Chapter 27: "What happen to Louie??"

Magsimula sa umpisa
                                    

“Bakit ikaw?” tanong pa ni Harry.

“Bakit hindi si Venice ang tanungin mo?” – Louie.

“Totoo ba yun? Siya na ang sasama sayo mamili ng dress mo?” – Harry

“Ah-Eh. O- Oo?” sagot naman ni Venice.

“Pero bakit siya?”

“Wala ring inggitan Harry!” – pang aasar pa ni Louie.

Takang taka naman sila Nathan, Zeth at Keila sa mga narinig mula sa kanilang likuran.

Si Louie sasamahan mamaya si Venice? Bakit? Anong nangyari? – Keila.

Kanina tinabihan niya si Venice, ngayon naman nakikipag talo siya kay Harry para lang samahan si Venice? What’s going on?– Zeth.

Si Louie ba talaga yung kasama namin ngayon? Gusto niyang samahan si Venice? Weird.. – Nathan.

Natapos na rin si Harry at Louie sa pagtatalo kaya tumahimik na sa loob ng Van.

“Dave, malayo pa ba? Pwede pa bang matulog?” tanong ni Keila.

“Oo. Medyo traffic kasi.”

“Ahh. Ok.”

Bago matulog ay nagpa tugtog muna ng music si Keila.

More Than This by. One Direction

Wala pa sa kala gitnaan ang music naka tulog na agad sila Keila, Zeth at Harry.

Si Venice naman pumipikit pikit na rin yung mata, pero dahil wala siyang masandalan ay nagigising gising siya once na nayuyugyog yung ulo niya.

Napansin naman ni Louie yung sitwasyon ni Venice kaya mas lalo siyang dumikit dito, itinaas niya ang kaliwang kamay para hawakan ang ulo ni Venice at isinandal niya sa kaniyang kaliwang balikat.

“Matulog ka na.” – Louie.

“O-okay.” yun na lang ang nasabi ni Venice, at agad niya ng ipinikit ang mga mata niya.

Si Nathan naman hindi makatulog kaya pinakinggan niya na lang yung music na tumutugtog habang nakatingin sa labas.

Maya-maya ay naisipan niyang lingunin si Venice para sana tignan kung ano ng ginagawa nito.

0.0  < -- reaction ni Nathan ng makita niya na naka sandal yung ulo ni Venice sa balikat ni Louie.

Binalik niya agad yung tingin sa labas dahil baka makita pa siya ni Louie na naka tingin.

Si Venice nakasandal kay Louie? Panong nangyari yun?

***

VOTE. COMMENT. BE MY FAN if u WANT :))

Thank u soooooo muchhhh ..



&quot;A House Full of Hunks&quot; Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon