Chapter 6

43 2 0
                                    

Sunday ngayon at magsisimba ko.

Kasama siya.

Oo mga men! Kasama ko ang pinakamamahal ko. Ang laki ng hirap ko bago ko siya napapayag na magsimba kasama ako. Paano ba naman, sobrang strikto ng mama niya at ayaw na aalis siya na lalaki ang kasama.

Naiintindihan ko naman yun.

Pero eto na nga, magsisimba kaming dalawa ng magkasama pero...

May chaperone kami.

Ang gusto kasi ng mama niya kasama niya yung bestfriend niyang si Caramel at Strawberry. Eh wala naman akong magagawa. Atleast makakasama ko siya, chuchoosy pa ba ko?

Kahit ako lang ang mag-isang lalaki okay lang. Kahit pa mapagkamalan akong bakla. Pero sigurado naman akong walang magkakamali na tawagin akong bakla dahil sa taglay kong kakisigan.

Nagtext ako sa kanya kung nasaan na siya. Ang tagal talaga nun mag-ayos kahit kelan. Okay lang naman kahit wag na siya masyadong magpaganda, maganda na talaga siya.

Nagpalingon lingon ako sa paligid kung nasaan na siya. Marami tuloy nahahagip ang mata ko ng mga couples na magkahawak ang kamay at sweet-sweetan. Tsk. Balang araw, mararanasan ko yan. Makikita niyo!

At sa di kalayuan may nakita na kong tatlong babae, dalawang maliit at may isang average lang ang height.

Alam kong malabo ang mata niya kaya hindi niya ko basta basta makikita. Hehe.

Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok ko na isang oras at kalahati kong pinaghirapan itayo at lagyan ng wax na ine-endorse pa ni Daniel Padilla.

Polo-shirt. Check.
Pabango. *amoy amoy* ahhhh~~ pamatay sa bango! Panigurado maiinlove na sakin si Cupcake my love so sweety pie!

"Uy! Ayun si Mongo oh!" Narinig kong sabi ni Strawberry

Nakita kong palapit na sila at natulala ako nung makita ko ng malapitan si Cupcake.

Nakasimpleng bistida na kulay puti at pink na floral na medyo maiksi ang manggas na hanggang tuhod, nakasimpleng sapatos na may konting takong at nakalugay ang buhok. Shet! Kamukha niya si Miho!

Halos tumulo ang laway ko pero pinigilan ko. Bawas pogi points pagnagkataon.

"Uy? Bibig mo, baka pasukan ng langaw!" Pang-aasar ni Caramel.

Natawa naman kaming lahat.

Nilapitan ko siya at hinawi ang ilang strands ng buhok niya na tumakip sa mukha niya at pumasok na kami sa loob ng simbahan.

Naisip ko...

Balang araw, hindi na niya ko kasabay pumasok sa simbahan. Hihintayin ko na lang ang pagpasok niya suot ang puting damit at siya ang magiging pinakamagandang babae sa buong mundo.

Magkatabi kami sa upuan. Syempre palalagpasin ko pa ba yun?

Pagbigyan niyo na ko.

Habang nakikinig siya sa misa, ako naman ay lumalagabog ang puso. Tila ba tatalon na palabas sa dibdib ko at pupunta na sa kanya.

Ang ganda ganda niya...

Nakatingin ako sa kanya habang siya taimtim na nakikinig nung biglang magtama ang mga mata namin.

If I Cry a Thousand TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon