Chapter 2

896K 26K 11.1K
                                    

"MAGANDA ba?" tanong sa akin ni lola Peach.


Nakatanaw kami ngayon sa kalangitan. Mayroon doong usok na kulay puti na tinatawag daw na usok at bughaw naman sa paligid na ang tawag ay kalangitan. Nasisilaw ako noong una na ngunit pagtagal ay nakasanayan ko na rin.


Napapalakpak ako. "Opo, Lola! Ang ganda po, sobra!" tuwang-tuwa ako. Isa kasi sa mga pangarap ko ang makakita ng ulap at langit. Natatandaan ko nang bata pa ako, parang nakakita na rin ako ng mga ganito, hindi ko nga lang maalala nang malinaw.


Napalabi ako. "Pero Lola, nasaan po ang araw?"


"Hayun," inginuso ng matanda ang araw. "Natatabingan sya ng itim ng ulap."


"Itim na ulap?" Tinanaw ko iyon.


"Ahem." Isang lalaki ang tumikhim sa aming likuran.


Si Just Lander pala. Sinundan nya kami rito sa veranda. Mukhang kararating lang nya dahil wala sya kanina. Umalis sya sabi ni Lola Peach. Araw-araw nga raw syang umaalis dahil isa siyang abalang tao.


Magaan talaga ang loob ko kay Just Lander. Bukod sa gustong-gusto ko ang kanyang mukha ay gusto ko rin ang mainit at maaligasgas nyang boses. Alam ko na mabait syang tao. Natitiyak ko na may mabuti syang puso lalo at pinapayagan nya na ako ngayong lumabas ang makagala sa kanyang mansiyon.


Nagsalubong ang kanyang kilay. "That's enough." Kay lola sya nakatingin.


"Ano po ibig sabihin niyon?" bulong ko kay lola. Sya kasi ang tagaturo ko sa mga bagay na hindi ko alam dahil matalino sya. 


"That's enough, ibig sabihin, iyan ay tama."


Gumalaw ang panga ni Just Lander.


"Kung ganoon po, lola, tama po kayo?"


Patakbo akong lumapit kay Just Lander. "Hello, Just Lander!"


Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya saka siya tumingin nang diretso kay lola Peach. "Change her dress. We're going outside."


LANDER


"JUST kill them all," I said to my assassin before I hung up the phone.


Kung hindi ko ibibigay ang utos na iyon ay sa akin mangyayari ang dapat mangyari sa kanila. Ganoon sa negosyong ito. Mauna kang mantraidor kaysa maunahan ka nilang traidurin. Dito na ako namulat sa ganitong klase ng mundo at kabisado ko na ang pasikot-sikot nito.


It's either me or my enemy. This is my life, and I'm fucking used to it from the very start. I don't give a damn if my life is always on the verge of death. I love the adrenaline in the chase. At uhaw ang mga kamay ko sa dugo.


Nagkalat ang mga tauhan ng kalaban ko sa isa sa mga farm ng cocaine ng mga Montenegro. Hindi nagpapatalo ang mga linta ng kalabang drug-smuggling syndicate ni Ybarra Montenegro, my father. At ako bilang naiwang anak ang nagpapasan ng mga responsibilidad ng dating crime lord ng bansa. I don't do drugs but I make and sell drugs. Lahat ng mga sindikato ay sa akin kumukuha kahit pa sobra-sobra ang patong ko sa presyo. Hindi nila ako kayang talikuran dahil ako lang ang may kakayahang magtimpla ng gamot na talagang kakabaliwan ng kahit mga maharlika ng ibang mga bansa.

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon