Chapter 9

1.6K 51 5
                                    

LUCY'S POV

Nandito na kami ni Drake sa bahay namin. Patay na lahat ng ilaw sa bahay. Malamang tulog na sila mama at papa ngayon. Kinuha ko mula sa bag ang susi ng bahay saka ito binuksan.

Pumasok na kami sa bahay. I turned on the lights. "Gutom na ako ano kaya ang  nilutong ulam ni mama ngayon?" Sabi ko habang papunta sa kusina. "Star gutom ka narin ba?"

"Yeah, a little bit." Tugon niya.

Naghanap ako ng ulam pero mukhang wala ng ulam na natira. "Naku! Walang ulam." Dismaya kong sabi.

"Hay naku wala ng natirang ulam anak naubos na ng pinsan mo." Biglang sulpot ni mama sa bukana ng kusina. "Hindi pa ba kayo kumakain? Ipagluluto ko kayo." Lumapit na si mama samin.

"Good evening po tita." Bati ni Drake kay mama. "Pasensya na po kung naka istorbo kami ni Genie."

"Ay, ano bang pinagsasabi mo dyan? Kahit kailan hindi kayo istorbo sa akin. Hala sige umupo muna kayo dyan." Utos ni mama sa amin magsisimula na sana siyang magasikaso sa lulutuin niya ng pigilan siya ni Drake.

"Tita it's ok. Ako nalang po ang magluluto bumalik nalang po kayo sa pagtulog." Pumuta siya sa ref para mag hanap ng mga pwedeng lutuin.

"Sigurado ka Drake?" Paninigurado ni mama na sinagutan lang ni Drake ng isang tango. "Oh, sige matapos niyong kumain matulog na rin kayo. Dito ka narin matulog Drake dahil gabi na." Sabi ni mama bago bumalik sa itaas.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya ng may mga nilabas na siya mga sangkap.

"Ikaw anong gusto mo?" Balik tanong niya sa akin. Taas balikat lang ang sinagot ko sa kanya wala rin kasi ako maisip na iulam.

Mga ilang minuto matapaos naming kumain ay napagpsyahan namin na umakyat na para matulog. "Ahh, sige good night Drake" sabi ko at saka binuksan ang kwarto ng kapatid ko. Papasok na sana ako dahil inaantok na ako kaso may nakahiga na sa kama.

"Genie bakit hindi ka pa pumasok? Hihintayin kong makapasok ka bago ago papasok sa kwarto mo." Napatingin ako sa kanya nako pano na'to?

"Ahhm Star ano kasi may katabi na ang kapatid ko sa kama niya. Nag sleepover yata sila ng mga kaibigan niya." Ano na, hindi ko naman inasahan na ganito pala ang mangyayari.

Ngumiti siya na parang hindi problema ang sinabi ko. "It's ok ikaw nalang sa kama sa sahig nalang ako."

"No, no, bisita kita kaya ikaw sa kama at isapa hindi ka sanay kapag ganun kaya mahihirapan ka sa pagtulog." Pagdadahilan ko. Kinuha ko na yung banig sa Cabinet ko saka nilapag sa sahig. "Kaya ikaw sa kama ako sa sahig."  Umiling naman siya.

"Lalo akong hindi makakatulog ng maayos kung alam ko na sa sahig ka nakahiga." Hinila na niya ako at pinahiga ako sa kama. "Sleep tight." Hinalikan niya ako sa noo. Saka umupo sa sahig at humiga sa may banig.









Ilang minuto na akong nakahiga at kahit anong pilit kong tulog ay hindi ko magawa. Ang likot kasi ni Drake sa baba. "Star sigurado ka na ok lang sayo dyan sa sahig?"

Bumuntong hininga siya "hindi ka ba makatulog dahil sa'kin?" Ayos rin to kausap paminsan-minsan tanungin ba naman ako ng hindi pa sumasagot sa tanong ko.

"Hindi naman, medyo lang. Galawa ka kasi ng galaw halatang nahihirapan ka." Sinilip ko siya sa baba. "Pwede naman kasing ako dyan at ikaw dito."

"No dyan kalang." Gumalaw nanaman siya para naghahanap ng tamang posisyon para sa pagtulog.

Unti-unti ng dumidilim ang paligid ko hangang sa makatulog na ako. Pero muli akong nagising sa kalikutan ni Drake. Sinilip ko ulit sa baba. Nakapikit siya habang galaw ng galaw at pabalil-balik ang ang pagiiba ng posisyon niya sa pagtulog.

Kita mo to alam niyang hindi siya sanay matulog sa sahig pinagpipilitan parin. Nakakaawa tuloy siyang tignan. "Star, star mahinang tawag ko sa kanya. Star." Lumingon siya sa akin.

"Nagising ba kita?" Batid sa kanyang mukha na inaantok nasiya. Ngumiti ako sa kanya.

"Dito ka nalang sa kama." Suhesyon ko sa kanya kumunot naman bigla ang noo nito at tinalikuran ako.

"I told you dyan kalang sa kama matulog." Napailing nalang ako.

"Star nahihirapan ka na nga dyan! Dito ka nalang. T-tabi...na lang...t-tayo." Nauutal kong sabi sa hulihan.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Sigurado ka? I mean... hindi kaba maiilang na katabi ako matulog?" Natigilan ako dun.

"Hindi naman siguro?"  Tumayo na siya at lumipat dito sa kama ako aman ay umurong sa kabilang parte.






Lumipas ang ilang minuto hindi parin ako makatulog. Dahil siguro ito ang kauna-unahang katabi ko siya sa pagtulog. "Still can't sleep?" Napatingin ako sa mukha ni Drake.

"Hindi ka rin pala tulog?" Balik tanong ko sa kanya.

"Maybe I should go back down" pinigilan ko siya sa pagtayo. Alam kong nahihirapan siya doon sa baba at ayaw kong makita siyang ganun.

"No! Dito ka lang wag ka ng magalala makakatulog rin ako." Tumalikod na ako sa kanya at humarap sa kabilang direksyon. "Good night Star." Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Come here" hinarap niya ako at inilapit sa kanya. Ginawa niyang unan ko ang dibdib niya. Inabot niya ang isa kong kamay para ipulupot sa kanya. Ang mga braso naman niya ay nakapulupot sa akin. Kaya bale para kaming nagyayakapan na naka higa. "I'll sing for you."


🎶Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
Dina mapipigilan
Pag-ibig nga ito

Sana'y di matapos ang na daramang ito
Pag-ibig na kaya ito
Hmm, hmmmm...
Pagkat nararamdamam pag-ibig ating natagpuan.🎶

Ang ganda talaga ng boses nito inaantok na ako. "Good night my Genie" yun nalang ang huli kong narinig mula kay Drake at ang halat ay dumilim na sa aking paningin.




****
Hello gals/guys pasensya na kung ngayon lang ako naka ud ulit.

Sana nagustuhan niyo ito. Ba-bye




♡♡VOTE, COMMENT, ENJOY♡♡

»»»den 😀

 Secret Unfold Where stories live. Discover now