Chapter 10

29 0 0
                                    

*Bogsshhh!*

Sinuntok ko ng sobrang lakas ang unang pader na nakita ko habang pauwi na ko. Nanginginig ang laman ko sa mga nakita ko.

Tangina.

Bigla na lang may luhang tumulo sa gilid ng mata ko pero marahas ko itong pinunasan ng braso ko. Inayos ko ang sarili ko at umuwi na. Dumiretso ako sa kwarto ko. Sumalampak ako sa kama. Nakapatong ang braso ko sa noo ko at tulala habang iniisip ang mga nakita ko.

Bumangon ako at natanaw ko sa lamesa ang lableter na pinagpuyatan kong gawin. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Humiga ako uli, di na ko kakain. Wala kong gana. Hanggang sa nakatulog na ko.

***

Malung Gay's POV

"Hahahaha! Sabi ko sa inyo eh! Ako talaga ang niligawan ni Bell! Wahahaha!"

"Napakahayup mo talaga Malung!!!! Halika ditoooo!"

Tumakbo naman ako habang nakadila sa pikon kong gelpren. Wahahaha di niya kasi matanggap na siya ang nanligaw sakin. Eh sa taglay kong kamachohan kung alam niyo lang laglag panty niyan ni Bell sakin!

"wahahahaha--ahh! Araay!"

Nadali ako!

"Gago ka talagang lalaki ka kung ano anong pinagsasabi mo sa mga classmate natin!"

Hawak hawak niya yung buhok ko! Araay

"Teka baby--ahh! Masakit yan huhu di ka ba naaawa sa baby mo? Huhu"

"Hinde!"

"Ouch naman baby huhu di bale mahal pa din kita---ahh! Huhu."

Dinala niya ko pabalik sa room.

"Dami mong satsat! Bawiin mo yung sinabi mo sa kanila!"

Umuusok ang ilong niya sa galit. Tatawa sana ko kaso makakalbo na ko kapag inasar ko pa siya lalo.

"Opo boss. Huhu. "

Humarap ako sa lahat.

"Guys... Joke lang yung kanina ako talaga ang nanligaw sa baby ko promise! "

Pag aannounce ko habang nakatingin sa nakapamewang na baby ko. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at binatukan ako.

"Hahaha! I love you! Hihi."

Tamo to, abnormal talaga. -.-

"Napakaabnormal mo talaga kahit kelan. "

Sabay hablot sa kanya at niyakap ng mahigpit. Habang naglalandian kami ng baby ko, napansin kong dumating na si Monggo. Pero teka, bat ganun itsura niya.

"pre... "

Napatingin siya sakin.

"oh pre? "

"anong problema? "

Ngumiti siya. At parang bumalik siya sa dating masiglang Monggo na kilala ko.

"wala pre! Haha napuyat ako sa call center namin ni Cupcake eh. Di ako nakatulog ng ayos. "

"ahh. "

Duda ko. Inakbayan naman ako ni Monggo at nakipagkulitan. Tumingin ako sa direksyon ni Ampha at kinausap gamit ang mata baka sakaling may alam siya. Pero ang lalim din ng tingin niya. Hmm. Alam kong may kakaibang nangyayari dito.

Malalaman ko din yun.

-

Bell Pepper's POV

Sabay kami ni Ampha maglakad pauwi. Umuna na kami kela Monggo at Malung may pag uusapan pa daw sila.

"Ano kayang pag uusapan nung dalawang ugok na yun? May nililihim ba yung dalawa satin? "

Napatingin ako kay Ampha dahil hindi siya nagsasalita. Nakatungo siya at mukang malalim din ang iniisip. Ano bang problema ng mga to?

Tinapik ko siya.

"Hoy bruha! Ano bang iniisip mo? Bat tulala ka? "

Nagulantang naman siya at tumingin sakin.

"ha? Ahh--wala. Wala to Bell. "

Tiningnan ko siya ng may pagdududa.

"Kilala kita."

"hmm... Kasi. "

"Kasi? "

Tumingin siya sakin saglit at tumungo uli siya.

"Nasasaktan ako Bell... "

Alam ko. May gusto talaga tong bespren ko sa tropa naming si Monggo. Hindi lang niya maamin dahil may ibang gusto si Monggo. At si Cupcake yun. Ilang beses ko na din nakita at nakausap si Cupcake. Mabait naman siya, mahinhin, palabiro din, malambing at higit sa lahat maganda. Di ako magtataka kung bakit patay na patay dun si Monggo.

Naging kaibigan ko na din kahit papano si Cupcake pero syempre iba pa din si Ampha. Sanggang dikit kami nito. Kaya kapag nasasaktan to, nasasaktan din ako.

"Ampha... "

Hinawakan ko siya sa balikat. Nagulat ako nung bigla na lang may luhang tumulo sa mata niya.

"Ang sakit sakit Bell. Ang sakit makita na sinasaktan ng iba ang mahal mo. "

"Ano bang nangyari? "

"I saw them... At nakita ko din kung pano masaktan ang lalaking pinapangarap ko na sana ay sakin. "

Patuloy ang pagtulo ng luha niya. Di ko alam ang gagawin. Kaya niyakap ko na lang siya.

"Shh... Tahan na. "

Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti.

"Di ko na hahayaan pang masaktan siya Bell. "

Nakatingin lang ako sa kanya. Tumingin siya sakin at nagulat ako sa sumunod niyang sinabi...

"Kikilos na ko. "

End of Chapter 10
Written by MihoStories

If I Cry a Thousand TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon