Part two

1.1K 31 4
  • Dedicated kay Para sa Lalaking tinutukoy ko dito :)
                                    

continuation.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Di nya pa rin nasasabi pangalan ko hanggang ngayon. 3rd Year na kami. Still magkaklase pa rin. Medyo nag-iba na sya ngayon, hindi na sya masyadong suplado. lagi na rin syang nang-aasar. OO. lahat na ata ng babae inaasar nya sa room. medyo malandi rin eh. -___-

One recess time nga eh, lalabas sana ako, kaya lang bigla nya akong hinarangan, at sabi nya

"Password muna."

nakayuko kasi ako nung time na yun, tapos nung tumingala ako sa kanya. O___O grabe ang lapit ng mukha namin sa isat'isa! Pero I felt something.

Dugdug.

AYY shet lang ano yon? Ang gwapo nya pala lalo sa malapitan. Pero andyan na naman si classmate #1 at tinulak sya, ayun! TANENN! Muntik na kaming magK*ss.

Pero syempre di natuloy kasi yumuko ako. Kahit naman CRUSH ko sya, hindi ko ibibgay ang 1st Kiss ko noh! ang nasabi na lang nya kay Classmate ay: "Loko ka talaga!" tapos ayun nagharutan na ulit sila.

Malapit na ulit yung acquiantance party namin, at parang ayoko umattend. Nakakatamad kasi.. Pero nagulat ako nung lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko. tinanong nya ako kung sasama ako sa Acquaintance. Sabi ko: "Baka Hindi.Tinatamad kasi ako eh." Isa pa, hindi mo naman ako isasayaw. Syempre di ko yung sinabi. sabi naman nya, " Ang killjoy mo talaga kahit kailan." 

Suamgot naman ulit ako, sabi ko: "Naku, mabobore lang ako dun, anong gagawin ko dun? tutunganga? Nanonood ng mga nagsasayaw atsaka---?" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagsalita agad sya.

"Eh anong ginagawa ko dito? Andito naman ako ah."

Nagulat ako dun sa sinabi nya tapos tumingin ako sa kanya, na nakatingin na pala sya sa akin. THE HELL. BAT ANG GWAPO GWAPO NYA SA PANINGIN KO? Bakit? At dahil doon sumama na nga ako. 

At yun na nga, acquaintance na namin, at sya ang last dance ko. Grabe nga eh, hindi lang pala ako yung sinayaw nya nun. Teka, bat ba ako nagrereklamo? basta ang alam ko, hindi ako nakatulog nung gabing yon dahil feel ko pa rin yung kamay nya at yung scent nya na naamoy ko.

August na. Napapansin ko sya na lagi nya akong pinagtitripan. Lagi nyang kukunin yung panyo ko tapos aamuyin nya. Ang adik talaga. Tapos yung panyo nya ipinaamoy nya sa akin. ANG BANGO nga eh. LOL. xDD Tapos minsan pag kinukuha nya ayaw nyang ibalik kaya makikipaghabulan pa ako tapos ilalagay nya sa gilid nya kaya ayun, parang nayayakap ko na sya nun.

Tapos may something na naman akong mararamdaman.

Another day eh Vacant namin nun, tapos lumabas ako tapos sinundan nya ako, umupo kaming dalawa dun sa may railings tapos binulungan nya ako, sabi ba naman:

"Pwede ba kitang ligawan?"

naglolokohan kasi kami nung mga time na yun tapos babanat sya ng ganun? Pero di ko maiwasang kiligin nung tinanong nya yan. Kahit alam kong biruan lang. Kaya ang sagot ko sa kanya:

"AHAHAHAH SIGE BA!" 

Pero nasaktan ako nung mga time na yan. Alam ko kasing biro lang eh :| hayyy.

AND NOVEMBER CAME.

Ayan na. Nalaman ko na nanuod pala sila ng sine nung isa kong classmate ng Sila lang dalawa. Horror pa nga eh. Nakakainggit naman. And napansin kong lagi silang magkasama ni girl. At nung Xmas party namin, dun ko nalaman na MU na pala sila ni Girl. Grabe ang sakit talaga, ewan ko nga kung bakit eh. CRUSH lang naman diba? eh bakit umiiyak ako?

Atsaka close kaya kami ni Girl. Kinabukasan ay Christmas ball namin. Pero parang ayoko umattend. Pero sige na nga, last day ko na syang makikita bukas oh. :(

Adi ayun na nga, ang theme ng Xmas Ball namin ay Balck and white. Kahit ano basta hindi GOWN. Something comfortable. edi ayun na nga, magkasama sila sa isang table. At dumating yung pinakaayoko. Yung sayawan. Yung SLOW DANCE, pero syempre may nagsayaw pa rin sa akin nun.

Dahil nasa likod ko yung table nila, narinig ko yung mga hiyawan nung mga classmate ko. Kinakantyawan sya na isayaw na si Girl. Syempre nakikantyaw din ako kahit masakit.

Pero imbis na sumayaw sila eh nakita ko syang papalapit sa akin. Tapos inabot nya yung kamay nya,

Sabi ko: "Ano yan?"

Pero imbis na sumagot hinawakan nya yung kamay ko,. ang lambot talaga ng kamay nya,. Kinakabahan ako nun.

at ang sumunod na nangyari ay O____O

Nagmano lang sya.

SHIZ. Akala ko pa naman. Hayzz. Ayan kasi. Umaasa ka na naman eh. Yan tuloy :( And then pagtingin ko sa kanila, andun na sila nagsasayaw. Dahil madilim dun, walang nakapansin na umiyak ako. Ang arte ko talaga. :(( Umuwi na ako ng maaga nun.

And the ayun na nga. Bakasyon na namin. Ako naman laging OL. Syempre sya din.

And nung Christmas na, Tinawagan nya ako sa CP tapos sabi nya:

"Merry Christmas nga pala ***********."

O_________________________O OMG. BINATI NYA AKO! AT 1ST TIME NYANG SINABI YUNG PANGALAN KO! AYIIIIIEEEE Kilikilig ako nun shemeeyyyy! tapos ayun binati ko na lang din sya. At dahil sa sobrang saya ko, nag online ako sa FB at gusto kong magpost ng:

Yung feeling na binati ka ng taong mahal mo. :")

Ipopost ko na sana sya ng makita ko yung status ni girl na:

Yung feeling na binati ka ng mahal mo ng Merry Xmas exactly at 12 am sabay sabing ILOVEYOU.

OUCH. Masaya na sana eh. Kaya lang. Hay... Di ko na lang sya pinost. Ang pinost ko na lang ay ganito:

Let's define kanina: Kanina nakakakilig. Ngayon sobrang Sakit :"(

tapos nag-Out na ako. Wala rin namang mangyayari eh, baka makakita lang ako ng mga post na sobrang masasaktan ako.

:(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

may continuation pa. :(

My Highschool Life: Based on a True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon