"That jerk!" hissed Sab. "Dapat ba natin balikan ang lalaking 'yon at bigyan ng mag-asawang sampal? Or maybe... maybe kailangan natin syang tadyakan sa 'alam mo na'?"

I crossed my arms. "Don't forget na anak sya ng Mayor, Sab. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa school kapag ginawa mo 'yan – natin – yang plano mo."

"Tsk! I heard it's small anyway. Baka last line na sya." Huminga sya nang malalim. "Chloe!" Kumatok ulit sya sa pinto. "Open this door Chlo!"

"Chloe?" tawag ko.

"I'm... I'm okay!" narinig namin na sagot nya mula sa kabilang side ng pinto. "I just need to... to freshen up."

Makalipas ang limang minuto lumabas na rin si Chloe nang mugto ang mga mata.

"Chloe!" Niyakap namin sya ni Sab.

"Forget about him, he doesn't deserve you! That animal!" said Sab.

"Yes and sabi nga ni Sab maraming isda sa dagat ngayon," ngumiti ako. "Maybe it's time na ipakita mo kay Anton na maswerte sya dahil pinatulan mo pa sya."

"You're right." Pilit syang ngumiti. "Screw that bastard! We're here to have fun! How dare he ruin our night!"

"Sooo... what are we waiting for?" tanong ni Sab at tinignan kami with a raised eyebrow

Tumatawa kaming pumunta sa living room at nakiisa sa mga taong sumasayaw doon.

***

Dumating si Noah ten minutes before seven. Pumunta lang sya sa kitchen, kumuha ng beer at lumabas papunta sa infinity pool. Mag-isa syang dumating. Hindi ko rin nakita sa paligid ang mga kaibigan nya.

"Excuse me," paalam ko sa lalaking kumakausap sa akin. Nasa kabilang side ng living room sina Sab at Chloe, may mga kausap silang varsity players. Hindi ko na sila sinabihan pa, sinundan ko nalang si Noah.

As usual, he's wearing all black. Black hooded jacket, black shirt with red print na pangalan ng banda na hindi nag-eexist sa ipod ko, black jeans and black chucks. May black leather bracelet din sya at silver rings sa magkabilang kamay.

Huminga ako nang malalim. Okay. This is it! I should talk to him, this is my chance. This is a party and it's normal na mag-usap ang mga hindi magkakakilala. Don't freak out. Act normal. God, he's so Noah! Ano'ng sasabihin ko? Should I say Hi first? And then what? Itanong ko kaya ang tungkol sa exam nya sa Math? My God, this is a party! Nandito kaming lahat para kalimutan ang school stuffs! What should I do?

Dammit! Nilapitan ko sya at ipinakita ang pinaka-awkward na ngiti sa labi ko. Shit.

"Hi!" Lumunok ako. Ngayon lang ako kinabahan nang sobra sa buong buhay ko.

Lumingon sya sa akin. Tinignan lang nya ako nang matagal. Okay. This is okay.

"I'm Yn!" pakilala ko. God, did I sound so retarded?

Mukhang hindi nya ako papansinin. Mukha syang hindi interesado. Matagal bago sya sumagot.

"Noah." Tumingin sya sa dagat at uminom ng beer.

Huminga ako nang maluwag. "So Noah, are you enjoying the party?" GAH! Stupid! What did I just ask him? Enjoying the party?! Gusto kong lumublob sa pool.

Unexpectedly, tumaas nang kaunti ang gilid ng labi nya.

"It's not the worst."

Huminga ulit ako nang maluwag. Well, atleast nag-uusap na kami. Nag-isip ako nang mga sasabihin pa sa kanya pero bigla akong na-mental block. This is Noah. I'm standing here with Noah. I am with Noah Alonzo. I am so happy!

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon