Liligawan Kita

345 33 10
                                    

Rita POV

Hanggang ngayon tulala pa din ako hindi ko pa din alam kung totoo ba yung sinabi ni sir Marko eh paano si mam Via diba mahal niya yun? Naguguluhan na talaga ako.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya dun at kung totoo man hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil may gusto din naman ako sa kanya diba. Pero gusto nga lang ba o mahal ko na siya.

"Rita hoy bata ka bakit tulala ka diyan tawagin mo na si sir Marko para makakain na."

Untag sa akin ni aling Marta hays ewan nababaliw na ako.

Umakyat na lang agad ako sa taas para puntahan si sir Marko kahit na sa totoo lang eh naiilang pa din ako dahil sa sinabi niya kanina pero paano kung hindi naman totoo.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya habang grabe ang kaba ko ewan ko ba hindi ko alam kung paano ko siya papakiharapan.

"Sir Marko kakain na daw po baba na po kayo." Sabi ko habang kumakatok sa pinto.

Mga ilang sandali pa eh bumukas ang pinto ng kwarto niya hindi ko alam kung aalis na ba agad ako o kung ano.

"Ah sir Marko kakain na po daw." Sabi ko habang nakayuko hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya naiilang ako.

"Rita about sa sinabi ko kanina." Sabi niya.

"Ah sir Marko mauuna po ako sa baba kung gusto niyo po sumunod na lang kayo sa baba." Sabi ko na akmang aalis na ng pigilan niya ako sa braso ko.

"Rita seryoso ako dun sa sinasabi ko sayo i mean every word i say. I love you." Sabi jiya habang nakatingin sa mata ko.

Napatulala na ang ako sa mata niya ngayon mas malinaw ko ng narinig na mahal nga niya ako pero ewan naguguluhan ako kasi parang kailan lang si Miss Via pa ang mahal niya.

"Sir Marko baka naguguluhan ka lang alam ko naman si mam Via ang mahal mo kaya imposible." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako naguguluhan ok alam ko kung anong nararamdaman ko kasi ako yung nakakaramdam." Sabi niya habang nakahawak na sa mukha ko.

Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin alam ko din naman sa sarili ko na gusto ko siya pero kung mahal yun ang hindi ko alam.

"Sir Marko bakit ako? Hindi naman ako mayaman o maganda."

"Tss maganda ka ok at hindi importante kung mayaman ka hindi naman yun ang nakikita ng puso ok. Mahal kita kasi ikaw si Rita yung babaeng mapagmahal sa pamilya, yung babaeng mataas ang pangarap , yung kayang magsakripisyo ng kasiyahan niya para sa iba. Ikaw yung taong nagturo sa aking pahalagahan ang kung anong meron ako so don't blame mo kung minahal kita." Sabi niya habang nakayap sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak kasi ramdam kung totoo siya sa mga sinasabi niya at hindi ko alam na ganun na pala ako kahalaga sa buhay niya.

"Pero sir Marko." Magdadahilan pa sana ako ng pigilan niya ako.

"Shh wag ka ng magsalita ok kahit anong sabihin mo mahal kita ok. So please lang hayaan mo akong mahalin ka at hindi na din ako magpapaalam pero gusto ko lang malaman mo na liligawan kita simula ngayon." Sabi niya sabay halik sa noo ko at takbo pababa.

Naiwan naman akong tulala habang nakahawak sa noo kung hinalikan niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng maalala kung sinabi niyang liligawan niya ako.

Hayss sir Marko binabaliw mo ako..







A/N : Sorry guys ngayon lang mental block eh tas may mga issue pa about MarTa anyway sana hindi na ako mamental block goodluck haha love you guys and enjoy reading ...

Love Knows No BounderiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora