa kanya, ang hagard nyang tignan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pag punta nya kina Lame. Basta ang alam ko mahal ko sya. Nakikita ko sa mukha nya ngayon ang sakit, pait at pag hihinagpis. Kung kaya ko lang alisin lahat yun, pero hindi eh, lalo lang siguro madaragdagan ang sakit na iyon.

Namumulang kamay ni Zed ang napansin ko, baka nag kita na naman sila ni Ash. Ayoko sanang ibigay sa kanya ang address ni Lame dahil alam kong alam nya kung saan ito. May nakain lang siguro akong hindi maganda kaya nagawa ko yun.

Biglang bumangon si Zed galing sa pag kakahiga nya.

"Nag luto ka ba?"

Walang Good Pm, ganun lang nasanay na ako sa kanya. Sa ilang taon ba naman naming nag kasama sinong hindi masasanay sa walang buhay na pakikipag usap sa kanya. Kung nag tataka kayo sa simula kung bakit magkasama kami sa condo nya, Hindi po kami nag sasama, dinadalaw ko sya, halos dito na ako nakatira pero umuuwi parin ako sa amin, ayoko lang pabayaan si Zed na ganito. Sa ganitong sitwasyon kahit ipagduldulan ko na lang sa sarili ko na ako ang kaylangan nya, sa ganun masaya na ako.

"Clarisse!"

"Ha? Ahhh. Oo nandun na sa sala."

"Ano ba ang iniisip mo?"

"W-wala, sige na dun kana, ako na magliligpit sa pinaghigaan mo."

"Wag na mamaya na yan, saluhan mo ako."

Naririnig kaya nya ang bawat hinaing ko sa kanya?

"Ahh. Sige tara.."

Gusto kung tumawa, mag pa party ng walang humpay, dahil sa pag imbita nya saakin. Gusto kung lumuhud sa harapan nya.

Galitan ang hitsura namin ngayon, walang umiimik, habang kumakain nanood sya ng palabas. Ako na man sya ang pinapanuod. Sana lang isang araw ako na man ang pinupuri mo.

"Ito ang paboritong Cartoon character ni Lame si Nami. Kasing ganda nya si Lame."

Gusto kong mag protesta sa sinabi nya. Gusto kong umiyak sa harapan nya and to beg na ako na lang.

Isang malakas na katok ang bumulahaw sa isip ko at ang panood ni Zed.

"Dun ka sa kwarto Lame."

Ang sakit na.

"Zed."

Tumingin ulit sya.

"Clarisse" Walang kabuhay buhay na pag sabi sa pangalan ko. Oo ako na ang tanga.

"Oo."

"Wag kang lalabas hanggang di ko sinasabi, maliwanag?"

Ayoko nang umasa pa, ako din ang masasaktan, kaya sinunod ko na lang ang sinabi nya.

Nagtago ako sa closet nya. Isang putok ang Tanging narinig ko. Diyos ko sana walang nangyari kay Zed. Gustong gusto ko lumabas pero dapat sundin ko si Zed.

Biglang bumukas ang pintuan ng Closet. 

CLARITYWhere stories live. Discover now