The Final Chapter

Depuis le début
                                    


Natawa na rin siya. "You silly girl."


"Oh, I love hearing you laugh, Montenegro."


Yumapos ang mga braso niya sa katawan ko.


"Alam mo bang natatakot ako na baka panaginip lang ito? Na baka bukas wala ka na."


Maliit siyang ngumiti. "I feel the same way, baby."


"Baka umalis ka, baka iwan mo ako."


"Not gonna happen." His arms tightening around my body as his deep blue eyes focused on me. "At ikaw, hindi ka rin mawawala sa akin. Not again."


"Mangako ka sa akin." Ungot ko.


"I won't."


Sumimangot ako.


"I won't promise, my love. I will just do it."


I sighed. "Sige na nga."


"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Aviona Camille Montemayor- Montenego."


"Mahal din kita kahit scary ka dati." Smiling and crying, I hugged him and pressed my cheeks on his hard chest.


"Sisikapin kong gawin ang lahat para sa'yo... na wala ka ng ibang hihilingin at kakailanganin pa sa piling ko."


"Wala naman na," anas ko. "Wala na... only you... Just you. Just Lander."


Muli ay narinig ko ang mahina at maiksing tawa niya, punong-puno ang dibdib ko ng pag-ibig para sa lalaking ito.


...



MAHIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Lander. Kaharap namin ngayon ang mommy ko. Kahit hindi pumayag si Mommy ay nagpumilit pa rin ako sa isang dalawang linggo na bakasyon namin ni Lander sa Hong Kong. Gusto ko kasi siyang makasama nang matagal.


Nalaman ko rin na hindi pa pala nakakapunta ng Disneyland si Lander, pagkatapos sa Amerika ay Hong Kong naman kami. Plano na rin namin pumunta sa Japan, 'tapos sa universal studio naman. Lahat ng bagay na hindi namin nagawa noong bata pa kami, gagawin namin ngayon nang magkasama.


Lahat ng bagay na ipinagkait sa amin, at maging ang kabataan naming nawala sa amin, babawiin namin. Hindi pa naman huli ang lahat. Meron pa kaming habambuhay para bumawi, at bumawi sa isat-isa.


Salubong ang kilay ni Mommy.


Tumungo sa kanya si Lander. "How are you, Madame?"


"Hindi ko na tatanungin kung talagang mahal mo ang bunso ko."


"Mommy..." Nagulat ako sa diretsang sabi ni Mommy.


Hinarap ako ni Mommy. "And you, Aviona. Kahit naman sabihin ko na 'wag siya, hindi mo rin gagawin, di ba?"


"Mommy..." marahan akong tumango. Nagsisimula ng mabasa ang mga mata ko ng luha.


Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko. "Dahil isa kang Montemayor, at ang isang Montemayor ay iisang beses lang puwedeng magmahal sa tanang buhay niya. At ang isang beses na iyon, kailanman ay hindi na matatapos."


Tumikhim si Lander sa tabi ko kung kayat napatingin kami sa kanya ni Mommy.


Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. "Kapag ikinasal na kami ni Aviona, hindi niya na kakailanganin ang yaman ng pamilya niyo. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng meron ako, at kahit ang wala ako, pipilitin kong makuha para ibigay sa anak niyo, kung hihilingin niya iyon sa akin."


"Isa na lang, Montenegro." Ani Mommy.


"Anything, Madame." Sagot ni Lander na sa akin pa rin nakatingin.


"Harapin mo ang pamilya namin. Harapin mo ang pamilya na inagawan mo ng kaligayahan sa loob ng maraming taon. Harapin mo ang pamilya ni Aviona."


UP NEXT: Epilogue

His Indecent Proposal: Lander MontenegroOù les histoires vivent. Découvrez maintenant